Chapter 9

1.3K 77 0
                                    

Abigail

"Hoy.. nakikinig ka ba?" Agad akong bumalik sa aking ulirat nang yugyugin ako ni Aubrey sa braso.

"H-ha? May sinasabi ka?" Maang na sabi ko na ikinailing lang niya.

"Hindi ka talaga nakikinig eh no? Ang tanong ko, kamusta date niyo ni ma'am Rose kahapon?" nakangising tanong niya.

"Anong date?!" Nag-init ang pisngi ko.

"Sus kunwari ka pa. Sa tagal ko nang nagtatrabaho dito, ni isa sa mga crew dito sa restaurant ay di niya nga pinapansin tapos ikaw yayayain ka ng ganon lang." sagot niya.

Nagkamot ako sa batok. "Hindi kasi date 'yon! Maliwanag? Tsaka... baka may pinagdadaanan siya kaya kailangan niya lang ng kausap."

"Anong pinagdadaanan niya? Sa taray niyang yon baka pati problema natatakot sa kanya eh." pang-uusisa ni Aubrey.

"Hay naku! Magtrabaho na nga tayo!" iwas ko rito at nag-punta na ako sa serving window upang maghintay ng maseserve na pagkain.

Malalim pa rin ang pag-iisip ko. Pagkatapos nong may tumawag kay ma'am Rose habang nasa beach kami kahapon ay dali-dali na kaming umalis. Hindi na ako nagtanong kung anong nangyari kay Daisy kasi alam ko naman na tatarayan lang niya ako. Hindi siya umiimik hanggang sa hinatid niya ako dito sa resto at mabilis na lang ang pagharurot ng kotse niya pagbaba ko.

Nag-aalala talaga ako kay Daisy. Sana okay lang siya.

Mabilis tumakbo ang oras sa araw na ito.

Walang mataray na ma'am Rose ang kumain dito nong lunch time.

"Kyle, hindi ka ba naglikot?" tanong ko sa kapatid ko habang nag-aayos ng mga gamit ko sa locker. Out ko na rin.

"Di po, ate. Good boy po ako." Yun nga lang na-lowbat yong phone ko kasi ito ang nilalaro niya para di siya mabagot.

"Hali ka na, Kyle." yaya ko na sa kanya at lumabas na kami ng resto.

"Gail!" May tumawag sa akin nang naglalakad na kami ni Kyle sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyang motorela.

Paglingon ko ay nakita ko si Jerick sakay ang kanyang bagong motor.

Ginilid muna niya ito sa tabi ng kalsada saka siya lumingon sa amin. "Sakay na. Hatid ko na kayo."

"W-wag na. Salamat na lang, Jerick."

Umiling siya. "Wag kang mag-alala. Maingat naman ako magmaneho."

"Sige na, ate. Sakay na tayo." nakangiting sabi ni Kyle.

Bumuntong-hininga na lang ako. "Sige na nga."

Doon sa harap nakapuwesto si Kyle kasi maliit naman siya. Nakikita ko sa mga mata niya na excited siyang sumakay at feel na feel pa nga niya na siya ang driver! Hahaha.

Pumwesto na ako sa likod ng motor.

Umalis na rin kami. At tulad ng sabi ni Jerick, maingat naman siyang magmaneho.

Ilang minutong byahe ay tumapat na kami sa bahay namin. Bumaba na ako. Bago ako magpasalamat ay naririnig kong may mga nababasag na gamit sa loob ng bahay namin.

Bigla akong kinabahan.

"Ahm, pwede bang dito na muna si Kyle. Titignan ko lang kung anong nangyayari sa loob." pakiusap ko kay Jerick.

"Samahan kita."

"Wag na. Okay lang ako." tanggi ko at wala na siyang nagawa nang nagpunta na ako sa pintuan namin.

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon