CHAPTER 9: Bestfriendly Date

48 1 0
                                    

Nafinalize na ang plan namin for the extended tour. Nabusy ako kakashopping kasama sila beybs at Scarlette. Namili kami ng mga damit at kung anu-ano pang pwedeng dalhin pagpunta namin sa Pangasinan.

Pinapayagan naman ako ni Sean kahit hindi na ako everyday magpunta sa kanila. Kasi Kumuha daw sila ng maid para kay Scarlette, so hindi na ako masyadong kailangan dun para maglinis ng bahay at utusan ni monster Sean.

Today is Sunday at naghahanda ako para sa date namin ni Matthew! Well, hindi sya actually romantic date, but it's a bestfriends date.

10am palang naman. Ang usapan kasi namin ay 12noon nya ako susunduin para doon na din kami mag lunch.

Naligo na ako at nag ayos.

Hmmm, ano kaya ang pwede kong isuot..

Jeans? Masyadong casual..

Dress? Too girly..

Polo? Ayaw..

Shorts? Masyadong showy!

Waaah! Ano ba ang pwedeng isuot?

I never had a difficulty in wearing clothes. Tsk. Gusto ko kasi kahit papaano ay maging memorable at special ang araw na to kaya dapat special din ang damit ko..

Well, madalas naman kaming mag mall ni Matthew. Pero ever since na mainlove ako sa kanya. Parang na conscious na ko sa kung anong itsura ko.

Syempre dapat maganda ako. Nakakahiya naman sa gwapo kong bestfriend..

Haay, Bahala na nga..

*tootoot*

Narinig ko naman na tumunog ang cp ko.. Sino kaya ang nag text? Matignan nga. 

from: Mat-mat my Labs 

Papunta na ko dyan best. :*

-end-

Oha, may pakiss kiss pang nalalaman tong si Matthew ko! Choz, makaangkin daw ba? haha, mareplayan na nga. 

to: Mat-mat my Labs 

okie, ingat best! mwah. ^o^

-end-

Pupunta kami sa mall para mamamasyal. Magbobonding kami ni Matthew kasi lately hindi kami masyadong nagkakasama.

Sasamahan ko na din sya bumili ng mga dadalhin nya para sa tour at extended tour.

"Anak, nandito na yung sundo mo!" pinuntahan ako ni mommy sa kwarto.

"Okay po, bababa na ko mommy." Kinuha ko na yung pouch ko at bumaba na.

Nakita ko naman ang oh so dazzling kong bestfriend na nakaupo sa sofa kausap si daddy. Nagtatawanan pa sila.

Super close na kaya nyang dalawang yan.

Madalas kasi tumambay si Matthew dito sa bahay nung highschool pa kami. Kaya lang nung college ay natutong mag dota kaya ayun, madalas nyang kasama yung mga tropa nya mag dota.

"Hi Matthew!" Bati ko naman sa kanya with my dazzling smile.

"Hello AJ!" nag smile naman sya sa akin.

"Oh, eto na pala ang prinsesa ko." Kiniss ako ni daddy at nagpaalam na ako sa kanya. "Ingatan mo yan Matthew ah. Pinagkakatiwalaan kita pagdating sa kanya. Kaya kailangan pag ibinalik mo yan dito buo pa rin." dagdag pa nya.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon