*LEVI SEAN'S POV*
Eto na nga ba ang isa sa mga kinakatakutan ko. Ang hindi magandang reaksyon ni AJ.
Sinubukan ko naman na kasing lumayo sa kanya. Yung mga panahong hindi ko sya pinansin at pinilit kong sungitan sya, pero wala talaga.
Hindi ko na kayang mapalayo pa sa kanya.
Nasan ka na ba AJ?
Tumatakbo ako ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong mahabol si AJ. Kailangan ko syang makita.
"Wag ka nang umarte! Sumama ka nalang sa amin." ay narinig akong nagsalita, parang boses ng lalaki.
"Heelllppppp!" sigaw naman ng boses ng isang babae.
Parang boses ni AJ yun! Tumakbo ako at hinanap kung nasaan sila.
Nang matagpuan ko sila ay nakita ko ang tatlong lalaki, yung isa ay itinutok ang hawak nyang patalim sa leeg ni AJ.
Shit! Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang mapahamak si AJ.
F*ck! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Tumakbo na ako agad agad at lumapit sa kanila
"Let her go!" Napukaw naman ang atensyon ng tatlong lalaki. At napatingin sila sa akin.
AJ has a shocked reaction. Umiiyak sya. Lokong mga to, pinaiyak si AJ ko!
"At sino ka naman ha bata?" lumapit silang tatlo sa akin. Wala akong pakielam kung sabay sabay silang umatake, ang importante ay mailigtas ko si AJ.
"Ako ang lalaking pagsisisihan mo na nakilala mo!"
Sumugod ang isang lalaki sa akin at susuntukin ako, pero naiwasan ko yun at pinatamaan sya ng malakas na suntok sa sikmura.
Sumugod ang dalawa pa nyang kasamang mataba. Pinatamaan ko din sila ng suntok sa mukha at sipa sa chan nilang malalaki.
Sinuntok ko ng malakas sa mukha yung lalaking nagtutok ng patalim kay AJ. Yung matabang mahaba ang balbas.
"THAT'S FOR THREATENING HER! A$$H*LE!" hindi ko tinigilan ang pagsuntok sa mukha nya.
Hinawakan ako sa magkabilang braso nung kasama nya, yung matabang makapal ang kilay. Hindi ako maka alis sa pagkakahawak nya, kaya pinatamaan naman ako ng suntok sa mukha nung matabang kalbo. Hindi na nakabangon yung mahaba ang balbas. Napuruhan eh.
"Mayabang ka bata ha!" Lumapit ulit yung kalbo para suntukin ako pero nagawa ko syang sipain sa tyan at nakatakas ako sa pagkakahawak nung makapal ang kilay sa braso ko.
"Tss! Sino ngayon ang mayabang huh? Anong karapatan nyo para hawakan si AJ huh?" Pinuruhan ko na din ng suntok yung makapal ang kilay.
Hindi ko sila tinigilan hanggang sa hindi na sila makatayo. Ibinuhos ko yung galit ko sa kanila dahil sa ginawa nila kay AJ. Pati ang galit ko sa sarili ko dahil sa nasaktan ko si AJ dahil sa pag alis namin noon.
Tumingin ako kay AJ. Bakas sa mukha nya ang gulat at takot.
He saw a side of me na ayaw kong ipaalam sa kanya. My devilish side na pag nagsimula ng makipag away ay hindi talaga ako nagpapaawat.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"AJ, are you okay?" niyakap ko sya ng mahigpit. Ramdam ko ang malakas na pagiyak nya.
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Teen FictionSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...