Denver's POV
Katatapos lang ng exams at uwian na nga. Andito ako malapit sa parking lot ng magring and ang cellphone ko. Unknown number.
"Yes,Hello?" wika ko pagkasagot ko ng tawag
"D-DEN..I-its me S-Sarah," Garalgal ang boses nito
"Sarah? Anong dahilan bakit ka tumawag?" tanong ko
"D-Den.. Si Papa... nasa hospital si Papa.." kasabay ng pagkakasabi nya nun ay narinig ko ang kanyang iyak
Kaibigan ng mga magulang ko ang magulang ni Sarah kaya naman kahit papano ay nag-aalala ako.
"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?" tanong ko sa kanya
"O-o.. Inatake daw sya sa puso. Di ko na alam ang gagawin ko Den. Pag-nawala pa si Papa sa akin ay di ko na alam ang gagawin ko. Mas mainam na mawala nalang din ako kapag nawala din si Papa.."
Bigla akong kinabahan sa mga sinabi nito. Kilala ko si Sarah, Kapag ginusto nitong saktan ang sarili nya ay gagawin nya ng walang pag-dadalawang isip.
"Hintayin mo ko. Pupuntahan kita dyan sa bahay mo." Madali kong sinabi. Wala naman sigurong masama kung kahit papano ay dadamayan ko ito para pacalmahin.
"D-den.."
"Just wait me there Sarah! ok! bye!" pagkasabi ko nun ay agad ko nang pinutol ang tawag at dali-daling pumunta sa sasakyan ko.
Mabilis ko itong pinaandar kaya naman saglit lang akong nakarating sa tinitirhan nito.
Nag-door bell ako at hindi nagtagal ay pinagbuksan ako ng kasambahay nya.
"Where's Sarah?" Tanong ko sa hindi katandaang kasambahay.
"Nasa Bar po Sir. Kanina pa po nagiinom at umiiyak, hindi naman po namin maawat." sagot nito.
Dali dali akong nagtungo sa bar ng bahay nito, alam ko na ang pasikot sikot ng bahay niya.
Nadatnan ko itong nakadukdok at humihikbi.
Hindi ko din ito masisisi kung bakit ganun nalang ito kung mag-alala sa kanyang Papa. Sa America kasi naka-base ang papa nito.
Nilapitan ko ito at tinawag
"Sarah.. Why the hell did you get drunk?"
Tumingin ito sa akin at bahagyang ngumiti.
"Oh Den. Hik. You're here..here drink!" sabay pilit na inaabot sa akin ang isang basong puno ng whiskey
Kinuha ko ito ngunit inilapag ko lang ito sa lamesa.
Nagsimula itong humikbi.
"I-I want to see my Papa.." pagkasabi nito ay humagulgol na naman ito
Nilapit ko ito at niyakap habang inaalo alo.
"Don't worry. everything's gonna be ok. Tito is strong. I know he won't surrender just like that so you need to be ok for him." alo ko dito
Bumitaw ito sa pagkaka-yakap ko at kinuha ang baso ng whisky na inabot nya sa akin kanina
"If you don't wanna drink this. Then ako nalang.." akmang tutunggain na nito ang baso ng inagaw ko ito
"Stop it Sarah. You're already drunk!" saway ko dito
She looked at me with a tipsy look
"If you don't want me to drink that. Then you do it. Drink! After you drink that, you can leave me na. I'm ok naman na, thanks to you!"

BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
Teen FictionMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...