Chapter 14

1.4K 90 28
                                    

Rose

"Pasensya ka na sa bahay namin. Maliit lang." Gail said as soon as we entered their house.

I did not respond. Kahit maliit lang ang bahay nila ay simple naman, maayos at malinis.

Nilapag ni Gail ang mga shopping bags sa gilid.

Naalala ko tuloy kung gaano kabagay sa kanya ang red cocktail dress na binili ko.

Tanaw ko ang father niya na nagluluto sa kusina nila.

The pleasant smell of adobong pusit reached to my nostrils. Nakakagutom tuloy.

"Pa, andito na po kami." Lumapit si Gail sa father niya at nagmano.

"Saktong-sakto ang dating niyo." He smiled at us. I just responded with a slight smile without saying a word.

I travelled my sight to every corner of the house until it landed to the picture on the wall. Kaso basag ang salamin ng picture frame. I guess family picture nila ito. Sa picture ay nakita ko ang father niya na nakaakbay sa isang may edad na babae. Nakatayo silang dalawa. Nakaupo naman sa harap nila sina Gail at ang dalawang brother niya. I guess this was taken 1 year ago.

"Opo ka muna, ma'am Rose." Gail interrupted my thoughts.

Umupo ako sa wooden chair dito sa living room.

"Anong gusto mong inumin?" tanong niya.

"Ikaw." I answered briefly. Sumandal ako sa inuupuan ko. Medyo napagod din ako sa lakad namin kanina.

Napahinto siya. "H-ha?" She blushed so hard. Para siyang statwa na nakatayo lang sa harap ko.

"Are you deaf? I said 'ikaw'. Ikaw ang bahala." I just rolled my eyes on her stupidity.

I saw the way she swallowed. She laughed nervously. "S-sabihin mo kasi nang kompleto. Sige, tubig na lang." she reasoned.

I just shook my head.

Tumalikod na siya para kumuha ng tubig.

Moments passed, she gave me a glass of water then I took a sip from it.

"Ahm... ano pa kailangan mo?" she asked as she fidgeted her fingers.

"Will you please calm down?"

She released a sigh, relaxing herself.

"Baka kasi naiinip ka." pagdadahilan niya.

"I'm fine."

I saw Kyle and his older brother peeking from the other door.

"Mga bata, magsilabasan na kayo ng kwarto dahil kakain na tayo." sabi ng father nila. "Hali na kayo, Gail, miss Rose."

The food is ready.

Umupo na kami sa dining table. Magkatabi kami ni Gail

In all fairness, masarap ang pagkaluto ng ulam. Kaya hindi ko namalayang naparami ang kain ko.

"Kain ka lang ng kain, miss Rose. Marami akong niluto para mapadalhan rin ang pamilya niyo." paninimula ng father niya.

"Kaso hindi mahilig sa adobong pusit ang kapatid ko." I answered as I shook my head.

"Eh, yung mga magulang niyo po? Di rin ba sila mahilig?"

Napahinto ako.

"Ahm..." I trailed. "Kami lang ng kapatid ko ang magkasama sa bahay."

"Nasaan ang mga magulang niyo po pala?"

"Papa naman!" singit ni Gail.

"It's okay." I assured her. Tumikhim muna ako. "I was 5 noong pumanaw ang mom ko nang ipinanganak niya si Daisy, my younger sister, and my dad was an american soldier. When I was 9, they lost from a war and isa siya sa mga nasawi."

For the first time, I released these heavy burden I've been holding in my chest. I barely know these people but I was able to tell them about my past.

Though the story that I had shared is not complete, but still it feels really good to at least vent to them.

"P-pasensya na dahil naitanong ko pa." he apologized.

"It's nothing, mr. Liwanag."

Natawa naman siya. "Ano ka ba, tawagin mo na lang akong mang Rio."

I nodded with a slight smile.

"Halata pong fil-am kayo kasi ang ganda niyo." pagpapasipsip naman ng kuya ni Kyle.

"Anong pangalan mo nga?" I asked him.

"Tibon po!" sagot niya na itinaas pa ang kamay na parang nasa recitation.

Nagtawanan naman silang lahat.

And I was just smiling. So this is how it feels to be in a family dinner.

Masaya.

Maingay pero masaya.

Lumingon ako kay Gail. Ang ganda ng ngiti niya. Kahit tatanga-tanga minsan 'tong babaeng ito, maswerte pa rin siya dahil masaya sila ng family niya. Nasaan kaya ang mother nila?

Hindi ko namamalayan na nakatitig ako kay Gail.

"M-may tinta ba ako ng pusit sa mukha?" she asked consciously.

"W-wala." I felt my cheeks were heating up as I immediately averted my sight from her.

-

I unlocked my car door.

"Ahm, ma'am Rose, kukunin ko muna ang shirt mo sa kwarto namin. Isusuli ko na sa'yo."

"Wag na. Besides nasa akin din naman ang t shirt mo. It's an exchange." pagpigil ko sa kanya. "At pakisabi na lang ulit kay mang Rio na salamat sa masarap na hapunan."

Tumango siya. "Teka, para saan nga ba talaga yong mga binili mo?"

I almost forget that. "We will attend to my friend's birthday party tomorrow night."

She looked confused then crossed her arms over her chest. "Paano kung ayaw ko?"

I shook my head. This girl is unbelieveable. "It's just a party, Gail." She doesn't look convinced. "Okay, sige. Since you'll attend to the party, you are exempted for work tomorrow. So you will have the whole day to prepare."

She sighed. "Wala akong alam tungkol sa mga party ng mayayaman."

"Don't worry. Ako ang bahala." I smirked.

"Hindi ko alam kung ano na naman ba ang pakulo mo kung bakit ako pa ang isasama mo."

"Too much talking." Binuksan ko na ang door sa driver's seat. Bago ako pumasok sa kotse, I gave her the last instruction. "May susundo sa'yo bukas ng 5 pm para ayusan ka."

-

(A/N)

Thanks for reading!

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon