Chapter 17: Fighting!!

85 1 0
                                    

Dexter's POV

"Alam mo ba yang pinag-gagagawa mo kuya? Alam mo ba na mali yan?"  Kumpronta ko sa nakaka-tanda kong kapatid.

Kalmado lamang itong naka-upo sa wooden chair dito sa garden ng bahay. Bumisita ito sa parents namin. May sarili na syang bahay kaya duon na sya nakatira.

"alam ko. Pero anong magagawa ko? i love her." 

"You love her? Kuya, if you really love her,then sana inisip mo na makakasira sa inyong pareho yan!"

Sumeryoso ang mukha nito at nakipag sukatan ng titig sa akin.

Naiinis ako. Oo naiinis ako dahil bakit sa dinami-dami ng babae ay bakit sya pa.

"Sa tingin mo hindi ko naisip yan? Mahal ko sya Dexter, and i'm willing to sacrifice everything for her!"

"Sacrifice? Don't be so selfish kuya! Ano nalang ang magiging tingin ng mga tao kay Misha kapag nalaman nila na karelasyon nya ang mismong teacher nya?"

OO,kapatid ko si Sir.Arrevalo. Alam ko din ang tungkol sa kanila.

My stupid brother,he''ll ruin Misha's life kung hindi pa ito matitigil hanggat maaga.

"Yes,i'm selfisih! But no matter what happen. I won't let her go! " matigas na pahayag nito

i cussed.."Akala ko pa naman matalino ka kuya. Akalain mo nga naman yun. Be careful kuya, walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya hangga't maaga layuan mo na si Misha bago pa masira ang buhay nya at ang career mo."

Hindi ko na hinintay makasagot ang tanga kong kapatid. Lumakad na ako papasok sa loob ng bahay patungo sa kwarto ko. 

Misha is a good person. She don't deserve this kind of stupid situation.

I need to do something bago pa may maka-alam na iba.

Misha's POV

Ang bilis talaga lumipas ng panahon.2 months nalang pasko na naman at mag-iisang buwan na din ang nakakalipas simula nang mahuli ko si Jd at Sarah. Wala na din akong naging balita kay Sarah.

Hindi na sya ulit nagpakita at nag-paramdam. Mainamn nga iyon eh. Wala ng epal. Muwahahaha. 

Si kuya Ken naman, balita ko nasa England ngayon.

"Misha! Let's eat lunch together!" Si dexter.

Mag-isa lang ako ngayon dahil busy ang lahat. Foundation day next week. Si Adam at Mira ay busy dahil napili silang mag-perform ng play. Ang dami ko ngang tawa dahil si Adam ay gaganap bilang si Romeo. Si Ali naman ay busy din dahil student council member sya. Hindi nga mukhang halata eh. haha.

"Tapos na practice nyo?" tanong ko dahil kasama nya si Matt sa grupo. May inimbitahan kasi na soccer team galing sa ibang school kaya magkakaroon ng Friendly match between them.

Ako nga lang ang parang ligaw na kaluluwa at walang ginagawa. Ok na din yun kasi kung sakali man ay hindi din ako makakapag-concentrate sa gagawin because lately ay nagiging antukin ako ng todo.

About Jd naman,well ok pa kami sa alright. Medyo hindi ko nga lang sya nakakasama ngayong nagdaang araw dahil busy din ang mga teachers ngayon. Pero gabi gabi naman kaming magkausap sa telepono at magkatext. hihihi

"Meron pa ulit mamaya. Iniwan ako ng kupal na Matt, may aasikasuhin daw." sagot nito.

Nagsimula na kaming maglakad papunta ng canteen. Naging mas close kami ni Dexter. Pareho kasi kami ng hilig. Nung nalaman ko na adik din pala sya sa anime at manga at pangongolekta ng figma ay naging mas malapit kami. 

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon