2days had passed at bukas na ang tour namin! Yahoo! Super excited ko na talaga.
Inaayos ko na lahat ng mga dadalhin ko. From clothes to mga kaekekan sa buhay.
Nagring ang aking phone at tinignan ko kung sino ang tumatawag..
-Ana Beybs Calling-
"Yes beybs?"
(Papunta na ko dyan..)
"Huh, aga naman? 4pm plng ahh."
(Eh, haha, gusto ko ng pumunta eh.)
"Hehe, sige ikaw bahala. Text ko nlng yung iba."
(Okie cge.. Bbye)
"Ingatz!"
I hung up the phone at tinext na ang iba.
To: Fae beybs, Mae beybs, Jak beybs
Papunta n daw c Ana dito sa bahay. Wait nlng namin kau ah!
-end-
Kung nagtataka kayo kung bakit sila pupunta dito, yun ay dahil mag oovernight sila dito sa amin para sabay sabay na kami bukas papunta sa school.
Magpapasundo na din kami kay Sean para sabay kami sa kotse nya. Yung van kasi nila ang gagamitin namin papuntang Pangasinan.
"Anak, may bisita ka!" tawag sa akin ni mommy.
"Bababa na po!"
Ang bilis naman ni Ana? Kakatawag palang nya sa akin ah?
Pagbaba ko ay hindi naman pala si Ana ang dumating.
"Best! Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong kay Matthew na kausap mommy.
"Binibisita ka masama ba?" >3<
"Hindi naman.. Hehe.." Umakyat muna kami sa room ko para maipagpatuloy ang pag aayos ng gamit ko.
Sanay naman si Matthew na tumambay dito sa kwarto ko eh. Kapag wala kasing pasok noon lagi syang nandito.
Mas nagiging close kami ni Matthew ngayon kasi sinusulit namin yung time na parati kaming magkasama. May time kasi na inaabuso ni Sean ang pag stay ko sa bahay nila.
Mula uwian hanggang 10pm ay nag iistay ako sa kanila.
Kung anu-ano lang naman ang ginagawa namin dun. Minsan naglalaro ng guitar hero, o kaya nagkwekwentuhan kami ni Scarlette. Pero ang madalas ko talagang binibisita sa kanila ay yung mga halaman na itinanim ko sa garden nila. Every morning talagang pumpunta ako sa kanila para diligan ang mga halaman sa garden.
"Best ang dami mo namang dala! Isang linggo ka ba sa Panggasinan?"
"Hindi naman, pero okay nang magdala ako ng extra clothes kesa naman kulangin ako sa damit."
"Parang kulang nalang ay buong kwarto mo na ang dalhin mo."
"Kulang pa nga talaga yang mga dala ko best eh.. Nga pala, yung mga pagkain natin? Kumpleto na?"
"Opo, chineck ko na kanina. Eh yung outfit natin bukas?"
"Naka ready na din po!" ^___^
Nakakaexcite talaga yung outfit namin ni Matthew. Pereho kasi kami ng damit na isusuot. From tshirt to shorts and to shoes!
Maya maya pa ay nagdatingan na sila Ana, Fae, Mae at Jak.
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Подростковая литератураSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...