Misha's POV
I've been lying here on my bed overnight w/o sleeping at all.
Am i just dreaming or is this really the reality?
*flashback*
"And congratulations Ms.Conte! You're 8 weeks pregnant!" malaki at masayang sabi ni Dra.Martinez
Hindi ko alam ang tamang magiging reaksyon ko sa nalaman ko. Hindi ko makuhang magsalita man lamang.
Ang unang nakabawi sa amin ay si Dexter.
"Are you sure Doc?" tanong ni Dexter.
Kahit ako ay nag-aabang ng isasagot ng Doktor. Kahit ako ay gustong malaman ang katotohanan. Ngunit may isang parte ng aking isipan na nagsasabing baka nagbibiro lamang ang doctor na tumingin sa akin.
"Yes! as i've said. Ms.Conte is 8 weeks pregnant. So reresetahan ko sya ng gamot para sa pagbubuntis nya." sagot ng doctor kay Dexter at pagkatapos ay ako naman ang binalingan nito upang kausapin. "at i recommend you to visit Dra.Sanchez. She's a good ob and i'm sure that she'll take good care of you and the baby in your tummy." nakangiti pading sabi nito.
Pagkatapos noon ay nagsulat ito at inabot sa akin ang isang pirang papel kung saan nakasulat ang mga gamot na dapat bilhin.
After our visit ay pumunta kami sa isang resto para kumain.
"Bakla,are you ok?" tanong sa akin ni Mira "Hindi mo man lang nagagalaw pa yang foods mo oh!" dagdag nito sabay nguso sa plato ko na hanggang ngayon ay walang kabaws-bawas.
"Busog pa ako." maikli kong tugon
Sadya naman talagang busog pa ako. Busog na busog sa kakaisip ng tungkol dito sa batang nasa loob ng sinapupunan ko. Busog na busog na, na sa sobrang pagkabusog ko ay nakakasuya ng kumain pa.
"You should eat Sha! Kailangan mo din kumain di lang para dyan sa sarili but for the baby's sake too." seryosong sabi ni Dexter
*end of flashback*
Yes,for the baby, Baby? oo nga pala at 8 weeks pregnant na ako. Akalain mo nga naman talaga. Nagkaroon pa ng souvenir ang walang hiyang Jd.
It's not that i hate the baby in my tummy. It's just that i hate the father of my baby. And iniisip ko kung makakaya kaya akong tanggapin ng mga magulang ko kapang nalaman nila ang tungkol sa kalagayan ko?
I looked at the table clock. It's already 7 in the morning. Naramdaman ko na naman ang pagbaliktad ng sikmura ko.
Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo. Ang sakit, parang hinahalukay ang sikmura ko. Ganito pala talaga kapag buntis.
i flushed the toilet. Tumayo at nagtungo sa lababo upang magmumog at maghilamos.
I looked at the mirror. Pinaka-titigan kong mabuti ang aking sarili. Hindi ko mapigilang di tumulo ang luha.
"Ang tanga tanga mo kasi Misha! Ang tanga mo! Ayan tuloy ang napala mo!" kausap ko sa aking repleksyon.
Hinipo ko ang belly ko.
"Pasensya ka na baby ha. Hindi naman ako galit sayo. Pasensya ka na din if wala akong maipapakilalang tatay sayo. Basta i promise. Palalakihin kita ng maayos.Mamahalin kita ng lubos." kausap ko sa nagsisimula palang na mabuong baby sa loob ng aking sinapupunan.
-
alas 10 ng bumaba ako sa sala. Nadatnan ko si Mira sa salas kasama si Adam at Ali.
"Bakit ang aga ninyong andito?" tanong ko sa kanila
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
Teen FictionMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...