CHAPTER 14: Little Sean

30 1 0
                                    

11am na kami nagising. Sobrang pagod kasi namin lahat dahil sa tour at sa byahe papunta dito.

"Good morning beybs!" Masiglang bati ko sa kanilang lahat.

"Good morning AJ bestfriend!" masayang yumakap sa akin si Scarlette, mukhang excited sya.

"Ana beybs, anong oras tayo pupunta sa beach?" tanong ko kay Ana na kakatapos lang maligo.

"Hmmm, mamaya na pagkatapos natin mag brunch."

"Ay bakit hindi pa ngayon?" >3<

"Eh hindi ka pa nga naliligo gusto mo lumabas na kaagad?"

"Eto na nga oh, maliligo na po." naglakad na ako papuntang cr. Kailangan daw mabilis maligo kasi anim kaming gagamit ng isang banyo. Buti nga may sariling CR yung kwarto.

Mabilis na akong naligo. Mga 10mins. Oha, ang bilis na nun ah.

Nagbihis na ako. Sinuot ko yung maong shorts ko at yung blue tshirt ko.

Nang matapos na kami lahat maligo ay bumaba na kami para kumain.

"Woah! Ang daming pagkain! Parang fiesta lang ah." Tumakbo kaagad si Jak papunta sa dining table.

"Magandang umaga sa inyo mga anak!" masiglang bati ni Aling Mara na busy sa paghahanda ng pagkain.

"Magandang umaga din po sa inyo!" bati naman namin.

"Oh, nasaan na yung mga lalaki?" tanong ni Mang Jun.

Nasaan na nga ba sila? Don't tell me tulog pa silang lahat. Anong oras na kaya.

"Baka nasa kwarto pa po nila. Tatawagin ko nalang po." umalis na ako at umakyat para tawagin sila.

Kakatok palang ako sa pinto ng bigla itong bumukas.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Si Sean kasi ang nagbukas ng pinto.

"What are you doing here?" tanong ni Sean habang pinupunasan ng towel yung basa nyang buhok. Kakatapos lang ata maligo.

"Uhm, nakahanda na ang lunch sa baba, pinapatawag na kayo nila Mang Jun." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Wait, I'll just wake them up."

Saktong pag alis naman ni Sean ay bumungad sa akin si Matthew.

"Goood morning best!" Akmang yayakap na sya sa akin pero pinigilan ko.

"Ligo ka muna bago hug!" halata naman kasing bagong gising, ang gulo gulo pa ng buhok. Napakakupad talaga kumilos ng mga lalaki.

"Hayz, sabi mo yan ah! May utang ka sa akin na hug." -3-

"Oo na po! Sige na maligo ka na tapos baba na kayo, nakahain na yung pagkaen."

Bumaba na ako para matulungan sa pag ayos ng pagkain sila beybs at si Aling Mara.

Maya maya pa ay nagdatingan na ang boys kaya nagsimula na kaming kumaen.

Ang saya ng feeling. Ganito pala kapag yung mga barkada mo nakakasama mo sa bahay, tapos sabay sabay kayong kumakaen. Yung inaakala mong closeness nyo ay may mas icloclose pa pala.

Nagtulong na kaming nga babae sa paghuhugas ng pinggan. Ano pa ba naman kasi ang aasahan namin sa mga boys di ba?

Mukhang magiging masaya talaga ang bakasyon namin dito.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon