Chapter 28:
Pagkatapos kong sabihin sa mga magulang ko na payag na ako na magpakasal kami ni JD for the sake of MY child. Tila mo naman sinilihan ang puwitan ng mama. Mas excited pa ito. Tinawagan agad nito si tita Janice upang ipalaam na pumayag na akong magpakasal.
Naiwan kami ni JD dito sa garden dahil umalis ang Mama at Papa. May aasikasuhin daw kuno ang mga ito. At heto nga at iniwan nila kaming dalawa at sinabihan pa kaming mag-usap. Sus mag-usap? Eh sa pag-kaka alam ko ay wala na kaming dapat pagusapan pa.
"Are you still mad at me?" Pagbasag nito sa katahimikan.
Binigyan ko ito ng are-you-fucking-kidding-me look. Wala akong ganang makipag-usap sa kanya kaya naman makuha sya sa tingin.
"Alam ko na malaki ang kasalanan ko sayo. Pero sana kahit hindi ngayon,matutunan mo akong patawarin,kahit dahan dahan. At sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ko ang sarili ko sayo."
Galing talaga mag-drama nitong hudas na ito. Jusko! Bakit kaya hindi nalang nag-artista to? Baka sakaling manalo pa sya ng best actor award.
"Misha,hon. Kausapin mo naman ako oh." Akma sana nitong hahawakan ang kamay ko ngunit agad akong umiwas.
"Eh ano pa bang gusto mong sabihin ko? Magpapakasal na nga ako sayo't lahat lahat. Ano pa bang kailangan mo ha?" Irita kong baling dito.
Kita ko ang sakit at guilt na bumahid sa gwapong mukha ng katabi ko pero hindi!!! Hindi ako madadala sa mga ganyan!
"Dalawang bagay lang naman ang gusto kong mangyari. Yun ay ang patawarin mo ako at ang mahalin mo ulit ako." Mababang tugon nito
Mahalin ulit.. hindi na kailangan iyon dahil mahal padin naman kita hanggang ngayon.. yan ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanya pero manigas sya. Never!!!
"Imposibleng mangyari yang gusto mo." Walang kabuhay-buhay kong sagot
"Walang imposible sa taong nagmamahal. Gagawin ko ang lahat,mahalin mo lang ako ulit. Hindi ako susuko. Ngayon pa na mag-kaka anak na tayo!" Matigas at puno ng konpidensyang tugon nito.
"Do whatever you want to do. I don't care!" Bored na sagot ko.
Tumingin ito sa relos nya at tumayo na.
"I'm going for now. Pack your things. I'll pick you up tomorrow. And i won't accept a No for an answer my dear." May pilyong ngiti ang naglalaro sa mapupula at nakaka-akit nyang labi.
"Aba't......" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa sumunod na ginawa nya.
Mabilis nya akong hinagkan sa labi. Damang dama ko ang init ng labi nya. Ang mabangong hininga nya. At ang puso ko! Daig pa nito ang naghuhuromentadong makina ng isang dumadagundong na tren. What the ef!!!
Teka hindi ako ready!!! Sigaw ng isipan ko.
Hindi pa din ako nakaka-recover ng magsalita ulit ito.
"See you tomorrow hon. I love you!"
Iyon lamang at mabilis na itong lumakad palayo. Palayo sa akin na naiwan pading shock sa mga nangyari. Naisahan ako ng walang hiyang lalaki na iyon!! Ngunit hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Hindi ko maipag-kakaila na, namiss ko ang mga yakap at halik nya sa akin.
"JD,huwag ka namang ganyan. Baka kainin ko lang ang mga sinabi ko sa iyo kanina lamang." Mahinang sambit ko, habang inihahatid ng tingin ang papalayo na si Jd.
-
Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko ang sinabi nang hudas na lalaki na iyon na mag-empake ako. Good for 1 week ang inempake ko. Eh bakit naman kasi hindi nya sinabi kung saan pupunta at kung hanggang kailan!! Bwisit naman kasi!!
