Chapter 2

1.6K 78 0
                                    

Abigail

"Sa susunod na mauulit ito, ako na mismo ang sisesante sayo without the manager's record about you. Ayuko lang nag-eexist ang mga tulad mo sa business ko. Wag tatanga-tanga." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "Wag kang umiyak. Hindi nakakayaman yan." dagdag pa ni ma'am Rose.

"Ate naman." saway ni ma'am Daisy sa kanya. Ang bait-bait talaga niya hindi katulad ng ate niya. Wala yatang puso.

"Sorry po, ulit." hiyang-hiya na paumanhin ko saka ko pinulot ang tray at dali-daling naglakad papuntang kitchen. Nilagay ko muna ang tray at nagtungo na sa locker room.

Doon na bumuhos ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.

Ang tanga ko talaga. Sa amo pa talaga namin ako nagkamali?! Nakakainis! Humahagulhol na ako dahil nasaktan ako sa mga pananalita ni ma'am Rose kanina.

"Tahan na, Gail." Lumapit si Jerick sa akin habang hinahagod nito ang likod ko. "Ganun talaga si ma'am Rose. Masasanay ka rin sa kanya."

"Hindi pa nga ako nakaka-dalawang araw dito, may nagawa na akong hindi kaaya-aya. At sa amo pa talaga natin!" wika ko na pinupunasan ang mga luha ko.

"Gusto mo yakapin na lang kita para gumaan ang loob mo?" sabi pa nito.

"Huy, Jerick, namamantala ka na naman kay Gail ha. Umalis ka nga jan at magtrabaho ka na, puro ka landi eh." sumulpot naman si Aubrey. Umiling na lang si Jerick.

"Usap na lang tayo mamaya, Gail." wika nito. Nakatanggap muna siya ng irap galing kay Aubrey bago siya umalis.

"Nakita ko kanina kung paano ka sinungitan ni ma'am Rose." sabi ni Aubrey. Uminit ang mukha ko sa hiya.

"Parang lahat naman yata nakakita samin. Nakakahiya talaga." nakayukong sabi ko.

"Buti na lang hindi ka sinesante ni ma'am Rose."

"Dahil kay ma'am Daisy yun. Pinagtanggol niya ako kahit siya yung natapunan ko ng sauce." napangiti ako ng kaunti sa kabaitan niya.

"Oo nga. Parang yinyang ang dalawa kasi kung ano ang ikinabait ni Daisy sa lahat ay ganun naman ang ikinaswapang ng ate niya." turan niya.

Pagkatapos mapagaan ni Aubrey ang loob ko ay bumalik na kami sa trabaho. Pinagsisikapan ko na hindi makalapit sa table nila ma'am Rose dahil nahihiya pa ako hanggang sa tumayo na sila para umalis na.

Natapos na ang shift ko ng 5 pm.

"Uhm, Gail, sabay na tayong magpunta sa jeepney stop. Okay lang ba?" nahihiyang sabi ni Jerick. May pakamot-kamot pa siya sa batok.

"Oo naman." sagot ko at sabay na kaming lumabas ng resto.

"May manliligaw ka ba ngayon, Gail?" tanong ni Jerick habang naglalakad na kami sa gilid ng kalsada.

"Wala." tipid kong sagot.

"So..." nakangiting sabi niya, "pwede ba ako manligaw sayo?"

"Sasabihan na kita, Jerick, magulo ang buhay ko." natatawang sabi ko.

"Oo ba yan o hindi?" tanong niya ulit.

"Ahm..." hindi pa ako nakapagsalita nang may bumusina sa gilid namin.

Pareho kaming lumingon sa kalsada at isang magarbong itim na kotse ang tumapat sa amin.

Bumaba ang bintana sa driver's seat at lumantad ang magandang mukha ni ma'am Daisy.

"Ma'am Daisy?" yun na lang ang nasabi ko at ngumiti siya sa amin.

"Sumakay na kayo." sabi niya.

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon