Chapter 24: Soup II :))

65 1 0
                                    

Denver's POV

Natapos ang Christmas Vacation at balik eskwela na naman.Masyadong malamig ang nagdaang pasko at bagong taon. Daig ko pa ang namatayan kahit na dapat ay nag-cecelebrate ng kapanganakan ni Hesus.


"Nakita mo ba yung kasama ni Conte? Ang gwapo noh?"

"oo si blondie? grabe!! boyfriend kaya ni Conte yun?"

"bagay sila. Sana ako nalang si Conte!!"


Yan ang naririnig ko na usapan ng mga estudyante habang naglalakad ako papunta sa principal's office. Bigla na lamang kasi akong pinatawag ni Mr.Spena

Wala naman akong ibang Conte na kilala kung hindi si Misha lamang. 3 days na ding hindi pumapasok si Misha. Sinubukan kong tanungin ang kapatid ni Andrei na si Mira ngunit tanging masamang titig lamang ang nakuha ko at Loser sign.

I knocked three times.

"Come in!"

Pagkarinig ko noon ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nang tuluyan na akong makapasok ay nakita ko ang bulto ng isang lalaki na blonde ang buhok at babae na nakaupo patalikod sa gawi ko.

"Oh,andito ka na pala Mr.Arrevalo. Come and sit." turan ng matandang principal

Nang makalapit ako ay tsaka ko nakilala ang dalawang tao na kausap ni Mr.Spena.

The blonde guy who's my friend,Kenneth stood up. He gave me a smile unlike Misha na nakatungo lamang.

"Nabanggit sa akin ni Mr.Sullivan na magkaibigan kayo Mr.Arrevalo. and back to what we're talking before you arrive. Mr.Arrevalo since ikaw ang adviser ni Mr.Conte, i wan't to inform you na hindi na sya magpapatuloy ng pag-aaral. Napagkasunduan na din namin na kukuha na lamang sya ng exams para makakuha sya ng diploma. " Mahabang turan ng matanda

Nagulat ako sa narinig ko. Alam kong galit sya sa akin pero dahilan ba yun para tumigil sya sa pag-aaral nya? Tatlong buwan nalang ngunit bakit hindi pa nito mahintay.

Sa isang banda ay parang dinudurog ang puso ko,dinudurog ang puso ko sa kaalamang baka hindi ko na sya makita pa muli. At sa isiping magkasama sila ni Kenneth- Oo nagseselos ako. nagseselos ako kahit alam ko na kahit ilang milyong beses ko pa maramdaman ito ay wala ng magbabago dahil wala na sya sa piling ko.

"I-is that true Ms.Conte? why all of a sudden? 3 months na lamang at magbabakasyon na,bakit hindi mo na lamang tapusin?" Seryosong tanong ko habang mataman na nakatitig kay Misha.

"I'm sorry to disappoint you sir,pero it's a family issue. I hope you'll respect my decision sir." Mahinang sagot nito.

"It's true Denver. And hindi ko naman pwedeng pabayaan si Misha dahil sa akin sya pinagkatiwala ng mga magulang nya. Napag-usapan na nila ito,so since hindi makakapunta ang parents ni Misha dito ay ako na ang sumama." sabat na tinuran ni Ken.

Nagpupuyos sa galit at selos ang pakiramdam ko ngayon. Bakit? ano ba ang meron sa kanilang dalawa at bakit ultimo mga magulang ni Misha ay pinagkatiwala ang anak nila kay ken?

Gusto kong hawakan ang mga kamay ni Misha at hilahin sya palabas sa lugar na ito. Malayo sa kanila, malayo sa mga gumugulo at humahadlang sa amin.

"Is it really ok Sir.Spena?" tanong ko sa principal

"Ah,yes. As i said,napagkasunduan namin na kukuha nalang sya ng special exams para makakuha ng diploma."

Hindi na ako nagsalita. simpleng tago na lamang ang sinagot ko. Bakit nga ba ako tututol pa,para saan pa? Kahit naman sabihin ko na wag nya gawin yon at wag nya akong iwan ay hindi din naman nya gagawin.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon