Denver's POV
I was so devastated when Sarah told me that she's pregnant and i'm the father. Pero wala ng mas sasakit pa dahil ngayon ay kinamumuhian na ako ng taong mahal ko.
Sinubukan ko syang kausapin. Humingi ng pisa pang pag-kakataon pero di ko din sya masisisi dahil alam kong sobra ko syang nasaktan. And yung tungkol kay Sarah,well i don't know. Wala akong matandaan ng gabing sinasabi nya na may nang-yari sa amin. Oo aminado ako na pagkagising ko ay pareho kaming walang saplot at magkatabi sa iisang kama.
Ang gustong magyari ni Sarah ay panagutan ko sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makakapayag na magpatali sa isang taong hindi ko naman mahal. Oo nga at may nakaraan kami ngunit hindi ko pwedeng isuko si Misha.
Sinimsim kong mabuti ang whiskey sa aking baso. Heto ako ngayon at naglalasing mag-isa. Bakit ba ganito? Kung kailan ayos na ayos nak ami ni Misha, kung kailan masaya na ay bigla na lamang nagkagulo.
Eto yata yung sinasabi nila na kapag masaya ka ngayon kalaunan naman ay malungkot ka na. Muli akong nagsalin ng whiskey sa baso. Sana sa bawat lagok ng alak na mapait ay kasama ang bawat sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang laki ko kasing gago.
Sana dumating ang araw na mapatawad nya ako. Dahil sya lang ang gusto kong makasama.
-
I saw her again with my brother. They looked so happy.Hindi mapigilan ng damdamin ko ang magpuyos sa selos.
Nagtama ang paningin namin ng kapatid ko. Matalim ang mga titig na pinupukol nya sa akin. Mga titig na nagsasabing kasalanan kong lahat. Totoo naman eh. Kasalanan kong lahat kung bakit ganito.
Naputol ang pag-iisip ko ng may magsalita sa likuran ko.
"Sir,eto na po yung pinapakuha nyo pong mga homeworks." sabi ng estudyante ko mula sa isang section na tinuturuan ko.
"Ah, thanks.Pakilagay nalang dun sa lamesa ko." sagot ko.
Pag-balik ko ng tingin sa kinaroroonan nila Misha ay wala na ang mga ito.
Nilibot ko ng paningin ang buong field ngunit hindi ko na sila makita pa kaya naman nagdesisyon ako na bumalik nalang sa loob ng office at mag check ng homeworks.
Nakaka-ilang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Agad ko itong kinuha at nadismaya ng makta ang pangalan ni Sarah na naka-rehistro at syang tumatawag.
"ano na namang kailangan mo sa akin?" bungad ko.
"Wala man lang bang hello? at kamusta na ako at ang magiging anak natin?" sagot nito mula sa kabilang linya
Kung marahil na wala ako sa eskwelahan ay nakapagmura na ako. Imbes na dumeretso sa office ay nagtuloy ako sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko.
"are you even sure that i'm really the father of that child?" may pagkadisgusto kong tanong
i heard her cuss.
"oh come on Den. We both know na merong nangyari sa ating dalawa. And you should really know by now na tugmang tugma sa date na nag-make love tayo sa buwan ng pagbubuntis ko ngayon!"
hindi ako agad nakasagot. Dahil kung tutuusin ay tama nga naman talaga. Pero di padin ako makakapayag.
"we'll see after you gave birth. ipapa-dna test ko ang bata. Sa ayaw at sa gusto mo!"
After that ay pinatay ko na ang tawag.
i turned around and saw Misha. Kasama padin nya si Dexter. They're both looking at me.

BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
Fiksi RemajaMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...