Chapter 5

1.2K 73 1
                                    

Rose

"Just enjoy the free time we have, Rose. Kalimutan mo muna ang mga problema mo." Malakas na pagkakasabi ni Chloe sa tenga ko dahil sumasabay din ang malakas na tugtog ng music dito sa bar niya. The lights were on and off with different colors.

Inabot niya sa akin ang shot glass na may alak.

I shot her a confuse look. "I don't drink."

Tumawa siya habang umiiling saka sumandal sa counter. "Isang shot lang naman."

I sighed. Masyado pa rin akong nag-iisip tungkol sa sinabi ni Daisy sa akin kahapon.

I called Chloe not because I want to have sex but I just want to chill. So she invited me in her bar.

"Can I have a juice?" I said.

Pagak siyang tumawa. "What are you? High school?"

I rolled my eyes. "Fine." At nilagok ko na yong alak.

I don't love the taste but I ended up drinking more.

"Chloe, I was just thinking if I could find a surrogate mother for my baby." sabi ko.

She looked at me like I was kidding.

"Surrogate mother?" Napailing siya. "Lasing ka lang siguro, Rose."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinungga ko ang alak na mainit sa lalamunan ko.

"That's enough, Rose." sabi niya ulit.

The world is already spinning. I held my head dahil parang mahuhulog ito sa leeg ko.

"Did you just spike my drink?" I asked in my annoyed tone.

"Anong spike? Ang dami kaya ng ininom mo, Rose." She giggled.

"Oh." Yan lang tanging sambit ko.

Mas lalong ipinaglapit ni Chloe ang mga katawan namin. Ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha habang hinimashimas niya ang hita ko. "Akyat tayo." nang-aakit na pag-imbita niya sa akin.

"No. Uuwi na ako." Muntik na akong mahulog sa stool nang tatayo na sana ako. Bakit ang bigat ng katawan ko?

"Rose, you're drunk. Dito ka na muna." she said with concern.

"No, Chloe wala ako sa mood makipagsex. At diba sabi ko na sa'yo na hindi na tayo magsesex?" I said habang paika-ika akong nagtungo sa exit ng bar.

"Rose! It's not safe for you to drive." sabi pa niya pero di ako natinag nang binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko.

"Chloe.. Don't let your ass worry about me. I'll be fine, okay?" I said as I go inside the car and started the engine.

Habang nagda-drive ako, bigla kong naalala ang maamong mukha ng waitress. Ano nga pangalan niya?

Jail? Hail? Hell?

Whatever.

I smirked as I turned my wheels to Ferrer Hospital. She said that her brother was admitted there. If she's lying then I'm going to fire her tomorrow.

I parked the car and entered the Hospital.

"Ma'am bawal na po visitors kapag lalagpas ng 10pm." pagpigil sa akin ng gwardya sa pintuan.

"Kilala mo ba ako?" Everyone knows me!!

"Hindi po, ma'am."

"How pathetic." I laughed. Nakakatawa naman tong stupido na 'to!

"Ma'am nakainom po kayo. Umuwi na lang po kayo at bumalik na lang kayo bukas."

"Ang lakas naman ng loob mo para diktahan ako! Ako si Rose Santimente. Kasosyo ko ang may-ari ng Hospital na to at sa isang pasabi kay Faye Ferrer na sesantihin ka ay hindi ako magdadalawang isip!" Agad naman kumurap ang guard. Akala niya ha!! Nakakainis na my head is hurting.

"Ah... eh s-sige po, pasok na kayo. B-bakit po kayo napunta rito sa ganitong oras, ma'am?" parang maamong tupa na tanong niya.

"I'm here dahil gusto ko makita kung may Kyle Liwanag bang na-admit dito."

Mabilis naman tinignan ng guard ang malaking recordbook o kung ano man yon.

"Nasa children's ward po sila ma'am."

"Samahan mo ako." maawtoridad na sabi ko.

Nasa groundfloor lang din ang children's ward.

"Nandito na po tayo, ma'am." sabi ng guard nang nakaharap na kami sa isang double door.

"Fine. Alis na." pagtataboy ko rito.

Binuksan ko yun at nakita ko si Kyle na nakahiga sa hospital bed. May dextrose ito. Meron ding ibang mga batang pasyente at pareho na silang tulog kabilang na ang mga watcher nila.

Paika-ika akong naglakad papalapit kay Kyle. Medyo malapit lang din sila sa pintuan.

Tulog na silang lahat maliban sa isa na nagbabasa ng libro. Nakaupo siya sa bangko na nasa gilid ng kama ni Kyle. Agad niya akong nahagilap ng lumapit ako sa kanila. Gulat na gulat siyang tumingala.

"Ma'am Rose?" said Gail. And it surprised me how I remembered her name.

Tumayo siya para lapitan ako.

Ewan ko ba kung bakit ang ganda niya tignan ngayon. Ang amo ng mukha niya. Dahil ba ito sa makulimlim na ilaw dito sa room?

"So.. what you said is true." sabi ko habang nakatingin kay Kyle na tulog na.

"H-hindi naman po ako magsisinungaling." sabi niya. I shot her a confuse look when she smelled me. Aso ba siya? "Nakainom po kayo, ma'am."

I was about protest but I felt something strange. "I need.. I need to.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nailabas ko sa aking bibig ang mga kinain ko kanina.

-

Til next ud, babies!

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon