**AJ'S POV**
Uhh, umaga na pala. Dito na kami nakatulog ni Sean sa kubo. Sobrang late na kasi kagabi at baka makita kmi nung mga gangster na yun kung lalabas pa kami.
Magkatabi kami ngayon ni Sean, yung braso nya ang nagsilbing unan ko. Hala baka nangalay na sya. Kawawa naman.
Speaking of Sean. Nagtapat sya sa akin kagabi and I was super shocked, in a way na dumug-dug-dug-dug yung puso ko. Hindi ko alam ang irereact ko dahil hindi ko naman akalain na may nararamdaman syang ganun para sa akin.
Naguguluhan din ako dahil alam nyang may gusto ako kay Matthew pero gusto pa rin nyang hayaan ko sya na mahalin nya ako. Hindi ba sya masasaktan sa gagawin nya?
Gusto ko si Matthew at mahalaga din sa akin si Sean.
Kapag pinursue ko si Matthew, pano na si Sean?
Hindi ko alam kung kaya kong mahalin sya pabalik dahil nga meron pang nilalaman ang puso ko sa ngayon.
Tinititigan ko ang mukha nya. makinis na balat, mahabang pilik mata, matangos na ilong at kissable lips. Gwapo talaga si Sean. Kaya nga marami syang fan girls.
Pero hindi lang sya basta gwapo. Mabait sya kahit minsan snob yan. Maalalahanin kahit minsan masungit. Maalaga kahit minsan tinotopak.
Tama, bipolar kasi yan. Minsan masungit, minsan mabait. Pero yun nga ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Dahil in the first place, hindi sya mahirap mahalin.
"Stop staring." nagsalita sya ng nakapikit. Nag sleep talk ba sya? O gising na sya?
Napatigil naman ako sa pagtitig sa features ng mukha nya ng dumilat na sya. Gising na nga.
"Good morning Sean." I smiled at him. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.
"Good morning. We're gonna go home now." hmp, ano nanaman nakain nya at nag eenglish nanaman sya. di na ba yun maaalis sa kanya? Pati kasi ako nahahawa na sa kanya. ~>_<~
Babalik na kami sa bahay nila Ana at baka nag aalala na sila. Nagugutom na din kasi ako.
Wala man lang kaming dalang pera. Yung cellphone naman namin pareho ng lowbat, di tuloy namin sila macontact.
Naglakad lakad kami, buti nalang may tricycle kaya sumakay na kami. At ang mas good news pa ay alam nya ang bahay nila Aling Mara ay Mang Jun. Hindi naman kasi namin alam yung address nila.
Hinatid na kami ni manong drayber ng tricycle hanggang sa bahay nila Ana. Hindi na nga kami pinagbayad dahil dun din naman daw ang daan nya.
"AJ! Levi!" tumakbo silang lahat papunta sa amin at niyakap ako. Haha, oo ako lang, umiwas kasi si Sean, maarte, ayaw pa yakap.
"Buti naman at nakabalik na kayo! Saan ba kayo nakarating?" nag aalalang tanong ni Fae.
"Mahabang istorya." sagot naman ni Sean.
"AJ BEST! Nag alala ako sa'yo ng sobra! Akala ko kung napano ka na. Hindi ako makakain at makatulog dahil wala ka pa. Tinatawagan kita hindi ka naman sumasagot." hinawi sila ni Matthew para mayakap ako ng solo. Bakas sa boses nya yung sobrang pag-aalala.
"Haay nako AJ! Yang bestfriend mo kagabi pa nag aalala sa'yo. Hinanap ka nya tapos nag stay sya sa labas ng bahay, baka daw kasi dumating ka na."
"Naku, eto talagang bestfriend ko.Okay na po ako ah." niyakap ko din sya.
"Teka AJ, bakit may sugat ka nanaman? Hoy Levi! Anong ginawa mo dito ha?" ibinaling nya ang tingin nya kay Sean at parang nagiging monster na si Matthew.
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Teen FictionSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...