*vrrrrt...vrrrrrt*
I picked up my phone and saw Jd's name.
From: JuDas
Message: i'll pick you up tomorrow. 10am. Iloveyou! :*
Balak ko sanang magreply at tanungin kung saan kami pupunta at kung ilang days. Pero syempre di ko ginawa. Aba baka akalain pa nun na atat na atat ako na umalis kami. At baka isipin pa nya na gusto ko syang masolo at makasama ng mas matagal.
Yun naman kasi talaga gusto mo eh!!
Sigaw ng isang parte ng utak ko. Aba aba. Hindi ko iyon gusto. Galit ako sa kanya at di ko pa nakakalimutan na niloko nya ako!!!
I looked at my table clock. 10.30pm na. Inayos ko ang kama ko at nahiga. Kailangan kong matulog ng maaga para naman magising ako ng maaga bukas.
"Good night baby ko!" Usal ko sabay haplos sa akin may umbok nang tiyan.
-
Kinabukasan, 7 palang ay gising na ako. Naligo na din ako at nagbihis. Nagsuot lang ako ng isang summer dress na kulay blue at may kupas na kulay puti sa badang laylayan na tinernuhan ng isang flat shoes. Ipinababa ko na din ang isang maleta ko, hindi naman kasi ako pwedeng magbuhat na ng mabigat.
8.30 palang naman. Kaya naman naisipan kong kumain muna. Sakto namang pababa na sila mama at papa ng hagdanan patungo sa kusina.
Kasalukuyan kaming kumakain ng magtanong ang Mama.
"Saan ba kayo pupunta ni Denver, hija?"
Sumubo muna ako ng hotdog bago sumagot.
"I don't know Ma. Wala naman sinabi ang lalaking yon." Diretso lang ako sa pagkain na animoy di kumain ng ilang araw.
"Ganyan din ang Papa mo dati. Bigla nalang ako isosorpresa. Hihihi" kinikilig na kwento ng Mama.
"Marceline! Kumain ka na nga lang!"
Napapa-iling nalang ako sa mga magulang ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagdiretso kami sa salas. Hindi din naman nagtagal at dumating din si JD.
"Oh hijo! Nag-almusal ka na ba?" Tanong ng Papa
"Tapos na po Tito."
"Oh eh saan ba kayo pupunta ni Misha at kailan ang balik ninyo?" Tanong ni Mama. Good job ma!!!
Tiningnan ako ni Jd at ngumisi. Inirapan ko lang naman ito bilang sagot.
"Sorpresa po sana kung saan kami pupunta. Pero po baka mga 3 days lang po kami doon. Kailangan ko padin po kasing bumalik ng school." Sagot nito.
"Oh sya ganun ba. Mag-iingat kayo sa byahe ha. Lumakad na kayo at baka hapunin pa kayo sa daan!" Pagtataboy sa amin ng Mama.
"Ikaw Misha. Ingatan mo sarili mo ha. Wag masyadong ma-stress!" Bilin ng papa.
"Opo pa. Sige na po alis na po kami." Lumapit ako sa mga magulang ko at humalik sa pisngi.
" sige po tito?tita. Mauna na po kami."
-
Tahimik ang byahe namin. Walang imikan. Kaya naman naisipan kong dutdutin ang radio.
"Di mo alam dahil sayo, akoy di makakain. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo. Katulad mo na may pusong bato.."
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanta o hindi. Tagos hanggang buto kasi. Haha
Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si JD.
"Favorite mo?" Tanong nito na seryosong nakatitig sa daan.
Tumingin ako dito ng nakataas ang kilay. "Huh??"
"Yung kanta. Favorite mo?"
"No."
Katahimikan ulit.. kaya naman humilig nalang ako sa bintana at tiningnan ang mga nadadaanan naming lugar.
Hinihila na ako ng antok kaya naman pumikit nalang ako. Ngunit bago ako tuluyang makatulog ay nadinig ko pa itong nagsalita.
"Hindi bato ang puso ko.. sadyang malambot lang ako pagdating sayo."
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
JugendliteraturMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...