CHAPTER 4: BAND AID

50 4 2
                                    

**AJ'S POV**

Humiwalay kami ni Matthew sa Beybs. Ililibre nya daw kasi ako ng lunch! Kasi hindi daw tama na yung Pocky lang ang kainin ko. Kaya ayun, sabay na kami kumain. Bumili sya ng Lasagna, tapos may fried chicken pa. Bumili din sya ng fries tska coke. Ayan na ang lunch namin. Syempre tag-isa kami bawat pagkaen. Matakaw kasi si Matthew, nahahawa lang ako.

Nung nag bell na ay umakyat na kami sa room.

Dahil katabi ko nga itong si Matthew sa upuan ay halos hindi ako makapag concentrate sa lecture ng prof namin sa Management. Naalala ko kasi yung pinag usapan namin ng Beybs kanina.

Tapos minsan si Sean naman nakikita kong nakatingin sa akin. Paano ko nalaman? Syempre nakikita ko sya mula sa aking peripheral vission. O baka assuming lang ako na tinitignan nya ako? hehe

"Okay class, please get a 1/4 sheet of paper and number it from 1-10."

Nagulat naman ako sa sinabi ng prof namin kaya tinanong ko yung katabi ko sa kabilang side na si Fae.

"Huy bakit? Anu meron?" tanong ko sa katabi kong si Fae.

"Huy ka din AJ! Di ka kasi nakikinig eh. May quiz tayo" Sabi nya habang pinupunit yung yellowpad sa 1/4 sheet.

"Ay linshak naman si sir panira sa mood, magpapaquiz kung kailan wala akong naintindihan."

"AJ oh," sabay abot sakin ni Matthew ng papel. Di ko na tinanggihan, nagmamadali si sir sa pag dictate nung questions. Bait talaga nya.

At sa kamalas malasan ay ang hirap nung quiz namin. Wala kaya akong nasagot, kaya ang score ko ay tumataginting na 10! haha, paano nangyari yun? Pinakopya ako ni Matthew eh. Buti pa sya naintindihan yung lesson.

After ng class ay sa wakas, uwian na. Habang naglalakad kami palabas ng gate ng school..

"Uy babes, una na ko ah, nandyan na kasi si Christian eh" Sabi ni jak.

"Ako din mauna na, nandyan na si Romeo my love" -Mae

"Hepepep, ako din una na, magkikita daw kami ni JayJay sa mall ngayon eh." -Fae

"Don't tell me Ana magkikita din kayo ni Carlo at ako ay maiiwang sawi at uuwing mag isa?" -Ako

"Haha, hindi kami magkikita AJ, pero hindi kita masasabayang umuwi, may aasikasuhin pa kasi akong importante eh." -Ana

"Haaay, naku, Okey fine. Eto ang mahirap kapag ikaw nalang ang SINGLE sa barkada eh.. Ikaw ang laging iwan, loner, tsk." pagrereklamo ko with matching cross arms at pag iling iling.

"Wag ka nang magtampo AJ, mukang malapit ka nang maging in a relationship dahil ayan na ang future lovelife mo! hihihi" tawang may halong pagkakilig pa to si Fae

"Huh? anung sinasabi mo jan?" ~___^

"Hi papa Matthew!" -Mae

Lumingon naman ako sa direksyong tinitignan nila at nakita ko nga ang papalapit na si Matthew.

"Ayan na pala si Bestfriend mo eh.." -Ana

"Hello sa inyo! Pauwi na ba kayo?" Tanong ni Matthew sa amin.

"Actually may date pa kami with our boyfies, kaya lang etong nag iisang single saamin ay nagmumukmok at wala daw syang kasamang umuwi." -Fae

"Haha, kawawa naman tong si AJ! Iiwan na ng kanyang mga beybs!" tumawa pa si Matthew na may halong pang aasar. Maloko din kasi tong isang to eh.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon