**AJ'S POV**
Masaya kaming nagkwekwentuhan habang iniinom ang mga hawak naming beer. Nakapalibot kami ngayon sa bonfire, katabi ko sa right side ko si Matthew, tapos si Gelo, Kevin, Josh, Romeo, Mae, Fae, JayJay, Christian, Jak, Ana, Nico, Scarlette at Sean. Bale si Sean na yung nasa left side ko.
Kaya naman pala humiwalay sila Matthew kahapon ay para bumili ng beer. Mga lalaking to talaga.
Bigla namang tumayo si Scarlette at nag suggest.
"Okay friends! Since we're all here, I want to play a game! Who wants to play with me?"
"Me! Me!" Sigaw ni Kevin na nagtataas pa ng kamay. Mukhang may tama na. UmiEnglish na eh.
Lahat naman kami ay sumang ayon sa pagyayaya ni Scarlette na maglaro ng game.
"Now this game is called, Moment of Truth. It's just like a spin the bottle game. But whoever was pointed by the bottle must say something. Anything will do as long as it's the TRUTH!"
Okay, naintindihan naman kaya nila yun? English yun eh.
"Dali na! Game na kahit hindi ko naintindihan!" Sigaw naman ni Gelo kaya nagtawanan kami. Sabi na hindi nila naintindihan eh. Haha.
"The only rule of this game is that no one is allowed to leave the circle unless everyone has finished telling their truth." dagdag pa ni Scarlette.
Ano naman kayang mangyayari sa larong ito?
Nagspin ang bote at tumapat ito kay Gelo.
"Gelo! This is your Moment of Truth. Speak now or forever you'll hold your silence" wow, talagang may ganun? Haha. Ang kulit, feeling ko may tama na tong si Scarlette eh, ang hyper.
"Ahem!" tumayo pa si Gelo bago simulan ang kanyang speech.
"The truth that I wanted to tell you is that.." nag isip muna sya ng malalim.
"Tagalog na bro! Baka manosebleed ka!" sumigaw naman si Kevin kaya nagtawanan kami.
"Oo na, eto na nga.." (->.>)Sumeryoso ang mukha ni Gelo at humarap sya kay Ana. "Ang totoo ay gusto kita Ana. Ngayon lang kita nakasama ng tulad nito at unti unti ay nakikilala kita ng lubusan. Masaya ako na nakakasama kita kaya gusto din kitang pasayahin. Gusto pa kitang makasama kung hindi araw araw ay oras oras. Adik na kung adik pero gusto talaga kita. Kaya handa akong ligawan ka. Kahit maghintay ako okay lang. Kung ikaw naman ang hihintayin ay worth it naman."
Nagsigawan silang lahat para icheer si Gelo.
Nakanams. Nagbibinata na ng dotaboy na tropa ni bestfriend. Si Ana naman mukang nakatagpo ng new love. Haha. Boto naman ako dyan kay Gelo kaya okay lang kung liligawan nya si Ana.
"So, what can you say about that Ana?" tanong ni Scarlette kaya napunta naman ang atensyon namin sa kung anong isasagot ni Ana.
"Ang totoo nakakabigla, pero naaappreciate ko yung feelings mo Gelo. Sana nga ay handa kang maghintay, kasi nagpapagaling padin ang puso ko. Pero pag nakarecover na ako ng tuluyan ay ipapaalam ko sa'yo kaagad para masimulan mo na yang panliligaw mo." =^__^=ngumiti si Ana kay Gelo.
Nagcheer naman ang dotaboys at ginroup hug nila si Gelo para icongratulate ito.
Nagspin na ng bottle si Gelo at tumapat naman ito kay Scarlette.
"Scarlette! Ito na ang pagkakataon mo para sabihin ang katotohanan. Pero dahandahanin mo lang para maintindihan namin." tawanan ulit kami kay Gelo. Ang kulit talaga..
"Fine! Susubukan ko. Haha. Well actually, the reason why I left California is because Luke and I broke up. He's my boyfriend for 6months. But I thank this guy over here, Nico, for being such a good friend to me. And he's helping me para maka recover sa break-up namin ni Luke." mukhang may side story din tong dalawang to ah.
Madaming nagyayari ngayon. Bawat isa ay may sarili ng kwento.
Si Mae at Romeo nagbreak na. Si Josh naman liligawan daw si Mae. Tapos si Kevin crush si Scarlette. Si Christian nagpropose kay Jak. Si JayJay naman, ayun, ipinahayag ang walang hanggang pagmamahal nya kay Fae.
Lahat ng yan ay nailabas dito sa larong pinauso ni Scarlette, ang Moment of Truth. Maaaring sabihin na trip lang to o laro lang to. Pero para sa amin, ito ang naging way para malabas namin ang mga gusto naming sabihin. Ang mga bagay na ngayon lang namin napag lakas loobang aminin.
Tatlo nalang ang hindi pa nakakapag salita. Ako, si Matthew at si Sean.
Nagspin ulit ng bottle at natapat ito kay Sean.
"Sean, this is your chance to tell her the truth. I know that you have a lot to tell and I'm here to support you." mahinahong sabi ni Scarlette kay Sean.
Pero anong ibig nyang sabihin dun? Naguluhan kaming lahat at parang silang dalawa lang ang nagkaintindihan doon.
Ano nga kaya ang truth na irereveal ni Sean?
********************
WAAAAAH!!! Ayan na, ang katotohanang ibubunyag ni SEAN! Next chapter na yan..
^,~
meet the barkada ----->
INOUE MAO --> ANNE JILLIE DELA CRUZ (AJ)
JUN MATSUMOTO --> LEVI SEAN DE VERA
NINOMIYA KAZUNARI --> MATTHEW CORTEZ
HARUMA MIURA --> ANGELO PADILLA (GELO)
YUI ARAGAKI --> ANA ANDRADA
KII KITANO --> SCARLETTE LINDSEY DE VERA
IKUTA TOMA --> KEVIN BUENAFE
KOIKE TEPPEI --> NICO LUCELO
KEIKO KITAGAWA --> MAE DIZON
MUKAI OSAMU --> JOSH DELA FUENTE
ERIKA SAWAJIRI --> FAE DEL ROSARIO
NISHIKIDO RYO --> JAY JAY SAYO
ERIKA TODA --> JAK SORIANO
YAMASHITA TOMOHISA --> CHRISTIAN RAMOS
ang gaganda at gwapo no? ^,~
>ichigo_love
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Teen FictionSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...