Chapter 16: Walang Forever

65 1 0
                                    

Sarah's POV

Wala akong pinag-sisisihan kung ano man ang nangyari kagabi. Pasasaan ba at magiging akin nang muli si Denver.

 Pinag-sisihan ko na ng todo ang pag-iwan sa kanya. Ginawa ko lang naman yun para mapalago pa lalo ang negosyo ng Papa. Si Papa nalang ang natitirang pamilya ko kaya naman lahat ay gagawin ko para mapasaya lamang sya. bata palang ako ng iwan kami ng mama ko para sumama sa ibang lalaki. Simula nun ay hindi na namin sya nakita.

Totoong inatake ang Papa sa puso kaya naman sobra akong nalungkot. Wala akong ibang matakbuhan kundi si Denver. Pero bakit nga ba ganoon? Bakit kahit anong gawin ko yung Misha nalang na iyon ang lagi nyang nakikita? Wala na ba talaga akong puwang sa puso nya?

Tinawagan ko sya para makipagkita at makipag-usap. Pero tingnan mo nga naman talaga. Sadyang umaayon sa akin ang tadhana dahil nakita kami ni Misha na magkasama.

"Den,listen. Wala akong pinag-sisisihan sa nangyari sa atin last night. Pareho natin ginusto yun." 

Tiningnan muna nya ako ng masama bago nagsalita.

"Kung ikaw ay hindi nagsisisi. Ako Sarah, sising sisi ako sa kung ano mang kahayupan ang nangyari kagabi. Ganyan ka na ba talaga kadesperada ngayon para lang makuha ang atensyon ko? Pwes,nagkakamali ka Sarah dahil lalo lang kitang kinamuhian!" Galit na galit na saad nito

Napakasakit ng mga sinabi nya. Tagos sa bawat himaymay ng aking laman.Napakasakit.

"Bakit Den? Hindi mo na ba ako Mahal? We can start again if you want. And i promise you, hindi na kita ulit sasaktan." 

Pinipilit kong huwag bumigay,ayaw kong ipakita na nasasaktan ako. Gagawin ko ang lahat makuha lang kita ulit Den. Lahat kaya kong gawin para lang mahalin mo ulit ako.

"Kung wala ka ng ibang sasbihin,aalis na ako." Pagkasabi nya nun ay tumayo ito.

Naramdaman ko naman na nakatingin ang mga kaibigan ni Misha sa amin kaya naman nilakihan ko ang ngiti ko at tumayo na din. Lumapit ako kay JD at kumapit sa braso nya

"Let's Go hon." Walang pasabi na hinila ko palabas si Den ngunit bago kami tuluyang makalabas ay binigyan ko ng isang nakakalokong tingin si Misha.

Misha's POV

Kasabay ng pagbuhos ng malakas ng ulan at pag-dagundong ng kulog at kidlat mula sa kalangitan ay ang sabay-sabay na pagpatak ng aking luha.

Tumigin ako sa digital table clock. Alas diyes palang ng gabi. Simula ng makauwi ako kanina at makita si JD at Sarah na magkasama ay,daig pa ng puso ko ang binibiyak.

Nakailang tawag na si JD ngunit hindi ko sinasagot. Nakailang text na din sya sa akin ngunit wala akong balak na basahin.

Tumayo ako mula sa kama ko at lumakad papunta sa bintana upang isarado ang kurtina ng mapansin ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatayo sa harap ng gate. Basang basa ito at nakayuko.

Hindi ko alam kung gaano na ba sya nakatayo doon at nagpapakabasa sa malakas na buhos ng ulan..

Hahayaan ko ba sya dun? Eh paano kung magkasakit sya? Hindi ko naman na siguro kasalanan yun dahil sya naman ang may gusto na magbabad sa ulan.

Kasalanan mo yun gaga,dahil ikaw ang pinuntahan nya kaya sya nabasa!" 

usig sa akin ng maldita kong konsensya.

Mataman ko syang tinititigan ng bigla itong tumingala at tumingin sa kinaroroonan ko.

Hindi na ako nag-dalawang isip pa at tumakbo ako palabas kwarto. Dali dali akong bumaba patungo sa may pintuan. Hindi ko na nga nagawa pang magsuot ng tsinelas.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon