Misha's POV
"Hindi ka namin pinalaking ganyan? Alam namin na hindi ka namin nasubaybayan sa paglaki mo pero ginawa namin ang lahat para lumaki kalang ng maayos. Pero ano? Yan? Yan ba ang igaganti mo sa amin ng mama mo? yang magpabuntis ka ha!!"
Heto ako ngayon at panay ang agos ng luha habang pinapakinggan ang bawat pagalit ng Papa. Oo alam na nila. Umuwi sila kagabi ng walang pasabi. Balak sana nila akong sorpresahin ngunit sila ang nasorpresa ng dahil sa kagagahan ko.
"Tama na Enrique,wala na tayong magagawa. Nangyari na. Tanggapin nalang natin kahit masakit!" si Mama habangnakahawak sa braso ni Papa at nagsusumamo.
"Ayan Marceline! Kaya lumalaos yang anak mo! Kinukunsinte mo yan masyado."
"P-papa. sorry po. p-patawarin nyo po ako." Nakaluhod kong pagsusumamo habang panay padin ang patak ng luha ko.
"Sino ang lapastangang ama nyang dinadala mo?" Mababa ngunit ma-awtoridad na tanong nito.
Wala akong balak sabihin sa mga magulang ko na ang nakabuntis sa akin at nakarelasyon ko ay sarili ko pang teacher. Lalo na akong hindi mapapatawad ng mga magulang ko lalo na ni Papa
"Gusto kong iharap mo sya sa amin ng mama mo! Kailangan nyang panagutan yang ginawa nya sayo." ma-awtoridad pading utos nito.
"Enrique, huminahon ka lang. At hija,Tumayo at tumahan ka na dyan at makakasama sa dinadala mo yan." Malumanay na utos sa akin ng Mama
Napaka-bait ng magulang ko, maswerte na lang ako at kahit ganito ang ginawa ko ay hindi nila akong nakuhang pagbuhatan ng kamay. Nag-iisa akong anak pero ano itong ginawa ko. Paano ko sasabihin at ipapakilala sa kanila ang ma ng anak ko?
Kahit anong mangyari ay hindi ko sasabihin kay JD na magiging ama na sya sa anak namin. Kahit kailan ay hindi mangyayari iyon. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalimutan ng mga magulang ko ang tungkol sa tunay na tatay ng anak ko.
Medyo nakaramdam akong kirot sa aking tiyan. Kirot na tila mo nilalamutak ang aking tyan. Biglang bundol ang kaba ng ilang minuto na ay hindi padin lumilipas ang kirot.
Napahawak ako sa aking tiyan at napangiwi sa sakit.
"Hija anak, anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ng aking ina kasabay ng pagdulog nya sa akin upang ako'y alalayan.
"M-ma ahhhhhhh..." napasigaw ako dahil sa kirot na nararamdaman ko.
"Enrique, ang anak natin. Dalin natin sa hospital!" nag-papanic na utos ng aking ina sa aking ama.
Nakita ko pang nag-mamadaling lumabas ang Papa upang suguro ay ilabas ang sasakyan at humingi ng tulong sa mga kasambahay.
Pinagpapawisan na ako ng sobrang lamig.
Diyos ko! Huwag nyo naman po sanang kuhanin sa akin ang anak ko.Alam ko hong isa akong makasalanang tao ngunit nagmamaka-awa po ako na sana ay walang mangyaring masama sa baby ko.
Dasal ko sa Panginoon.
Muli na naman akong napasigaw ng dahil sa kirot na nararamdaman ko. Naramdaman ko din ang likidong dumadaloy sa pagitan ng mga hita ko.
Please God, No! please, kahit ngayon lang po! nagmamaka-awa po ako.
"My God,Misha! Stay strong ok. Dadalin ka na namin sa Hospital." nagpapanic pading alo sa akin ng Mama.
Naramdaman kong umangat ako at naramdaman ko nalang ang mga bisig na naka-agapay at nakabuhat sa akin.
"Misha,can you hear me? You should calm down ok."

BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
Teen FictionMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...