**LEVI SEAN'S POV**
Ang boring naman ng tour na to.
Wala akong ibang makausap.
Yung katabi kong si Josh isa pang tahimik na katulad ko, paano kami mag dadaldalan?
Yung mga maiingay ko naman na fans, hanggag dito ay sinusundan ako at hindi ako tinitigilan kahit na itaboy ko pa sila.
Si AJ naman busyng busy kay Matthew.
Haaaay. Ano ba yan. Wala na nga akong ibang ginawa sa bus kung hindi matulog, pati ba naman dito sa labas ay matulog nalang ang pwede kong gawin?
Wala akong choice kung hindi ang maglibot dito sa Ranch na to. Ano nga bang pangalan nito? Hindi ko maalala dahil hindi ko naman napakinggan yung tour guide kanina. =_____=
Sunod lang ako ng sunod sa mga kaklase ko at nakapasok ako ngayon dito sa butterfly garden.
Maglilibot na nga lang ako. -_____-
Buti pa ang mga butterfly na to. Walang ibang iniintindi kung hindi ang lumipad at mangolekta ng nectar.
Samantalang ako ang dami kong problema. Actually hindi lang madami kung di malaki pa.
Oo, malaki at ang pangalan ng problema ko ay AJ.
Speaking of that girl, nakikita ko sya ngayon.
Masaya sa piling ng bestfriend nyang si Matthew.
Likod lang nya ang nakikita ko kaya hindi ko alam kung anong ginagawa nila.
"Best.. wag.." huh? anu daw? bakit parang kinikiliting ewan yung boses ni AJ?
"Kaya mo yan.." narinig ko naang sabi ni Matthew na parang hawak ata ang kamay ni AJ.
Hindi ko sila nakikita ng maayos dahil medyo malayo ako sa kanila. Yung likod ni AJ ang nakaharap sa akin, pero yung mukha ni Matthew kitang kita ko naman.
"Hihi, nakakakiliti!" aba, at tumatawa pa sya? Ano nga kayang ginagawa ng dalawang to? Nacucurious ako. pero ayaw kong lumapit, baka sabihin pa nya chismoso ako.
"Hehe, di ba, hindi naman sila harmful best, kaya mag peace na kayo. Wag mo na silang katakutan."
"Oo nga. Sorry butterflies.."
Ahh, butterflies lang naman pala, akala ko kung ano na.
Tinawag na sila ni Ana para bumalik sa bus.
"Levi, tara, balik na daw tayo sa bus." hindi ko napansin na lumapit pala sa akin tong si Josh.
Bumalik na kami sa bus. Papunta naman kami sa Subic.
Aish, hindi na ba matatapos itong araw na to? Napapagod na ako.
*ringring*
Sino naman kaya tong nang iistorbo na to?
I accept the call without looking kung sino ang tumawag.
"Sean! How was your tour? Are you having fun?" hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ang tumawag. Sa boses, energy at english palang ay alam ko na kung sino ito.
"You're disturbing my sleep Scarlette."
"I'm sorry, anyway, are you enjoying there?"
"Of course I'm not. It's so boring and tiring."
"Of course it's tiring! You're on a tour."
"Nah, anyway I'm going back to sleep now."
"Okay! Don't be a loner there Sean! Enjoy!"
Uhh, nang istorbo na nga nang asar pa? Eh ano kung loner ako? Gwapo naman. Haha.
Anyway, nasaan na ba kami?
"Josh, where are we?"
"At the bus?" sarcastic nyang sagot.
"Nice try, but it's not funny. Seriously?"
"We're in Subic na daw."
Tss, sa Subic na? Ibig sabihin ay bababa nanaman kami.
We ate lunch and then pwede na daw mag swimming sabi nung prof na kasama namin.
Ang daming mga studyante ang nagpalit na ng mga pangswimming nila. But i'm not interested to swim. Mangingitim lang ako.
I sat under a shady tree. Dito nalang ulit ako magpapahinga.
I put on my earplug at nakinig ng music sa ipod ko.
Okay din pala yung ganito. Tahimik, mahangin. Sarap magpahinga.
Okay na sana, kaya lang may umistorbo ng pagpapahinga ko at niyugyog ang katawan ko para gisingin ako.
"WHAT?!" I removed my earplugs and shout. Pagtingin ko si AJ pala.
"Kanina pa kasi kita kinakausap di ka man lang sumasagot. >3<" nakapout nyang sabi.
"I'm sorry, I didn't heard you."
Umupo sya sa tabi ko.
Himala ata hindi nya kasama si Matthew? Parati nalang kasi silang magkasama. Pati outfit para sa tour na to pareho. Nakakaselos na. I mean, nakakaasar na.
"Master, hindi ka ba magswiswimming?"
"Ayaw ko, mangingitim lang ako." Isinandal ko ang ulo ko sa puno.
"Tss, ang loner mo! Kaya nga may tour para mag enjoy tapos ikaw nag papaka emo."
"Paki mo ba? Dun ka na nga kay Matthew!" I removed my shades and look at her seriously.
"Bahala ka nga!" tumayo sya at nilayasan ako.
See? Makarinig lang ng Matthew iniiwan na ako.
Pero okay na din ata yung ganito. Yung mas nakakasama nya si Matthew. In that way, kahit papaano ay nakakaiwas ako sa kanya.
Seeing how happy she is now. Kailangan pa ba nya ako?
Do I need to be back in your life AJ?
Sinubukan ko nang lumayo sa'yo.
I tried..
At sa pag-subok kong layuan ka ay lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi ko kayang mapalayo ulit sa'yo.
I need you back AJ.
*****************
Whooopsy....
Si Levi Sean alam na ang salitang SELOS?
Haha, eh kasi naman si AJ lagi nalang na kay papa Matthew.
Pano naman si papa Sean?
Anyway, nacucurious ka na ba kung ano ang sinasabi ni Sean? Anong ibig nyang sabihin sa "DO I NEED TO BE BACK IN YOUR LIFE AJ"? Does that mean that Sean was a part of AJ's past? Eh bakit wala namang nakwento ang madaldal nating bida?
Hindi bale. Malapit nyo nang malaman ang REVELATION ni Sean.
>ichigo_love
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Teen FictionSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...