**LEVI SEAN'S POV**
"Sean, this is your chance to tell her the truth. I know that you have a lot to tell and I'm here to support you." Tinitigan ako ni Scarlette and I know that she wants me to tell it.
Should I say it? Tutal nandito na din naman kami. I think it's time to tell her. Sana naman after I say it ay maalala na nya ako.
I glanced at AJ, confusion is written in her eyes.
I breath deeply and began to speak.
"I met a girl 11 years ago. We're still living here in the Philippines at that time.
Noong 7years old ako, nagkacrush ako sa kaibigan ko. Ipagtatapat ko na dapat sa kanya yung nararamdaman ko kaya lang nakita ko syang kasama at kayakap ang isa pa naming kaibigan, and that was Matthew. Narinig ko kung paano ipinagtapat ni Andrea ang nararamdaman nya para kay Matthew.
Sobrang nasaktan ako. Alam kong bata pa ako noon para isipin ang love pero tao din naman ako na may nararamdaman, at ako ay nasaktan. Feeling ko napagkaisahan ako ng dalawa kong kaibigan dahil sa pangyayaring iyon.
Nagpunta ako sa park at doon umiyak. Iniyak ko yung sakit na nararamdaman ko.
May narinig ako na iyak ng isang batang babae kaya nilapitan ko sya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Pakelam mo ba? Eh ikaw din naman umiiyak?" First time na may taong nagsalita sa akin ng ganon.
"Umiiyak ako kasi nasasaktan ako.Nakita ko yung babaeng gusto ko na kayakap yung kaibigan namin. Tapos sabi nya pa gusto nya yung lalaking yun."
"Sus, parang yun lang. At least ikaw nakikita mo pa yung mga kaibigan mo"
"Nakikita ko nga sila pero hindi ko na sila gustong makita! Eh bakit ka ba umiiyak dyan?" tanong ko ulit sa kanya.
"Kasi iniwan na ako ng kaibigan ko. Hindi ko na sya makikita kahit kailan."
"Kawawa ka naman pala. Sinong kaibigan ba yung nang iwan sa'yo?"
"Si Larry."
"Larry?"
"Oo, yung shit zhu namin, sya ang baby ko, ang bestfriend ko, ang lagi kong kasama at kalaro. Pero ngayon wala na sya. Iniwan na nya ako. huhuhu.." TT______TT
Ahh, aso pala. Akala ko naman tao. -_____-
"Saan na sya nagpunta?"
"Sa kabilang buhay.." TT____TT
Kawawa naman pala talaga sya dahil nawalan sya ng kaibigan. Parang ako. Feeling ko nawalan din ako ng kaibigan.
"Sige wag ka nang umiyak. Dahil simula ngayon. Ako na ang magiging kapalit ni Larry. Ako na ang magiging kaibigan mo."
"*huk* sigurado ka ba dyan?" T^T
"Oo naman." I assured her.
"Hindi mo ako iiwanan?"
"Hinding hindi kita iiwanan. Promise ko yan sa'yo."
"Promise mo yan ah!" nagpinkie promise kaming dalawa.
"Wag ka nang umiyak dyan! Ang panget mo na o! Maga na yung mata mo tas tulo pa sipon mo!" sabi ko sa kanya at pinunasan ko ang sipon nya gamit yung damit ko.
"Eh ikaw din naman umiyak ah! Tignan mo tulo din sipon mo!" pinunasan nya din yung sipon ko gamit yung damit nya.
Mula noon ay naging mag bestfriends kami. Nagpupunta kami parati sa bahay nila. Tapos hindi ko sya iniiwanan dahil isa syang lampang bata. Parating nadadapa.
Nung unang beses na nadapa syang magkasama kami ay binilhan ko sya ng band aid.
"Ano ka ba naman! Hindi ka nag iingat! Ang lampa mo talaga! Dyan ka lang, bibilhan kita ng band aid." Iniwan ko sya doon sa may bench sa park. Nagpunta ako sa isang tindahan para bumili ng band aid.
Pagkabalik ko ay nandoon pa din naman sya, nakaupo sa upuan kung saan ko sya iniwan.
"Heto, lagyan natin ng band aid yang sugat mo." lumuhod ako sa harapan nya para malagyan ng band aid yung tuhod nyang may sugat.
"Eeh! Ayaw! Wag yang band aid na yan! Hindi maganda. Gusto ko yung may design na teddy bear." >___<
Ayaw nya talagang ipalagay yung band aid kahit anong pilit ko. Kaya napilitan akong bumalik sa tindahan para bumili ng band aid na may design na teddy bear.
Isang box na yung binili ko. Baka kasi may ireklamo nanaman yung batang yun.
Lumapit ulit ako sa kanya at lumuhod para lagyan ng band aid yung tuhod nya.
"Ayan, sa susunod mag ingat ka naman ah! Gusto mo bang mapuno ng band aid yang katawan mo?"
"Eh kasi ikaw! Pinabayaan mo akong madapa." >3<
"Eh kasi takbo ka ng takbo kaya hayan tuloy. Wag ka kasing masyadong lalayo sa akin para nabantayan kita."
Halos araw araw kaming nagkasama noon. Parati kaming nagkikita sa park kung saan kami unang nagkakilala.
4pm. Kaparehong oras ng una naming pagkikita. Yun din ang oras ng pagkikita namin araw araw."
Huminga ulit ako ng malalim.
May naramdaman akong luha na dumaloy sa aking pisngi.
Agad ko naman itong pinunasan.
Oo na iyakin na ako. Pero sa mga bagay lang na ganito.
Hinawakan ng mahigpit ni Scarlette ang kamay ko.
I smiled at her to tell her Im okay.
"Levi.." napatingin ako kay AJ. Maluha luha ang mata nya. Ang mga mata nyang napupuno ng maraming katanungan.
Naaalala na ba nya ako?
Naaalala mo na ba ako AJ?
*****************
Okey, yan na yun.. haha.. Oh eto na, magpapaliwanag na ako.
Si Levi Sean at Matthew ay naging magkaibigan nung 4 years old palang sila. Si Sean at AJ naman ay nung 7 years old na sila, the same day na hindi na kinilala ni Sean si Matthew bilang kaibigan dahil nga dun sa nangyari sa kanila nila Andrea. Pero tsaka na natin pag usapan ang tungkol kay Andrea. darating din tayo dyan.
O ayun nga, ewan ko ba dyan kay Levi Sean kung bakit nagtampupu kaagad dun sa dalawa nyang kaibigan. Bata kasi kaya ganyan mag isip. Feeling nya napagtaksilan sya kaagad kaya nagalit sya kay Matthew. Kasi nga gusto talaga ni Sean si Andrea ng mga panahon na yun. Yun na yung time na hindi sila nagpansinan hangang sa makarating sila sa states.
Uhm, ano pa ba.. Ahh! Naiyak ako nung unang beses na tinype ko to, naalala ko kasi yung baby ko si Larry. Namimiss ko na talaga yun. Ambait nya kaya. Sayang iniwan na nya ako.. TT___TT
Lastly, bakit nga ba hindi naalala ni AJ si Levi Sean?
Yan ay malalaman mo sa next chapter.. ^___^v
>ichigo_love
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Ficção AdolescenteSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...