Chapter 8: Torn

112 4 1
                                    

Mira's POV

"Misha! Wait!!"

Alam ko na nasaktan ang kaibigan ko sa mga nakita. Di naman kasi lingid sa kaalaman ko kung ano ang meron sila ni Sir.Denver.

Pero bago ang lahat, salamat at nagkaroon nadin ako ng POV sa kwento na ito. Akala ko talagang wala ng pag-asa eh. 

Sige na balik na tayo sa realidad. Salamat at naabutan ko din itong babaeng to. Ewan ko ba, hindi naman ito runner pero bakit ang bilis? 

Napansin ko din na pinag-titinginan kami ng mga tao. 

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan ha? Dukutin ko sabay sabay mga mata nyo eh!" Sigaw ko sa mga taong nakiki-usyoso.

"Bakla,let's go. dun tayo sa walang madaming epal"

Hinawakan ko ang akmay ni Misha at dinala sa field. Pumunta kami sa isang bench kung saan walang tao, kaya kahit magsisigaw at maglupasay itong kasama ko ay keri lang.

"Oh eto panyo! Wag mo nga lang sisingahan!" sabay abot ko ng panyo

"Oh ano? bakit ka umiiyak iyak dyan ngayon?"

Mataray na tanong ko. Di naman siguro lingid sa kaalaman nyo na pinagsabihan ko na ito diba pero wala eh, di nakiking.

"Bakla! huhuhuhu a-ang s-sakit ehhhh.wahhh" 

"Hay nako. Alam mo friend, una palang sinabi ko na sayo diba na wag ka umasa masyado kasi masasaktan ka lang" 

Alam ko naman na di nya sinasadyang umasa kasi alam ko din naman na etong walanghiyang malanding epal na Teacher namin ang nagbibigay ng motibo para umasa itong friendship ko..

"Ang sakit kasi. Anong magagawa ko? na-fall ako dun sa tao eh. Eh sino ba naman kasing tanga ang hindi mafall lalo na sa mga sinabi nya sa akin. huhuhuhuhu" 

Sige magdahilan ka pa. 

"Ang sa akin lang,bakit ka umiiyak ngayon? Kayo na ba kasi ha? Sa pagkaka-alam ko kasi ay hindi kayo kaya bakit ka umiiyak dyan?" 

"Kaibigan ba talaga kita mira ha?huhuhu" 

"of course, pero gusto ko lang isiksik dyan sa isipan mo na Hindi naman kayo kaya wag ka mag-aksaya ng luha. Kita mo naman diba yung kanina? pero kung gusto mo pa talagang magpakamartir at masokista, sige push mo lang yan, puntahan mo sya at kausapin kung gusto mo!"


Mahirap talaga minsan paliwanagan ang mga taong in love.

"Alam mo kasi minsan Misha, may dadating na sa buhay natin na akala natin kayang suklian yung pagmamahal na binigay natin, kaya umaasa tayo. Pero hindi naman tama na porket nasaktan ka eh daig mo pa ang namatayan kung makaiyak. Well, hindi naman masamang umiyak, sige ibuhos mo lang ngayon yan, basta ipangako mo sa sarili mo na hindi ka na ulit iiyak ng dahil lang sa kanya."

Mahabang paliwanag ko. Tumiigil sa pag-iyak si Misha at tumingin sa akin.

"Mira, salamat ha. Alam ko namang mali din ako eh. masakit kaso ano nga ba naman ang laban ko? Mahal ko sya pero si Blondie ang mahal nya. Medyo mahirap pero kayanin ko, para saan pa at naging isang Misha Jane Conte ako"

"Yan ganyan nga. mag-retouch ka na nga. Ang pangit mo na,Lalo mo ng di maabot ang kagandahan ko! dali at gutom na ako!"

JD's Pov

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon