Chapter 7: Like and Love

127 5 0
                                    

Si Sarah Maegan Cardinal --- >

-------------------------

Misha's POV

"JD, ano ba talaga ako para sayo?"

Tinitigan nya ako at nahahalata ko sa mukha nya ang pagkagulat.

Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko ngayon. Nag-aalala ako sa kung ano man ang kanyang isasagot. 

"Misha... bakit mo naitanong yan?  Hindi ito ang inaasahan kong isasagot nya.

Tinitigan ko sya ng mata sa mata at muling nagsalita.

"Gusto ko lang malaman dahil hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sarili ko dyan sa buhay mo."


Tinitigan nya ako saglit at agad ay tumingala ito at pinag-masdan ang kalangitan na ngayon ay kulay kahel dahil sa paglubog ng araw.

Mahina ngunit narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga bago magsalita.

"MIsha, you know that i like you. I already told you that."

OO nga naman Misha, sinabi na nyang gusto ka nya. 

Kausap ko sa sarili ko.

Pero like LANG nya ako. Hindi ako dapat umasa sa kung ano mang meron kami at anong mga nangyari.

"Yes, you LIKE me. Ok." Talagang binigyang diin ko yung Like kasi naman.hay nako buhay nga naman.

"Bakit ka ba nagtatanong Misha? Ano ba talagang problema?" 

Tanong nya sa akin. Lalapitan nya sana ako ngunit humakbang ako paatras.

"JD, paki-hatid na ako sa bahay. Gusto ko na umuwi. Pero ok lang kung ayaw mo, mag-tataxi nalang ako."

Akma na akong hahakbang palabas ng bigla nya akong hawakan sa braso at iharp sa kanya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi dapat to. Mali ito.Dapat kong pigilan kung ano man itong nararamdaman ko.

"Misha, tell me. Bakit ka ba nag-kakaganyan?"

Inilihis ko ang aking mga mata sa kanyang mga titig. Halata ko na naguguluhan sya sa mga nang-yayari. Kahit naman ako eh, naguguluhan din ako kung bakit ako ganito.

"Misha, ano ba ang problema mo bakit ba ganyan ka nalang kung umasta ka? Una tinatanong mo ko kung ano ka sakin tapos ano? Bakit ba ha?" 

Ramdam na ramdam ko na ang pagka-iita sa tono ng boses nya.Kinakabahan ako, natatakot. Bakit nga ba? Ano ba kasi ang inaarte-arte ko? Bakit ako nasasaktan?

"ANO MISHA?" sigaw nya.

Nagulat ako at natakot sa pag-sigaw nya, nasasaktan na din ako dahil humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.

Ipiniksi ko ng ubod lakas ang braso ko upang matanggap ang pagkakahawak nya at tinitigan sya.

"Ano ang problema ko ha? Ako! Ako ang problema! Alam mo kung bakit ha? Nasasaktan ako JD, kahit di ko alam kung bakit. Nahihirapan ako kasi hindi ko na alam kung ano ba ako sayo! kung saan ko ilulugar ang sarili ko."

Habang nagsasalita ako ay napansin ko na natigilan sya. Ngunit di ko mapigilan ang mapaluha na ng tuluyan sa mga sumunod na sinabi nya

"Pero diba at sinabi ko na sayo na gusto kita! Ano pa ba ang gusto mo Misha ha? 

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon