CHAPTER 13: Yes or No

28 1 1
                                    

**AJ'S POV**

5pm ay umalis na kami sa Subic.

Nag stop over muna ang bus para makapg dinner kami.

Buong araw kami magkasama ni Matthew kaya ang saya ko.

Pero eto namang si Sean di mo makita sa mukha nya ang kahit anong bakas ng excitement..

Lapitan ko na nga. Nakokonsensya din naman ako kapag nagkakagalit kami. Kasi nga wala na syang masyadong sinasamahan tapos mag aaway pa kami? Kawawa naman.

"Sean...." umupo ako sa chair, katabi nya.

Aba, hindi ako pinapansin..

"Sean, helloooo?" kumaway kaway pa ako sa harap nya pero deadma pa din.

"Haaay nako, bahala ka nga! Ikaw na nga lang tong kakausapin ang snob mo pa!" tumayo na ako para umalis,

Pero hinawakan nya ang wrist ko at pinigilan ako.

"How many times do I have to tell you that you will call me Master?" lumingon ako sa kanya. Yun lang pala ang gusto dami pang arte.

"Fine, I'm sorry master." bumalik ulit ako sa kinauupuan ko kanina. "Pero teka, hindi naman ako ang dapat mag sorry sa atin ah!"

"What? Is it me?"

"Yeah, obviously it's you!" kapag sya talaga ang kausap ko nahahawa ako sa pag eenglish nya.

"Fine, I'm sorry.." mahinang sabi nya.

"Bakit ba kasi ang cold mo? Ang snob mo pa? Mas okay pang inaasar mo ako kesa yung ganyang tahimik ka eh. Nakakatakot."

"It's because of Matthew.." tumahimik sya at nagsalita ulit.. "And you!"

Anu daw? Dahil sa akin at kay Matthew? Ano naman yun?

"Bakit naman kami?"

"Because he's always with you and you're so close together!" kunot noo nyang sinabi sa akin sa pagalit na tono.

"Syempre magkasama kami at close kami dahil mag bestfriends kami."

"Exactly, eh bakit naman sa iba mong friends ay hindi ka ganung ka close katulad ng sa kanya?"

"That's because he is special to me.."

"Special in a way that you like him?"

hindi ako nakasagot. Oo, special sa akin si Matthew dahil gusto ko sya at mahal ko sya.

"Silence means yes. So you really like him."

"Sean, I don't know if you would understand pero si Matthew ay bestfriend ko since I was 13, kaya ganito na kami kaclose sa isa't isa." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Answer me in a simple YES or NO." tinignan nya ng diretso ang mga mata ko.

Wala naman sigurong mawawala sa akin kung aaminin ko sa kanya.

I breath deeply and answered him. "Yes."

"Now it's clear to me. But maid, you called me Sean. Remember what we talked about the punishment?"

Anong punishment yun? May pinag usapan ba kami?

"Your face is telling me that you don't remember anything."

"Tomoo! Ano ba kasi yun Master?"

"Our deal is that you will have your punishment if you call me Sean instead of Master."

Ahh, yun pala. oo naaalala ko na. Pero kunwari hindi ko alam. Patay malisya para walang parusa! Hahaha ;)

"Uhhhhm.."

"Don't 'uhhmm' me maid! I know you remember it. So tomorrow, be prepared for your punishment!"

Waaaah! Ano nanaman kayang pauso ni Sean yun? Asar kasi bakit maalam ang lalaking ito?

Inabot ng 4hours ang byahe namin pabalik ng manila.

10.30pm na at kadarating lang namin dito sa school.

Hinintay lang namin na dumating si Scarlette at umalis na kami papuntang Pangasinan.

Kaya pala tulog ng tulog si Sean kanina dahil sya ang magddrive. 4hours din ang byahe papunta doon and we're all tired from the tour.

"Master, sure ka bang kaya mo pang magdrive nyan?"

"Yeah. You just sit beside me para may karamay naman ako sa pagddrive."

"Psh... okay.." Eto n ba yung punishment? dali lang naman pala eh.

Si Sean ang nasa driver's seat, dahil sya nga ang magddrive. Ako naman sa tabi nya, tapos si Matthew sa tabi ko din. Dun sya malapit sa pintuan.

Sa gitna naman si Ana, Nico, Scarlette, Josh. Sa likod nila sila Jak, Christian, Fae, Jayjay. Sa likod pa nun si Mae, Romeo Kevin at Gelo.

1am na and I don't know kung nasaan na kami. Yung iba tulog na. Kami nalang ni Sean ang gising.

May nadaanan kaming Coffee shop sa may gasoline station kaya huminto muna kami doon para bumili ng coffee. Tinatamaan na kasi kami ng antok.

"Maid, what flavor do you want?" Hininto ni Sean ang van sa malapit sa shop.

"Cafe Latte nalang."

"Okay, I'll be back soon. Ikaw munang bahala dito." Bumaba na sya at pumasok sa loob ng coffee shop.

Inayos ko naman ang ulo ni Matthew na nakadantay sa balikat ko.

Mayamaya pa ay bumalik na si Sean dala ang dalawang cup ng coffee.

"Here." Inabot nya sa akin ang cappuccino ko. Mainit pa kya siguradong magigising ako nyan.

"Thanks."

Nag sip muna si Sean ng coffee nya na hindi ko alam ang flavor bago ulit sya magdrive.

3hours later ay nakarating na rin kami sa Pangasinan kaya naman ginising ko na si Ana para maituro nya ang direksyon papunta sa kanila.

Sinunod naman ni Sean ang mga sinabi ni Ana. Past 4am na nang makarating kami sa bahay nila.

"Guys, wake up! We're here na!" Ginising na silang lahat ni Ana.

Si Matthew naman ang hirap gisingin.

"Best, gising na! Dito na tayo.." Niyugyog ko sya ng malakas. Nagising naman sya.

"Inaantok pa ko best eh.." kinusot nya yung mata nya. Nananaginip pa ata to eh.

"Baba na Mat. Buhatin na natin yung mga gamit natin tas pagdating sa loob pwede ka na ulit matulog." bumaba naman sya sa sasakyan at tumulong sa pagbubuhat ng mga bags.

"Oh Ana, Inumaga na kayo sa pagdating ah." pagbati ni Kuya Marjun kay Ana.

Si kuya Marjun nga pala ay anak ni Mang Jun at Aling Mara. Yung tagabantay nila Ana ng bahay nila. Doon na din sila sa bahay na yun tumira dahil nga bihira lang naman umuwi sila Ana sa Pangasinan.

"Oo nga kuya Marjun eh. Pano kasi 10:30 na kami nakabalik ng school. Sila Aling Mara at Mang Jun pala?" tanong ni Ana kay kuya.

"Natutulog na sila. Tara, pasok na tayo sa loob nang makapagpahinga na kayo."

Pumasok na kami sa loob at tinuro ni Ana ang mga kwarto namin. Dalawa nalang ang extra rooms, yung isa ay sa aming mga girls at yung isa naman ay sa boys.

Dahil pagod na kaming lahat ay nagpunta na kami sa mga kwarto namin para makatulog ng maayos.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon