Chapter 19: Between Good and Bad

111 2 0
                                    

Thank you po ng super dami at pasensya sa mga grammatical errors. On the spot lang po kasi ang pagkakasulat. Kung ano pumasok sa utak. haha.

------------------

Ken's POV

" What the hell are you thinkin'? How is she? Is she ok?" sunod sunod na tanong ko sa kausap ko sa telepono.

"i think she's ok. There's no big deal about what happened to her. Nawalan lang sya ng malay. tapos." calmang sagot ng kausap ko sa telepono.

Lalo akong nainis. Nagalit. Eto,eto ang dahilan ko kung bakit ako lumayo at umalis ng Pilipinas. Ayaw kong makita na nahihirapan si Misha.

Pinatayan ko na ng telepono ang kausap ko. Pasalamat sya at malayo sya.

Binalibag ko ang cellphone na hawak ko sa sofa. Inabot ang bote ng whiskey at nagsalin sa baso.

Sumimsim ng kaunti habang nakatitig sa kabuuan ng London.

Sana tama ang napili kong desisyon.

Dexter's POV

Nakita ko si MIsha at Mira na magkasama, papunta malapit sa parking lot. Dahil gusto ko syang batiin ay sinundan ko sila.

Nagtaka ako ng magtago ang dalawa sa pagitan ng Grand Cherokee at Rav4 na sasakyan. Kaya naman naisipan ko na lumapit ng bahagya at magtago sa likod ng Rav4 at silipin kung sino ang dahil kung bakit sila nagtatago.

At doon ko narining ang lahat. Naikuyom ko ang aking kamao. Handang sugudin ang tanga kong kapatid.

Ramdam na ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman ni Misha. Sa bawat salitang binibitiwan nito at halata mong nasaktan ito ng todo.

"Hayop!hayop ka!! manloloko ka!! napaka walanghiya mo!! niloko mo ko!! ang sama mo. napaka sama mong hayop ka!"

Yan ang huling katagang narinig ko kay Misha bago ko ito nakitang unti-unting parang kandilang nauupos at nawawalan ng apoy.

"Misha!!" Patakbo kong tawag sa kanya habang nagbabakasali na umabot pa ako at masalo ko sya.

Ngunit nahuli ako at ang kapatid ko ang nakasalo dito.

"Misha!!! Misha!! wake up!!" narinig kong tawag ng kapatid ko kay Misha

*Blagg!*

Pagkalapit na pagkalapit ko ay binigyan ko ng isang malakas na suntok sa mukha ang kapatid kong tanga dahilan para mabitawan nya si Misha na nasalo ko naman,.

Nawalan ng balanse ang kuya kaya naman napaupo ito-.

"Here's my car key Mira. Open the door." At dali daling pinuntahan ni Mira ang kotse ko di kalayuan at agad na binuksan.

Bago ako lumakad ay binalingan ko ang kapatid ko na ngayon ay nakatayo na.

"Binalaan na kita kuya pero anong ginawa mo? Ngayon masaya ka na? Sana ginamit mo yang utak mo bago ka gumawa ng kalokohan.. Ngayon ko napatunayan na isa kang malaking tanga!"

pagkasabi ko nun ay dali dali akong pumunta sa sasakyan ko at pinasok si Misha sa back seat na tinabihan naman ni Mira.

Agad akong pumasok at pinaandar ang kotse.

"Dalin na kaya natin sa hospital si Misha Dex?" naiiyak na sabi ni Mira

Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Nang malapit na kami sa hospital ay nagkamalay na si Misha.

"B-bakla. ok ka lang? Don't worry malapit na tayo sa hospital May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" nag-papanic na tanong ni Mira

"I'm ok. Just bring me home.please." mahinang sagot nito

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon