CHAPTER 21: Farewell (Part 2)

26 0 0
                                    

**MATTHEW'S POV**

Kasama ko sila Gelo, Kevin at Josh dito sa airport. Sabi ko naman hindi na nila ako kailangan pang ihatid. Kaya ko naman kasi ang sarili ko.

"Bro, mamimiss ka namin ng sobra." niyakap ako ni Kevin.

Hindi kami gays ah. Ganito lang talaga kami. Touchy. Sweet kami sa isa't isa eh, para na kasi kaming magkakapatid.

"Oo nga Matthew! Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Tapos biglaan pa." sabi ni Gelo.

"Kailangan eh. May sakit si Papa. Malaki ang problema sa company. Kaya pinapunta ako kaagad ni Mama doon."

Nagbilin sila sa akin, yung mga pasalubong daw nila pag uwi ko. Etong mga to talaga. Pero mamimiss ko sila ng sobra. Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako magstay doon.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Sasagutin ko ba? Baka kasi kapag narinig ko ang boses nya hindi ko na makayanan pang umalis. Kailangan ako nila papa. Pero ayaw ko naman iwanan ang babaeng mahalaga sa akin.

"Sagutin mo na bro. I think she has the right to know." tinapik ni Josh ang balikat ko. Lumayo sila ng konti para daw magkaron ng privacy ang pag uusap namin.

Pinindot ko na ang accept.

"MATTHEW CORTEZ! NASAAN KA?" hindi pa nga ako nakakaalis pero nang marinig ko na ang boses mo namimiss na kita kaagad.

"AJ, uhmm, ano kasi.." paano ko ba sasabihin sa kanya?

"NASA AIRPORT NA AKO! NASAAN KA BANDA?" syeeet! Anong ginagawa nya dito? Takte. Ano bang silbi nito ni Levi? Sabi ko wag nilang ipaaalam kay AJ ang tungkol dito. Pano nya nalaman? 

"Nasaan ka na kasi Matthew?"

".........."  Paano ko sasabihin?

"MATTHEW CORTEZ!"  narinig ko nanaman syang nagsalita. Pero hindi lang mula sa phone nanggaling ang boses nya.

Tumingin ako sa gilid at nakita ko sya. Papalapit na sya sa akin. Mukhang pagod na pagod sya at may pawis pa. Tumakbo siguro to.

"AJ..." nandito na sya. Kaharap ko na sya. Wala na akong ibang choice.

"Matthew akala ko ba bestfriends tayo? Bakit iiwan mo na ako? At aalis ka pa ng hindi man lang sinasabi sa akin. Alam mo bang ang sakit nun? Ang sakit sakit dahil halos mabaliw ako kakaisip kung maaabutan pa ba kita. Kung makikita pa ba kita ulit. kung may nagawa ba ako para iwan mo ko?" umiiyak sya. Eto ang pangalawang pagkakataon na umiyak sya sa harapan ko. Yung una ay nung unang beses kaming nagkakilala. Sa rooftop ng dati naming school.

"AJ im sorry. Hindi ko kasi kayang mag paalam sa yo. Hindi ko kaya dahil in the first place, mahirap ang lumayo sa yo at iwan ka. Pero wala akong choice. Kailangan ako nila mama. Kailangan kong umalis." Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Bakit hindi mo sinabi? Maiintindihan ko naman yun. Ang hindi ko lang kaya ay yung bigla mo akong iiwan nang hindi ko man lang alam ang dahilan."

"Eto kasi yung unang beses na magkakalayo tayo. Ang hirap. Ang sakit."

"Masakit talaga, ngayon lang tayo magkakahiwalay eh, tapos ang layo pa ng pupuntahan mo. Pero kung kailangan Mat papayagan naman kita eh. Kailangan ka ng parents mo. I don't have the right na pigilan ka." umalis sya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mga mata.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon