CHAPTER 3: the BESTFRIEND

61 3 2
                                    

**AJ'S POV**

"AJ anak! bumangon ka na dyan! baka malate ka nanaman!" sigaw ni mommy habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Opo, babangon na!" sagot ko naman..

Haaayz, grabe.. feeling ko hindi nakatulong ang pagtulog ko para mawala ang pagod ko kahapon.. Grabe naman kasi yung Sean na yun! Gawin ba naman kasi akong maid?? Ang laki ng bahay nya tapos pinalinis nya saakin? At ako pa talaga ang inutusang magluto! The heck! Eh hindi nga ako marunong magluto eh.. tssk.

Naligo na ako at nagbihis. Bumaba at nag almusal..

"Good morning Mommy, Daddy!" bati ko sa kanila..

"Good morning baby! Bakit ganyan itsura mo? muka kang panda?" Concerned na tanong ni daddy..

"Wala po yan dad, medyo napagod lang ako kahapon, dami po kasing school works.. Nastress na tuloy ako.." Pagpapalusot ko..

"Oo nga pala anak, nagpunta ang mga kaibigan mo dito kahapon at nabalitaan ko ang nangyari sayo kahapon. Wag kang msaydong magtitiwala sa mga hindi mo kakilala, mahirap na ang panahon ngayon, baka hindi mo alam masamang tao pala yun" sabi ni mommy habang nilalagay yung plate ng bacon sa table.

"Wag kayong mag alala mommy, malaki na po ako, kaya ko na ang sarili ko."

"Sige, sabi mo yan ha, basta sinasabihan lang kita." -mommy

"Pero anak, tandaan mo, masyado ka pang bata tapusin mo muna ang pag aaral mo bago ka mag boyfriend kahit gwapo pa yung lalaking yun. Bata ka pa para mag asawa at mag kaanak, malulungkot ako pag iniwan mo kami ng mommy mo at pinagpalit sa iba.. huhu.. hanggang crush ka lang muna ha." OA na pagsabi ni dad habang may paiyak iyak pang drama.

"Saan nyo naman po nakuha yang chismis na yan daddy? Ang OA lang ha, wala nga po akong manliligaw pano ako magkakaron ng boyfriend, ng asawa at anak? And don't worry dad, alam ko naman pong hanggang crush palang ako pwede, pero pwede naman po siguro kung marami akong crush di ba? hehe" pabiro kong sabi kay dad.

Pagkatapos kumain ay umalis na ako ng bahay..

Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na isa na akong PERSONAL MAID!! Baka magwala sa galit itong daddy ko.. Alam nyo naman na prinsesa ako nyan..

Tinignan ko ang kamay kong may mga paso at naalala ko ang nangyari kahapon.

**FLASHBACK**

"Aakyat muna ako sa room ko, make sure na pagbalik ko nakahanda na ang dinner ko" tumalikod na si Sean at umakyat sa room nya.

"Psh, monster ka talagang Sean ka! Ni hindi ko pa nga nagawan ng dinner ang sarili ko tapos ikaw gagawan ko? Haaay nako talaga!" Nagdadabog akong nagpunta sa kusina ng bahay ni Sean.

"Hmm, matignan nga muna ang laman ng ref ng lalaking ito.." binuksan ko and I was surprised sa nakita ko.

Sobrang obvious naman na mag isa lang sya dito.

Ang laman lang naman ng ref nya ay eggs, bacon, hotdog, icecream. Yun lang, don't tell me ito lang palagi ang kinakain nya? O baka naman dahil paubos na ngayon ang laman ng ref nya at hindi pa sya nakakapagshopping?

Kung ano pa man ang misteryo sa laman ng ref ni Sean ay wala na akong pake, dahil mukhang mas mapapadaling matapos ang problema ko sa pagiging maid nya kung lalasunin ko nalang sya! Brilliant Idea AJ! Bwahahaha.. >=D

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon