Abigail
Dali-dali akong umalis pagkatapos kong mag-serve ng order nang makita ko si ma'am Rose kanina. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.
Alas dyes pa naman. Napaaga yata siya ng dating dito.
Nagpunta na ako at naghintay sa serving window kung saan iaabot ang mga orders.
Nakita kong papalapit si Biboy dito.
"Chef Ginny, pakitimpla ng dalawang tasa ng kape para kay ma'am Rose." malakas na pagkakasabi niya sa serving window dahil medyo maingay doon sa loob.
Bumaling si Biboy sa akin. "At saka ikaw daw ang maghahatid don sa table niya."
"H-ha?" Sinigurado ko munang ako ang kausap niya nang lumingon pa ako sa gilid at likuran ko.
"Ikaw nga Gail." natatawang sabi niya.
Ano na naman kaya ang trip ng baliw na yon? Bakit ako pa?
Wala na akong nagawa nang inabot na sa akin ang tray na may dalawang tasa ng kape.
Napalunok ako nang natatanaw ko na siyang nakapwesto sa table niya. Buti na lang nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.
Napansin kong mag-isa lang siya. Bakit dalawa ang pinatimpla niya?
Nakita kong nakatingin lang siya sa malaking bintana sa gilid niya.
"M-ma'am, ito na po ang kape niyo." Kahit nauutal ako ay casual pa rin yong tono ko at puno ng pagrespeto. Kahit naiinis ako sa kanya, siya pa rin ang amo ko. At siya ang dahilan kung bakit wala na kaming bills na nabayaran sa ospital at gumaling na rin si Kyle agad dahil sa gamot na pinadala niya.
Nagtagpo ang mga mata namin nang lumingon siya sa akin.
Pero bakit may iba sa kanyang mga mata? Parang malungkot siya.
Guni-guni ko lang siguro yon.
"Sige, umupo ka." utos niya. "That other coffee is for you." medyo nagulat ako.
Para sa akin?
Kahit nalilito ay umupo na lang ako sa kabilang side ng mesa kaya magkaharap kaming dalawa. Binaling ko na lang tingin sa ibang direksiyon. Para kasi akong napapaso sa tuwing nagtatama ang mga mata namin. Nakita kong nakatingin sa gawi namin ang ibang staffs.
"Kailangan ko lang ng.. kausap." sabi niya.
"Ahm.. okay po." lumunok ako. Anong nangyayari sa kanya?
Humigop muna siya ng kape. "Wala naman sigurong lason 'to?" tanong niya.
"Lalagyan ko na rin sana." nabulalas ko. Nakakainis na bibig 'to.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Bakit ako ang gusto mong makausap?" tanong ko na lang.
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Dahil kinakabahan nga ako. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Pero bakit parang hindi naman yon ang dahilan?
"I don't know. Maybe ikaw lang nakakausap ko dito sa Restaurant." May pinagdadaanan siguro tong baliw kong amo.
Tumango na lang ako. "Wala ka bang mga kaibigan?" Medyo nagulat ako nang tinanong ko yon. Parang wala yatang preno tong bibig ko.
Humigop siya ulit ng kape. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya hindi na rin ako nangulit.
Humigop na rin ako ng kape ko.
Tahimik lang kami ng ilang sandali. Naubos na namin ang aming mga kape. Ano pa ba gagawin ko dito?
BINABASA MO ANG
Rich Woman's Baby (GirlxGirl)
RomansaSi Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay...