Misha's POV
"Ma,ayaw ko sumama. Tinatamad ako!" reklamo ko.
Paano ba naman kasi ay gusto akong isama ng nanay ko para i-meet daw ang mga amiga nya.
"Anong ayaw mo? Basta sasama ka sa akin, tingnan mo nga yang sarili mo, Napaka-pangit mo na. Losyang na losyang yang dating mo kaka-kulong dito sa bahay. Minsan iniisip ko nga na sa sobrang pangit mo ay anak nga ba talaga kita?" Dire-diretsong sagot ng nanay ko. Ganyan talaga nanay ko, palibhasa kasi gandang ganda sa sarili nya.
"Wow Ma ha! Sige di na talaga kita sasamahan, pangit pala ako. Sige na, matutulog pa ako!"
Lumapit sa akin ang nanay ko sabay batok.
"Aray naman Ma!"
"Syempre joke lang yun, tanga nito! sige na magbihis ka na. Hinihintay na ako ng amiga ko. Pag-balik ko at hindi ka pa nakakabihis,kakaladkarin kita ng ganyan lang suot mo!"
"oo na po! Manakot pa kasi eh."
Lumabas na din ang Mama ko. Kasi naman, ano ba naman ang gagawin ko dun? eh mga matatanda yung mga amiga nya. Tsaka lumolobo na ang tiyan ko tapos aayain pa ako sa galaan. Jusmio Marimar.
-
Isang makapag-bagbag damdamin na kulay Pink na chiffon dress at pink na flat shoes ang sinuot ko. Hindi dahil gusto kong magsuot ng Pink kundi ginusto ito ng nanay ko. Para naman daw magmukha akong fresh. My goodness!!
Pumasok kami ni Mama sa isang sikat na gusali. Pag-aari daw ito ng kaibigan ni Mama at Papa.
Sumakay kami ng elevator papunta sa pinakataas na palapag ng building. Paglabas namin ng elevator ay agad kaming iginiya ng isang babae na nagpakilalang secretary daw ng kaibigan ni mama
Bumungad sa amin ang isang napaka-gandang kwarto. Moderno ang design ng black and white furnitures na binagayan ng pangilan-ngilang kagamitang kulay pula.
"Marceline!!!!" Bungad sa amin ng isang babae na sa tantya ko ay kasing edad lamang ng Mama.
"Janice!! OMG,tagal nating hindi nagkita!" Ang nanay ko na halatang excited sa pagkikita nila ng kaibigan nya. Nagbeso-beso ang dalawa at nagyakapan.
Tahimik lamang ako sai snagt bai, bakit moment nila yon eh. haha
"Naku Marceline,ito na ba si Misha? Aba't napaka-laki na at ang gandang dilag!"
"Aba syempre, kanino pa ba magmamana ng kagandahan yan kundi sa akin na ina nya! Hindi ba Anak?" baling na tanong sa akin ni Mama
Ngiti lamang ang sagot ko sa kanilang dalawa.
Inaya kami ni Tita Jnice na umupo at nagpakuha ng maiinom at makakain sa bitbit nya na kasambahay.
"Nasan ang mga anak mo Janice? Pati si kumpareng Diego?"
"Yung panganay ko papunta na daw dito,yung bunso ko ay kasama ni Diego. Ikaw Mare,bakit hindi mo kasam si pareng Enrique?"
"May inaasikaso,sabi ko na sumunod dito pagkatapos nya. Abay puro trabaho nalang." sagot ng mama
Eto yung ayaw ko,OP ako. kasi naman bakit ako pinasama dito. Buti nalang ay masarap yung merienda na nakahain.hahaha
"Ikaw hija, nung huli kitang nakita ay batang bata ka pa. Ngayon naman ay ang laki mo na. Wag ka munang mag-aasawa ha!"
Nabulunan naman ako sa sinabi ni Tita Janice, wala nga akong asawa. Buntis naman.
"Naku Janice, mag-aasawa na yan!" singit ni Mama
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
TeenfikceMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...