Salamat po dun sa mga nakakabasa nitong sinusulat ko. kahit na po ang gulo at labo ng takbo ng istorya. Pasensya na din po sa mga typo haha di ko na po kasi ineedit dahil on the spot ang pagkakasulat. Kung ano lang po ang pumasok sa utak ko. XD Maraming salamat po. God Bless You all. <3
-----------------------------------------------------------------
Kenneth's POV
"You like Misha,right?" Tanong sa akin ng kausap ko.
Nagulat ako dahil bigla nalang syang tumawag sa akin at nakikipag-kita.
"yes,why?" sagot ko habang matamang nakatitig sa kanya.
Uminom muna ito ng kaunti sa tasa na hawak nya bago ito nagsimulang magsalita muli.
"alam mo ba na sila na ni Denver?"
Alam ko ang tungkol sa kanila pero di ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat. Nagtagis ang bagang ko sa isipin na sila na nga talaga.
"You didn't saw that coming huh" salita ulit nito
"Anong gusto mong mangyari?" tanong ko kay Sarah
"Simple lang naman ang gusto ko. Yun ay ang bumalik sa akin si Denver. Pwede tayong magtulungan kung gusto mo. Pag nakuha ko si Denver, pwede na kayo ng babae na iyon." paliwanag nito
Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko si Misha. Pero dapat bang saktan sya para lang mapa sa akin? Hindi kaya kamuhian nya ako kapag nalaman nya.
Napatingin ako kay Sarah na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
"I'll give you time to think. Pagisipan mong mabuti ang alok ko. And don't worry, sa ating dalawa lang ito. Walang makaka-alam."
Tumalikod na sya at naglakad papalabas pagkasabi ng mga katagang iyon.
isip kenneth. isip...
-
Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng aking kotse. Andito ako sa labas ng school nila Misha. Hindi ko alam kung bakit pero ito ang unang pumasok sa isipan ko na puntahan.
Tumingin ako sa relos ko. 4:50 na. Maya maya ay labasan na ng mga estudyante.
Hindi nga nagtagal ay isa-isang naglabasan ang mga estudyante. Lumabas ako sa aking kotse at sumdal dito. Hinahanap kung nasaan si Misha.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko syang kasama nila Mira.
Napalingon sa direksyon ko si ADAM. Nakita kong kinalabit nito si Misha at may sinabi. Di din nagtagal at lumingon sa gawi ko si Misha. Kinawayan ko ito at nginitian.
Humakbang ako papalapit sa gawi nila.
"HI" bati ko sa kanila ng makalapit ako, ngunit kay Misha lamang ako nakatitig
"Hello fafa ken. Andito ka ba para sunduin aketch? hihihi" Minsan din talaga ay masarap batukan ang bakla na ito. hehe
"Pwede ko ba mahiram si Misha? Gusto ko sana syang makausap eh."
Nakatitig sa akin si Misha kaya naman nginitian ko ito ulit.
"pwede ba tayong magusap Misha?"
Tumingin ito sa mga kaibigan nya na para bang nanghihingi ng permiso.
"Sige na sumama ka na. May tiwala naman kami jan eh. At ikaw wag mo kung saan saan dadalin to at susugurin ka namin" banta sa akin ni Mira
"Haha, baliw! manang mana ka talaga sa kuya mo!"
"Shall we go Misha?"
"Ok. Sige mga b akla. txt txt nalang!" paalam nya sa mga kaibigan nya at nagsimula ng maglakad
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
Roman pour AdolescentsMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...