Rose
"Are you serious with these reports?" naiinis kong tanong habang ibinalik ko ulit ang folder sa secretary kong di ko pa kilala. "What a trash. I need the complete record."
"Ma'am Rose, sorry po. K-kase nawawala po yung journal na andun lahat ang records last week. Meron po kase nanghiram nun at sabi nila may consent mo raw kaya pinahiram ko." pangangatwiran nito habang nakayuko.
"What's your name again? Kelan ka nga na-hire?" nakakunot kong noo na tanong ko. Hinihilot ko na lang ang aking sentido.
"R-Rachel po, ma'am. Last week lang din po ako natanggap."
Sumandal ako sa office chair ko. "Hindi naman kasi ako basta-basta nagbibigay ng consent sa kahit na sino kahit assistant ko pa yan. Well, Rachel, it seems like we need a new secretary, again."
"Po? Pero-"
"You are fired." Nakita kong naiiyak siya which I hated. I don't have time for this. Pinindot ko ang buzzer na nasa office table to call the attention of my assistant at pumasok na si Marie sa opisina.
"Guide her outside." utos ko kay Marie at pinaikot ko ang upuan ko. Nakaharap na ako sa bintana.
Nakatingin lang ako sa labas nang ilang sandali ay may pumasok sa opisina ko dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Ate, someone is crying. Sinesante mo na naman ba? Tsaka kakahire mo lang ng secretary hindi ba?"
Bumuntong hininga ako at hinarap ang kapatid kong si Daisy. Nagkibit-balikat lang ito.
Nag-shrug ako. "It was her choice." I answered.
"Kawawa naman ang babaeng yon, ate." nakikisimpatya niyang sabi.
"Maiintindihan mo rin ako, little sis. Nakasalalay ang business dito at hindi ang emotion ng babae na iyon." saad ko. Kumunot ang noo ko. "Diba dapat nasa school ka ngayon? What are you doing here?"
"Ate ano ka ba?" Nagpaikot siya ng mata. "Lunch time na. Sabay na tayong kumain."
Napatingin ako sa wrist watch ko. "Sa sobrang busy ko, di ko na namamalayan ang oras."
"So kung di ako nagpunta dito, di ka kakain ng lunch?" tanong niya.
"I have been so busy this week dahil end of the month na. I need to sign different papers," tinuro ko ang mga nakapatong na makapal na papel na nasa gilid ng mesa ko.
"But you have to eat, Ate." concern na sabi niya. "Parang ayaw ko na rin yata maging owner ng mga hotels, restaurants at resorts dahil nakakastress."
"You are still young for thinking about it anyway. Maiintindihan mo rin ito lahat if you are old enough."
Bigla siyang natahimik.
Tumikhim ako at tumayo na. "Tara na." Sabi ko na lang.
Lumabas na kami sa opisina ko. Ang mga tao naman na nagchihikahan ay biglang nagsitahimik at yumuko. Kusang humawi sila sa dadaanan ko at nagpatiuna ako sa paglalakad. Nasa likuran ko lang ang kapatid ko.
"Hi, ate Jane.. Hello po, kuya Sid. Hi ate..." Busy na pakikipagbatian ng kapatid ko sa mga tao na nadadaanan namin. Napakafriendly ni Daisy at palagi itong nakangiti.
No one dares to make an eye contact with me.
"Hi, Daisy.." bati nila pabalik sa kanya. Parang nag-alinlangan pa ang mga ito nang nilingon ko sila.
"Ang bait talaga ng kapatid ni boss. Total opposite sila." Binubulong ng isa sa gilid pero naririnig ko naman. But I didn't mind it. I would not care anyway.
BINABASA MO ANG
Rich Woman's Baby (GirlxGirl)
Lãng mạnSi Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay...