Chapter 13

1.7K 107 22
                                    

Abigail

Mag-aalas tres na ng hapon kaya dalawang oras na lang bago ang out ko.

Hindi dito kumain si Ma'am Rose ng tanghalian.

Psh, buti na nga yon dahil hindi ko siya nakita. Pake ko ba sa kanya!

Pero... may gusto sana akong sabihin sa kanya kanina kaso pinigilan niya ako.

"Uy, Gail, tulungan na kita jan." Bumalik ako sa aking wisyo nang lumapit si Jerick sa akin.

"Sige.. salamat." sabi ko sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng mga placemat.

Umupo siya sa kabilang side ng mesa kaya magkaharap na kaming dalawa mula dito sa inuupuan ko. Tinulungan niya na rin ako sa ginagawa ko.

"Nagtataka lang ako." Sabi niya, "Bakit kaya tumigil na si Daisy sa pag-aaral?" Nag-iisip siya ng malalim.

Napalunok ako. Hindi pa nila alam na may sakit si Daisy. At nangako ako kay ma'am Rose na wala akong pagsasabihan.

Kahit si Daisy nga, hindi sila sinabihan.

Nalulungkot din ako sa tuwing naaalala kong may pinagdadaanan si Daisy.

"Hindi ko rin alam eh." patay-malisyang sagot ko.

"Siya nga pala," huminga ako ng malalim nang iniba na niya ang usapan. "Libre ka ba mamaya?" nakangiti niyang tanong.

Baka matuloy ang pagpunta ni Ma'am Rose sa bahay namin mamaya kaya hindi pwedeng wala ako don. Walang tutulong kay papa sa pag-asikaso ng 'bwisita' namin. "Hindi ko alam, Jerick, eh."

Napakamot siya sa batok, "bukas kaya ng hapon?"

Napailing ako. "Bakit mo naman natanong?"

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. "Yayayain sana kitang mamasyal bukas ng hapon kung hindi ka pwede mamaya." sagot niya. "Pwede mo rin isama ang mga kapatid mo para makapag-enjoy din naman sila."

"Pag-iisipan ko muna." sagot ko.

"Hindi siya pwede bukas." maawtoridad na sabi nito.

Pareho kaming napalingon ni Jerick sa gilid at nakita namin na nakatayo pala si Ma'am Rose doon.

Tignan mo nga naman ang kabute, bigla-bigla na lang sumusulpot kahit saan.

"M-magandang hapon, ma'am Rose." bati ni Jerick sa kanya.

"Come with me. Bilisan mo." sabi niya sakin na hindi pinapansin si Jerick.

Tumalikod na siya sa amin at naglakad papalayo. Aba? At ano na naman ba ang gusto ni kamahalan at pinapasunod niya ako sa kanya?

Nakita kong lumabas siya ng Resto.

Bumaling ako kay Jerick na sa ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"Naku, Jerick, pasensya ka na." tumayo na ako. "Sige puntahan ko muna yong amo nating may topak."

Umiling na lang siya. "Sige. Uhm, kung hindi ka pwede bukas, baka sa susunod na mga araw na lang." May pagkadismaya sa mukha niya pero nakikita ko pa rin ang ngiti niya.

"Huwag kang maniwala kay ma'am Rose. Titignan ko kung pwede ako bukas ng hapon." sabi ko sa kanya at nagliwanag naman ang mukha niya.

Nagmamadali akong naglakad sa kung saan man nagpunta si ma'am Rose.

Lumabas na rin ako at nakita kong pumasok na pala siya sa loob ng kotse na nakaparada sa harap ng resto.

Padabog akong naglakad papunta doon.

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon