CHAPTER 8: New Friend

62 1 2
                                    

Umalis na kami ni Sean sa bahay nila. 11am na kaya. Sobrang late na kami sa 10am class namin.

Ginamit ni Sean ang gwapo nyang black porsche. Ang astig lang!

Pagpark naman namin ay may sumalubong kaagad na mga babae sa kanya. Ang dami nila siguro nasa 20 plus.

"Hi Levi Sean! Goodmorning!" bati nung girl 1.

"You're so handsome talaga Levi Sean!" -girl2

"Kyaaa! Can you be my boyfriend Levi Sean?" -girl3

at kung anu ano pang ingay ang ginawa ng mga fan girls ni Sean.

Kelan pa sya nagkaron ng fans club? =__=??

Basta ang dami laging babaeng sumusunod sa kanya.

Dinedma naman sila ni Sean at dirediretsong lumakad. Kita mo to, sama ng ugali! Di man lang ako hinintay! >.<

Lumakad na ako ng mabilis para maabutan sya.

Pagdating naman namin sa room, ayun na nga ang prof namin. Pinagalitan tuloy kami.

Tumabi na ako kay bestfriend.

"Anong nangyari best?" tanong nya sa akin.

"Galing kasi ako kela Sean. Late gumising kaya ayun, na late tuloy kami. Tapos dumating pa yung kapatid nya kanina."

"Si Scarlette?"

"Huh, paano mo nalaman Mat?"

"Eh kababata ko si Levi di ba? Kaya kilala ko yung kakambal nya."

"Oh, oo nga pala."

"Nakabalik na pala yung batang yun dito.."

Nagdaldalan lang kami ni Matthew tutal nag papakopya lang naman ng notes yung prof namin.

Si Sean naman naglalaro ng PSP! Hindi man lang kumopya ng notes. Palibhasa matalino.

Ang next class namin ay sa klase ni Sir Marlon. Iaannounce nya ang mga mangyayari para sa tour next week..

"Okay class, eto na yung itinerary natin para sa wednesday. Ang araw ng ating tour." Inilabas ni Sir Marlon ang papel kung saan nakalagay ang itinerary namin pati yung waiver para sa parent's consent at ipinamigay ito sa amin."Our destination is Pampanga and Zambales. Pero one-day lang ang tour natin. So para ma-maximize ang ating time, kailangan by 4.30am ay nandito na kayo sa school. Aalis ang bus ng 5am. 5pm ay aalis na tayo sa site pabalik ng Manila."

Diniscuss ni sir lahat ng pupuntahan namin pati na din ang mga do's and dont's during the tour.

"Best, tabi tayo sa bus ahh!" kinalabit ako ng katabi kong si Matthew.

"Sure. Basta magdala ka ng madaming pagkain ah!"

"Oo naman! Basta pag ako ang kasama mo hindi ka magugutom!"

"Hahaha, sige aasahan ko yan best." Nag apir naman kami at naki ingay na sa klase dahil lahat kami ay excited para sa tour.

Pero hindi lang ang tour ang dahilan kung bakit mas excited kami ng beybs! Dahil kami ay mag Eextended tour! Yahooo! Kami kami lang yun. Hehe.

So after ng class ay sabay sabay na kami papunta sa mall. Magmimiryenda kami at the same time ay mag memeeting na din kung ano ang balak namin sa extended tour.

Palabas na kami ng gate ng school nang makita ko ang papalapit na si Scarlette.

"Hellooo AJ Bestfriend!" kumaway kaway sya papalapit sa amin at niyakap ako.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon