Abigail
Mabilis akong naglakad pagkatapos kong bumaba ng kotse. Agad kong sinarado ang pinto ng bahay pagpasok at napasandal doon.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Ang bilis ng pagpintig nito.
At dahil sa hindi normal ng pagtibok ng puso ko ay bumibigat ang aking paghinga. Bakit ganoon ang nagiging reaction ko? Pareho naman kaming mga babae kaya walang malisya yon, hindi ba?
Naririnig ko na ang pag-andar ng kotse ni ma'am Rose at unti-unti nang nawawala ang tunog nito. Umalis na siya.
"Ate, okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?" Nagulat naman ako nang sumulpot si Tibon. Kanina pa pala ako nakahawak sa dibdib ko.
Tumikhim ako at umayos. Lumapit ako sa kanya. "Okay lang ako. Maghilamos na kayo ni Kyle at matulog na." utos ko na lang sa kanila. Sumunod naman sila.
Nilinis ko muna ang mga basag na gamit sa sala. Tumingin ako sa basag na picture frame.
Family picture namin. Lahat kami nakangiti dito at kasama namin si mama. Pero kailangan ko itong itago kasi baka mas lalo itong sirain ni papa.
Pagkatapos kong magligpit ay sumilip ako sa kwarto ni papa. Natutulog na siya.
Naghilamos na ako.
Tinignan ko muna ang mga kapatid na sa ngayon ay nakapikit na. Magkatabi sila sa isang kama at nasa sahig lang ako natutulog. Nilatag ko na ang banig sa sahig at inayos ang unan ko. Pinatay ko na ang ilaw.
Humiga na ako at nakatitig sa kisame. Tanging ilaw lamang ng poste sa labas na sumisilip sa bintana ang nagbibigay liwanag dito sa maliit na kwarto namin.
Ang daming nangyari sa araw na ito.
"Ate.." biglang nagsalita si Tibon.
"Oh? Bakit gising ka pa?"
"Narinig ko si papa kanina. Sabi niya, di na babalik si mama." wika ni Tibon. Hindi ako umimik. "Di na po ba babalik si mama? May ibang pamilya na ba siya sa Qatar?" Narinig ko siyang humihikbi.
"Babalik siya. Lasing lang si papa kanina kaya wag kang maniwala. Sige na, matulog ka na dahil maaga pa pasok mo bukas." sagot ko. Hindi ko na kayang magsinungaling pero mas ayaw kong masaktan ang damdamin nila.
Ilang sandali ay hindi na siya nagsalita at sa tingin ko ay nakatulog na siya.
Pumikit na ako.
Maraming nangyari sa araw na ito.
Sana tama ang mga naging at magiging desisyon ko.
-
Alas sinko ng madaling araw ako nagising.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si papa na nagluluto sa kusina.
"Pa? Diba dapat namamasada ka na ngayon?" tanong ko. Kadalasan kasi alas kuwatro ng madaling araw ay umaalis na siya ng bahay.
Hindi siya sumagot.
"Ahm.. anak." paninimula ni papa, "pasensya ka na sa nangyari kagabi."
"Wala yon, pa." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"At saka, hindi na ako makakarenta ng jeep kay aling Julie. Kasi ako ang napagbintangan na sumira ng makina nong menamaneho ko. Medyo nagkagirian kami kahapon." buntong hiningang sabi ni papa.
Kaya pala.
"Okay lang, pa. Kahit papaano ay di ko na kailangang isama si Kyle sa trabaho kasi andito ka na sa bahay." pagpapagaan ko ng loob niya.
BINABASA MO ANG
Rich Woman's Baby (GirlxGirl)
RomansaSi Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay...