CHAPTER 11: Tour (part1)

44 1 1
                                    

Tumunog na ang alarm namin. 3am na at gising na kami. Naligo na at nagbihis.

Feeling ko hindi naman ako masyadong nakatulog. Excited kasi. Hehe.

"Wow AJ! Ang cute naman ng damit mo!" sabi ni jak.

"Talaga? Si Mat kaya ang bumili sa akin nito. Sabi nya suot ko daw sa tour."

Sinuot ko yung yellow spongebob tshirt ko na binili ni Matthew, tapos white shorts at yellow chucks.

Pinaghanda na kami ni mommy ng breakfast. Pati sya maagang gumising.

Syempre todo bilin naman sya na mag ingat kami dun at wag mag pasaway.

Dumating na si Sean ng 4am.

Aba, ang pogi ng mokong! Naka gray shirt sya tapos vintage style na pants. Simple pero ang lakas ng dating.

Tinulungan kami ni daddy na ilagay yung mga bags namin dun sa van.

"Okay na ba lahat? Baka may nakalimutan kayo ah." tanong ni daddy ng mailagay na nya ang huling bag sa loob ng van.

"Okay na po dad!" sabi ko naman sa kanya ng macheck kong kumpleto na ang bags namin

"Oh sige babye na sa inyo! Ingat kayo dun ah! Sean, ikaw ng bahala dito kay AJ."

"Sige po" sagot naman nya.

Nagkiss na ako kay mommy at nagpaalam.

"Wag mong kalimutan mag text ha baby!" hinug na ako ni daddy.

Sobrang mamimiss ko sila. First time kayang malalayo ako sa kanila ng matagal. 5days din to ah.

I kissed them both and say goodbye for the last time.

Pati sila beybs at Sean nagpaalam na.

Papunta na kami sa bahay nila Matthew.

Sabi ko kay Sean daanan na si Matthew sa bahay nila para hindi na dalhin ni best yung kotse nya tutal pagkabalik ng bus sa school ay diretso na kami sa Pangasinan.

"Master, pano nga pala si Scarlette mamaya?" i asked him.

Kasi sasama nga si Scarlette sa Pangasinan di ba.

"Magpapahatid nalang daw sya sa driver mamaya kapag nakabalik na tayo sa school"

"Huh? May driver sya?"

"Oo, nagpadala si dad ng driver nya. Spoiled kasi yung batang yun."

"Oh i see.."

Papasok na kami ng village nila Matthew. Kaya tinawagan ko na sya na malapit na kami sa bahay nila.

Nang marating namin ang bahay ni Mat ay naghihintay na sya sa tapat ng gate nila.

"Ui AJ! Magkapareho kayo ng damit ni Matthew?" tanong ni Fae.

"Oo, sya nag request na mag pareho kami ng outfit today!"

"Ang cute! Parang couple lang ah"

Bumaba ako ng van para lapitan sya.

"Good morning best!" niyakap nya ako.

"Morning Mat! Bakit yumayakap ka pa dyan huh?" kunware tinatarayan ko sya pero deep inside kinilig naman ako dun. Hehe.

Syempre ang aga aga yakap kaagad ni Matthew! Haha..

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon