Chapter 3: The teacher

144 2 0
                                    

Misha's pov


At dahil pasukan na at first day of school today ay maaga akong pumasok. Hindi naman ako excited sa lagay na to.Hehe.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room namin. Siguro naman ay may tao na dun para makasama ko. haha.

Pagkadating ko sa room namin ay iilan-ilan palang ang tao, mostly sa kanila ay yung mga tinatawag ng ilan na nerd. Sa pinakadulo ako naupo, malapit sa bintana kung saan tanaw mo yung soccer field. Syempre ganyan talaga dahil feeling bida ako sa anime kaya ganito setup :))

Isa-isa na din naman nag-datingan ang magigiting kong barkada. At syempre,kami na naman ang pinaka-maingay sa loob ng room.

Kung itatanong nyo kami ni JD kung ano na lagay namin. Kami ay nasa MU stage palang. haha.. More than friendship but less than in a relationship ang peg namin. Lagi naman kami nagkikita nung bakasyon at lagi din kami magkatxt at magkausap sa phone pag-gabi..

Well, alam naman natin na BH sya diba? baka naman wala padin akong puwang sa puso nya. hayst..

"Hoy mga bakla, habang ako ay rumarampa kanina papunta here ay may na-detect ang radar ko!" sino pa ba kung hindi ang magaling na si Adam. 

Sabay sabay kaming lumingon sa kanya at nagtanong.

"what??" - kami

"I hearlalu na may new super keri tayong teacher., at base sa aking na hearlalu ay sadya daw hot si sir!! hihihi" 

"Ang landi mong bakla ka!" Si Ali with her famous poker face

"panay kasi panlalaki ang nasa isip mo Pare!" Si Matt sabay tapik sa balikat ni Adam.

"EWWWW! Don't pare pare me, ok! Sa georgina wilson ko na to, pare? duh!" with irap na kasama at pilantik ng mga daliri

"Magpaka-lalaki ka na kasi, sayang ka eh. Gwapo ka sana. haha!" ako

"Kitamo mo na, 3 vs 1. Ikaw mira, sang ayon ka ba na maging lalaki si Adam?"- Matt

"Pwede din,pero mas interesado ko sa bagong teacher. hihi" -Mira

"Bagay nga kayong dalawa magsama." - ako

*KRIIIIINGGGGG*

Nagsi-upuan na kami at pamaya-maya naman ay pumasok na si Ms.Lapuk. Haha, Until now talaga di padin ako maka-get over sa apelyido nya. Ang baho kasi. Literal na mabaho! haha

"Class. I want to inform you all na magkaka-roon kayo ng bagong adviser. Naka-maternity leave kasi si Mrs.Lopez. I wan't to introduce you Mr.Arrevalo." -Ms.Lapuk

Pagkasabi nun ni Ms.Lapuk ay bumukas ang pintuan, slow-mo ang peg.

Msasabi ko na nagulat ako kung sino ang pumasok. Literal na gulat dahil napatayo ako sa upuan ko ng wala sa oras.

Halata mo din naman na nagulat sya ng magtama ang aming mga paningin. Nauna nga lang sya na magbawi.

"Ms.Conte, any problem?" Tanong sakin ni Ms.Lapuk

"Ah-Eh. No. Inayos ko lang po yung upuan ko." - palu-palusot din. Naupo na din ako.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. may gash. Hala, mauudlot na ba ang lovelife ko dahil teacher ko na sya ngayun? grrrrr

"Ok. Mr.Arrevalo, maiwan na kita dito.. and Class, behave ok?"- Ms.Lapuk na halata naman na nagpapa-cute.

"Ah-hmmm. First let me introduce myself. I'm Jan Denver Arrevalo, 22 palang ako, and i'll be teaching you guys about History." - JD

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon