Denver's POV
Iba ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ibang iba kaysa noong kami pa ni Sarah.
Alam ko na hindi ko dapat sila ipag-kumpara pero iyon naman talaga ang totoo. Iba ang saya na nararamdaman ko kapag kasama ko si Misha, gusto ko syang protektahan sa kahit na anong bagay.
Pero kailangan namin mag-ingat dahil bawal ang relasyon naming dalawa. Dapat naghintay nalang ako hanggang maka-graduate sya pero paano kapag may nakilala syang iba? Hindi ko yata maaatim na mapunta nalang sya sa ibang lalaki.
At ngayun nga ay ang aga ko dumating dito sa school. Oa na yata ako. haha. Eh sa gusto ko syang makita eh.
"Good morning,Sir.Arrevalo!" Bati ng ilang estudyante na andito nadin sa school.
May ilang buwan na ba ako dito? Nasanay na din ako sa buhay teacher. At ngayun nga ay nalalapit na ang exam.
Ang bilis lumipas ng panahon, Parang kailan lang. Ilang buwan pa ba ang bibilangin ko para sa graduation? Hindi naman ako excited masyado diba? hahaha
Misha's POV
Tinatamad ako'ng pumasok ngayon. Pero para sa mahal ko, sisipagan ko! ( evil laugh )
Lapit na din pala ang exam namin. Kailangan ko na naman mag-sunog ng kilay. Hindi naman sa bongo ako. Kumbaga ayaw ko lang ilabas talaga ang hidden knowledge ko.
Pagkatapos kong makapag bihis ng pamasok ay bumaba na ako para kumain.
Papasok palang ako sa kusina ng hindi ko nagustuhan ang amoy ng kung ano man iyon. Nakaka-walang ganang kumain. Nawala ang gutom ko bigla.
"Oh 'nak. Kain ka na muna bago ka pumasok." sabi ni Nanay Pasing
Ngumiti ako at sumagot "Di na po 'nay. sa school nalang po ako kakain. May tatapusin pa po kasi ako kaya papasok ako ng maaga ngayon!" pag-dadahilan ko
"ganun ba anak? sayang naman, May paborito mo pa namang sinangag. Basta siguraduhin mong kakain ka sa eskwelahan ha?"
"oho nay. una na ho ako!"
Pagkapaalam ko ay lumabas na ako. Hindi ko talaga gusto ang amoy sa kusina. Parang babaliktad ang sikmura ko.
Nagpahatid ako kay manong papunta ng school.
Pagkadating ko sa school ay bumili muna ako ng fudgee bar sa katapat na tindahan. Tatlo binili ko dahil favorite ko ito.
Dumiretso ako sa room namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagtxt sa mahal ko.
Tinatamad kasi akong magpapansin sa kanya ngayon kaya naman magttxt nalang ako. hahaha
Habang magkatxt kami ni Jd at lumalamon ako ng fudgee bar.
"Hoy timawa magbigay ka naman!" sino pa ba. edi ang magaling na bakla na Adam.
"POTA! FUDGEE BAR!!" si Mira
Tiningnan ko lang ang mga walang hiya kong kaibigan na pinagnanasahan ngayun ang kinakain ko. Sorry sila last na bar na ito. hahaha.
Dinila-dilaan ko ang kinakain ko at kunwari'y dinuran dura. hahaha
"Oh, eto. baka sabihin nyong madamot ako eh. ohh" sabay abot sa kanila ng kinakain ko na puno ng laway ko.hahahaha
"ewwness yucky kadiri!!!" malanding sabi ni Adam
Nagulat naman ako ng kinuha ni Mira ang Fudgee bar ko na puno ng laway ko at kinagatan ito.
"akala mo mandidiri pa ko s laway mo. eh immune na ko dyan! hahaha" laas talaga nitong babaeng to
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE WITH MY HANDSOME TEACHER
Teen FictionMisha Jane Conte is a 17 year old 4th year High School Student. Sa height nitong 5"6 at sa hourglass body nito ay walang sino man ang mag-aakala na isa lang itong 17 year old. ONE NIGHT together with her best friends. Napag-tripan nilang pumasok sa...