Rose
Today is one day before Gail's desicion. Hindi rin pumapalya ang paghatid ko sa kanya sa restaurant tuwing umaga. I need to pursue her 'yes'. I know I sounded desperate but this is the only chance to convince her for tomorrow.
Bumaba na ako to eat my breakfast.
"Good morning." Daisy greeted me. She is eating her breakfast at the dining table. Umupo na rin ako pagkatapos kong sumagot sa kanya. "Napapaaga ka na, ate, ah." dagdag niya.
Usually, I'll take my breakfast at 7:30 am. Kaya madalas ay hindi ko na nakakasabay si Daisy mag-agahan. 6:00 am ay kumakain na siya dahil may mga gamot pa siyang iinumin.
Simula nung hinahatid ko si Gail sa restaurant every morning, nakakasabay ko na rin mag-agahan si Daisy.
"Ahm, may project akong aasikasukin kaya kailangan kong pumasok nang mas maaga." I lied. "I'll be off by 7:00 am."
Tumango na lang siya. I took a sip from my hot coffee.
"So part ba sa project mo ang ihatid si ate Gail sa restaurant tuwing umaga?" tanong niya na nagsmirk pa.
Muntik ko nang mabuga ang coffee.
"Anong.. what are you talking about?" I asked stupidly.
She rolled her eyes but still the smirk did not leave her lips. "Come on, ate, tell me the truth. Nanliligaw ka ba sa kanya?"
"That's far from the truth. Hindi ako nanliligaw sa kanya. It won't happen, okay? Teka, panu mo nalaman na hinahatid ko siya?" I asked.
"I have my sources." Napangiti siya.
Alam kong nakikita ng mga crew sa Restaurant na hinahatid ko si Gail sa umaga.
Napakamalisyoso talaga ang mga tao kaya hindi umaasenso.
"So nakikipagchismisan ka sa mga crew doon? At umaalis ka ng bahay na hindi ko alam?" Naiinis na tanong ko.
"They are my friends, ate. Saka nung nasa office ka ay bumibisita ako sa resto para pumasyal saglit and yun nga, nasabi nila sa akin. Tinatanong ko naman si ate Gail pero di naman siya sumasagot." naiiling na sabi niya. "Kaya curious lang ako dahil di mo sinabi sa akin."
I released more air from my mouth. "I'll just tell you tomorrow, okay?" Tumingin ako sa wrist watch ko. "I'll go now."
Tumayo na ako. "Take your meds on time at wag kang magpapagod." I said one last time as I get the keys and my purse. Lumabas na ko ng mansion.
-
"2682 pesos lahat, ma'am." sabi ng babae sa counter. Inabot ko sa kanya ang pera at binigay na niya sa'kin ang sukli.
Kinuha ko na ang mga plastic bags na naglalaman ng mga binili ko at lumabas na ng grocery store. Nilagay ko sa passenger front seat ang mga ito at nag-drive na papunta sa bahay nila Gail.
I arrived on time. Nakita kong lumabas na siya ng bahay nila. Tumingin siya sa kotse ko.
I rolled the car window down. "Anong tinutunganga mo jan? Hali ka na." utos ko sa kanya. Lumapit siya sa window ko.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to, ma'am Rose." sabi niya. "Gusto ko na rin sab--"
I raised my hand to stop her from talking. Kinuha ko ang groceries beside my seat at inabot sa kanya. "I bought this for your family."
Nakatingin lang siya dun at hindi gumagalaw.
"Ma'am, hindi ko matatanggap yan." she refused.
"Just take it! Wag ka nang maarte." I said, annoyed.

BINABASA MO ANG
Rich Woman's Baby (GirlxGirl)
RomanceSi Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay...