CHAPTER 15: GELO x ANA (Side Story)

34 1 0
                                    

**GELO'S POV**

Hello sa inyo! Ako nga pala si ANGELO PADILLA, ang katropa ni Matthew. Makulit ako kapag kasama sila but I have another side kapag mag isa lang ako. It is the SERIOUS SIDE of Gelo.

Masaya ako dito sa extended tour kasi bukod sa kasama ko ang tropa ko ay makakasama ko si Ana, of course with her friends.

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa Pangasinan. Okay naman dito. Fresh air nga eh, ibang iba sa Manila.

Nag aayos kami ng tent para paglagyan ng pagkain at ibang mga gamit pag swimming namin mamaya. Medyo malayo kasi yung part na pagswiswimmingan namin mula sa bahay nila Ana. Mas maganda daw kasi sa part na to, pero walking distance lang naman.

Halos patapos na din kami sa pag aayos ng dumating ang mga girls dala ang mga pagkain. Puro mga chips, soda at juice ang dala nila. Kamusta naman yun di ba? Di man lang nagdala ng kanin at ulam. Malakas kaya kaming magutom na mga boys. >____<

"Okay na ba yan guys?" Lumapit si AJ sa amin. Sya ang nagtanong dahil sya ang pinaka madaldal sa grupo nila.

Nagmana sya sa kadaldalan ng bestfriend nyang si Matthew. Buti nga hindi pa nahahawa sa katahimikan ni Levi ang babaeng yun eh.

"Oo okay na to." Sumagot naman si Josh.

Nilapag na nila ang mga pagkain na dala nila dun sa table

"Best tara na dali!" Narinig kong pagyaya ni AJ kay Matthew at tumakbo na sila papunta sa tubig ng dagat.

"Tss." Narinig kong reaction ni Levi. Problema nun? =___=??

"Kyaaaaa!" Nakarinig kami ng sigaw ng babae kaya napa takbo kami papunta doon. Si Levi ang bilis tumakbo kaya nauna sya kaagad.

Pagtingin namin, si AJ lang pala, naka upo sa dagat at basang basa. Na out of balance siguro at natumba. Si Matthew naman tinatawanan lang sya.

Gumanti tuloy si AJ at hinila si Matthew kaya natumba din ito at basang basa na. Eto talagang magbestfriend na to, parehong sira ulo eh.

Nakita ko naman ang inis na reaksyon ni Levi ng makita nya ang dalawa. Tapos bumalik na sya dun sa may tent.

Ang weird nun.

Naramdaman ko ang paglapit ni Ana sa tabi ko.

"Uhm Ana, salamat ulit kahapon ah."

"Ano ka ba, wala yun no! Sige, swimming lang ako ah."

"Sure. ^____^" lumakad na sya papunta dun sa mga kaibigan nya. Mukhang naglalaro sila ng habulan eh.

"Guys! Wag kayong masyadong lumayo ah!" Sigaw ko sa kanila.

Kami nila Josh at Levi ang magsisilbing lifeguard nila. Magagaling naman kami magswimming kaya okay lang.

Dapat kasama dito yung isang gunggong na si Kevin, kaya lang ayun eh, sumama sa kanila. Nagpapapansin ata kay Scarlette, crush nya kasi.

Habang nakatulala ako dito ay naalala ko ang nangyari kahapon.

*FLASHBACK*

Nandito kami ngayon sa bayan. Mamamasyal at bibili na din kung ano man ang magustuhan namin.

Kasama ko sila Matthew, Kevin at Josh. Humiwalay kami sa iba dahil bibili daw kami ng beer para bukas pag nag bonfire kami.

Tuwang tuwa ako sa mga nakikita ko. May peryahan kasi dito. First time kong makakita nun dahil wala namang ganyan sa Manila.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon