Chapter 4

1.2K 83 2
                                    

Abigail

"Bakit ba ang kulit mo ha?! Hindi nga ako magpapautang hangga't hindi mo pa nababayaran yung una!"

"Tiya Esang, pangako po ngayong sweldo ko magbabayad na po ako. Pambili lang po ng gamot ni Kyle. Nilalagnat po kasi siya." Pagmamakaawa ko.

"Eh bakit di ka humingi sa ina mong nasa Qatar? Ano ba ginagawa niya dun at wala siyang perang maipadala sa inyo? Initsapwera na ba niya kayo ha?! Mga bwisit kayo. Nakikidagdag pa sa problema ko dito sa bahay!"

Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Nakita ko na lang na pumasok na si tiya ng bahay nila.

Umuwi akong walang napala kundi insulto at masasakit na salita.

Isang linggo na simula nung tinanggihan ko ang offer ni ma'am Rose. Teka, bakit ba ako nag-iisip sa offer niya?

Palagi ko na rin sinasama si Kyle sa trabaho. Kaya nung isang araw na umuwi kaming walang dalang payong ay bumuhos ang malakas na ulan. Kaya nagkasakit si Kyle.

Kasalanan ko pa yata kung bakit siya nagkasakit.

Naabutan kong nanginginig si Kyle pag-uwi ko ng bahay.

"Ate.." ginaw na ginaw na siya. Nanghihina na siya at ang init pa niya.

Kinarga ko siya at lumabas ng bahay.

Sumakay kami ng pedicab.

Nagpunta kami sa pinakamalapit na hospital.

-

"Naku, Jerick, salamat sa pagbisita mo dito." sabi ko na nilalagay sa bedside table ang mga prutas na dala niya.

"Nag-alala lang kasi ako dahil di ka pumasok kanina. Buti na lang nagtext ako sayo at saka ko lang nalaman na andito ka pala." sabi niya. Pareho kaming tumingin kay Kyle na natutulog habang naka-dextrose. Hindi ako sanay na nakikita siyang nagkakaganyan.

Tahimik kami ng ilang sandali.

Nasa children's ward kami. Marami ring ibang bata na nakadextrose dito.

Buti na lang bakante ang kama na katabi namin dahil walang pasyente kaya inaya kong umupo si Jerick doon.

"Alam mo.. napapaisip ako sa offer ni ma'am Rose noong isang linggo na kukunin na muna niya si Kyle." wika ko.

Nagulat naman siya. Para yatang nagbibiro lang ako.

"Talaga? Nagtataka lang ako sa offer na yan. Kasi balita ko, hindi mahilig si ma'am Rose sa mga bata. Tsaka parang wala yatang balak na magkaroon ng anak dahil Lesbian kasi siya."

Napatingin ako kay Jerick. "Lesbian? Ganda-ganda niya para maging tomboy." pagpupuri ko. Naiisip ko na napakafeminine niya. Kahit masungit siya, naiisip ko na lalo siyang gaganda kapag ngingiti. Kaso di yata niya alam kung paano gawin yon.

"Sabagay, baka gusto lang siguro niya maranasan magkaroon ng baby." sabi niya.

"So gagawin niyang experiment ang kapatid ko, ganun?" tanong ko.

Umiling siya, "Di ko rin alam kung anong balak ni ma'am Rose."

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko makakaya na ipamigay si Kyle. Pero ang hirap na kasi. Hindi ko nabibigyan ng masusustansyang pagkain 'tong bunso namin kasi hindi pa ako nakakasahod. Wala pa siyang panggatas. At si papa naman, sakto lang yung kinikitang pera para sa upa ng bahay namin, at pambayad ng tubig at kuryente."

Napakamot siya sa batok. Ngayon nakikita na niya na hirap na hirap na ako. "Kung papayag ka na doon na muna si Kyle sa kanila ni ma'am Rose, pwede mo naman siyang dalawin sa bahay nila."

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon