**MATTHEW'S POV**
Wow! First time ko mag POV! Thanks miss author! ╰( ̄▽ ̄)╭
**********
Nag dota kami ng mga classmates ko ngayon. Tutal tapos na din naman ang class namin. Okay na din to, pang tanggal ng stress.
Naguguluhan kasi ako kay Levi. Friends naman kami ngayon. Kahit papaano nagpapansinan na kami hindi tulad ng dati na total ignore ang ginagawa nya sa akin. Bakit? Kasi may pinag awayan kami noon. Pero matagal na yun kaya hayaan na natin.
Eto namang si AJ isa ko pang problema. Bihira na kaya kami magkasama ngayon dahil nga pag uwian ay sumasama sya kay Levi. Huhu, baka ipagpalit na ako ni bestfriend sa kanya! No! It cannot be!
Bumalik ako sa school, baka sakaling nandun pa sila AJ eh, para sabay na ko sakanila papuntang mall.
Dito ako sa likod na gate dumaan para shortcut. Kesa naman kasi iikot pa ako doon sa front gate.
Walang tao dito sa back gate, di naman kasi binabantayan. Kaya inakyat ko nalang yung wall para makapasok, di naman din yun kataasan.
Nadaan ako dun sa maliit na garden dito nga sa likod ng school. May Naririning akong nag uusap.
"Ouch! Bakit mo ako sinapak? Inaano ba kita?"
Huh? Sino kaya yun? Bibihira lang kasi magkaroon ng tao dito sa garden.
"Sorry, *huk* galit na galit na kasi ako, *huk* pano nya nagawa yun kay Ana? *huhuhuhu* how dare he hurt my friend?" Narinig ko ang boses ng umiiyak na babae. Boses na kagaya ng kay AJ.
Na curious ako kaya tinignan ko. Take note, na-CURIOUS lang ako at hindi ako tsimoso.. Haha, pinapaliwanag ko lang, baka kasi kung ano isipin nyo eh. ;P
Teka, si bestfriend nga tsaka si Levi? Ano naman ang ginagawa nila dito? Bakit sya sinuntok ni AJ? Ang weird talaga ng babaeng to, at bakit sya umiiyak? Naku,hindi yan pwedeng umiyak. nagpromise kasi ako sa kanya na hanggang nandito ako hindi ko hahayaang umiyak sya, o masaktan, o malungkot.
Nagtataka ba kayo kung bakit over protective ako kay AJ?
Kasi mahal ko ang bestfriend ko. Yeah, MAHAL KO nga SYA.
Paano kami nagkakilala? Kasi nagsimula yun nung freshmen palang kami sa Highschool..
*FLASHBACK*
(This was during their Freshmen year sa highschool.)
Haaay, ang aga kong pumasok ngayon ah. 6 am palang, ung flagceremony namin ay 7am pa.
Makaakyat na nga lang sa rooftop..
Medyo nakakatulog na ako dito sa rooftop ng marinig kong bumukas ang pinto at may nagsara nito ng pabalibag. Syempre ang ingay nun kaya nagising ako.
May narinig akong umiiyak, kaya bumangon ako at sinilip kung sino yun.
Ahh, yung classmate ko pala, si Anne Jillie. Hindi nya ata ako napansin. Dumiretso kasi sya dun sa may railings. yung kita mo na yung view sa ibaba.
"Arrrgh! Nakakainis! *huk* Nakakaasar! Nakakabwiset! *huk* Bakit ba kasi ganito ang buhay ko?" Sumisigaw sya dun habang umiiyak..
"Bakit, ano bang problema sa buhay mo?" tumayo na ako sa kinahihigaan ko at lumapit sa kanya.
"Nakakainis kasi! Yung mga tao nakikipag kaibigan lang sa akin dahil alam nilang mayaman kami. Mga mukha silang pera! Nakaaasar!" Humina na yung pag iyak nya pero nasigaw padin sya.
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Teen FictionSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...