Abigail
"Ouch.. It freaking hurts." Naririnig kong may umuungol sa kabilang kama. Paglingon ko ay nakita kong inilibot ni Ma'am Rose ang kanyang paningingin sa paligid. Hawak nito ang ulo dahil sa tingin ko ay masakit yon.
Aba, gising na pala si kamahalan.
"Kyle hawakan mo muna 'tong chocolait mo." sabi ko at lumapit ako sa hospital bed kung saan nakahiga si Ma'am Rose. Nagtama ang mga mata namin.
"Why am I here?" Mataray na tanong niya. Hindi nga lang niya nagagalaw masyado ang ulo niya dahil sa hangover. Tignan mo nga naman kakagising lang, ang sungit na!
Humalukipkip ako. "Bago ang lahat, magandang umaga po, sa inyo. Hindi niyo po ba naaalala na nagpunta ka lang dito para sumuka lang, Ma'am Rose?" pagpupumilit ko ng ngiti.
Natigilan siya saglit at napatingin sa t-shirt niya. Buti na lang may dala akong extrang damit.
"Binihisan mo ako?" Nag-init ang pisngi ko nang tanungin niya yun. Naalala ko na naman ang makinis at maputi niyang balat. At may.. abs pa siya. Jusko. Pero hindi ko tinanggal ang bra niya no!!! Yong damit lang kasi ang nadumihan. Maingat ko yon hinubad sa kanya para hindi siya matapunan ng sarili niyang suka.
"Uh.. K-kasi.." Bakit ako nauutal? Tumikhim ako. "Kasi nasukahan mo yong damit mo. Pero wag po kayong mag-alala dahil nilabhan ko yon at pinatuyo sa cr."
"I need to go." Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama. Napapangiwi pa siya sa sakit.
Tumingin ako sa kanya. Kahit medyo magulo ang buhok niya ay para pa rin siyang dyosa na naligaw dito.
"Sure ka?" tanong ko at nakatanggap lang ako ng matalim na tingin. Bigla akong nanlamig. Nagmamalasakit lang naman ako. Bakit ang hirap niya pakisamahan? Palibhasa kasi, walang puso. Di katulad ng kapatid niya.
Tumayo na siya at naglakad na papuntang pintuan.
Lumabas na siya sa ward at napailing lang ako. "Wala man lang akong natatanggap na salamat." pagmamaktol ko.
-
"Salamat talaga, Aubrey!!" Tuwang-tuwa akong napayakap sa kanya habang napapatalon.
"Aray ko naman, Gail, papatayin mo yata ako." natatawang sabi niya.
Kumalas ako habang napapangiti. "Malaking tulong na sa akin ang pera na pinahiram mo sa akin. Mababayaran ko na rin ang gamot ni Kyle at bill sa ospital. Maraming salamat talaga. Pramis, babayarin ko yon kapag nakapag-ipon na ako."
Nakangiti siya. "Basta sa ikabubuti ni Kyle. Tsaka ganon naman talaga ang magkakaibigan, hindi ba? Nagtutulungan."
Si Aubrey ay kaibigan ko pa simula nong College pa kami. Pero natigil ako sa pag-aaral dahil hindi na kaya ng mga magulang ko na suportahan ang pag-aaral ko. Habang siya naman ay napatigil din dahil nalugi ang kanilang negosyo at matagal na nagtrabaho bilang waitress dito. Mas nauna siyang nagtrabaho sa restaurant na ito. Sa katunayan nga, siya rin nagrecommend sa akin na may hiring dito ng mga waitress kaya di ako nag-atubiling mag-apply dito.
Bumalik na kami sa trabaho dahil natapos na ang break time namin.
Nakapagtataka. Dalawang araw na hindi na dito kumain sina ma'am Rose at Daisy ng tanghalian. Dalawang araw na rin nung huli kong nakita si ma'am Rose nung may hangover siya. At nasa akin pa ang damit niya.
Teka, bakit ko ba siya iniisip?
Ilang oras ang nagdaan ay bumalik ako sa locker room upang magligpit ng mga gamit ko. Ilang minuto na lang ay tapos na ang shift ko.
BINABASA MO ANG
Rich Woman's Baby (GirlxGirl)
RomanceSi Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay...