Chapter 29: Tutoy

59 2 0
                                    

Misha's POV

Nagising ako sa mahinang pag-tapik sa akin ni JD. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ng maramdaman ko na hindi na tumatakbo ang sasakyan. Umayos ako sa aking pagkakaupo at tumingin kay JD.

"Saan na ba tayo?" tanong ko dito

"Hmmm..you'll see once na makababa tayo dito sa sasakyan." sagot nito sabay kindat, 

Mabilis itong bumaba at umikot sa kinaroroonan ko upang pagbuksan ako ng pintuan at para alalayan na makababa.

"Thank you" syempre kailangan ko naman magpasalamat at kahit papano ay nagpapaka-gentleman naman sya. 

Once na makababa ako, napa-mangha ako sa ganda ng view. Kitang kita ang buong taal lake.

"You like the view,hon?" Hindi ko napansin na nakayakap na pala sya sa likuran ko at pabulong na nagsalita.

"Maganda na sana kaso,tsansing ka din eh noh?" mataray na sagot ko sabay tapik sa braso na nakapulupot sa baby bump ko

he chuckled...oh how i love hearing him chuckle..

"gusto mo naman eh.kunwari ka pa!" he teased

Sasagot na sana ako ng may biglang lumapit sa amin na sa tingin ko ay mag-asawa.

"hijo andyan na pala kayo! sya na ba ang misis mo? Aba't napaka-ganda naman pala!" pahayag ni manong

"Bagay na bagay kayo hijo! parehong maganda at gwapo! Panigurado naman ako na magiging magand din at gwapo ang magiging mga anak ninyo!" pahayag naman ni manang sabay tingin sa tyan ko na nakaumbok.

MGA ANAK? MGA TALAGA?!! JUSMIO MARIMAR!!!! naramdaman ko na nag-init ang buong mukha ko sa pahayag ni manang!! Narining ko naman ang nakaka-adik na tawa ni JD. 

"'tay Bert,'nay Linda. Si Misha nga po pala,asawa ko." pakilala nya sa dalawang mag-asa sabay indat sa akin. ang hudas at ASAWA TALAGA? "Misha, si tay Bert at Nay linda. Sila yung nagbabantay dito sa bahay bakasyunan ko dito sa tagaytay. Bale,pangalawang magulang ko na sila."

"Hello po, tatay bert at nanay linda. Nice meeting you po." sabay lahad ng palad ko sa kanila. 

Nagulat nalang ako ng bigla ako yakapin ni Nanay Linda.

"Naku Hija. Mabuti at ikaw itong nakatuluyan nitong si tutoy!" masayang pahayag ni nanay Linda.

napa-ngiti ako ng wala sa oras. Tumingin ako sa kay Jd at mapanag-asar na nag-salita

"Kaya nga po nay maswerte itong si TUTOY  at ako ho ang napangasawa!" sabay tawa ng malakas

JD glared at me. MWAHAHAHAHA

"Tayo na nga sa loob at makapag-meryenda. nakakagutom din kaya ang mag-drive!"

-

Matapos namin mag-meryenda ng buko tart na talaga namang patok na patok sa panlasa ko ay kasalukuyan akong tumutulong kay Nanay linda ng pag-peprepare ng mga sangkap para sa pagkain namin mamayang hapunan. Si Jd naman at tatay Bert at kinuha ang aming mga maletang dala.

Modern Bungalow ang style ng bahay,pero kahit moderno ang istilo ng bahay ay nakakarelax naman ang loob.

"Ilang buwan na hija yang tyan mo?" tanong ni nanay Linda habang nililinis ang mais na gagamitin sa bulalo. yung sinusupsup.hahaha

"Apat na po nay."

"Hindi ka naman hirap sa pagbubuntis mo anak?"

"Hindi naman po masyado. bukod po sa morning sickness nung dalawan palang po ay wala na. nagtataka nga din po ako at hindi naman po ako masyadong mapaghanap ng pagkain!" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon