CHAPTER 18: Broken Promise

23 1 0
                                    

(Play the song at the side while you're reading.)

**AJ'S POV**

Hindi ako maaaring mag kamali. Si Sean ang batang nakilala ko noon. At ako, ang batang tinutukoy nya sa kwento nya.

Ngayong alam ko na sya ang batang lalaki na yun. Isa lang naman ang tumatakbo sa isip ko.

Kailangan kong malaman..

"Levi.." Naiiyak na ako dahil bumabalik nanaman yung sakit na naramdaman ko noon.

Ang sakit mula sa mga pangyayaring hindi ko na ninais na maalala pa.

*FLASHBACK*

(11 years ago)

Excited akong magpunta sa park dito sa loob ng village. Maglalaro kasi kami ulit ni Levi. ^___^

Mula nung nawala si Larry, si Levi na ang naging kaibigan ko. Parati kaming magkasama at naglalaro sa park.

Kapag kasama ko sya nakakalimutan ko yung lungkot na nararamdaman ko mula sa pagkamatay ni Larry.

3:30pm na. Maya maya lang ay magkikita na ulit kami ni Levi sa Park.

Bumaba na ako para ayusin yung miryenda na dadalhin ko para sa amin ni Levi.

Naghanda si mommy ng onigiri. Japanese riceball sya na may tuna flakes sa loob.

Okay to para pag nagutom kami sa paglalaro ay may kakainin kami.

"Mommy! Alis na po ako!" kiniss ko na si mommy at nagpaalam na sa kanya.

"Sige anak, mag iingat ka ah. At umuwi ka kaagad ng 6pm."

"Okay po!" lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa park ng village.

2hours lang ang meron kami para makapag laro. Ang tapos kasi ng school ko ay 3pm. Kaya 4pm palang kami pwedeng magkita.

Nagmadali ako sa paglalakad para makarating kaagad sa park. Excited na kasi akong magkwento at makipaglaro sa kaibigan ko.

Nang makarating ako ay wala pa si Levi. Nakakapagtaka naman dahil parati syang nauuna sa akin. Hmmm, baka napaaga lang talaga ako ngayon?

Naupo muna ako sa bench na parati naming inuupuan. Nakasave na nga ata yung pangalan namin dito eh.

Isang oras na ang nakakalipas at halos nakita ko na ang lahat ng taong nagdadaan dito pero wala pa ding Levi na dumarating.

Naghintay pa din ako.

5:30pm

Levi, nasaan ka na ba? Nag aalala na ako sa'yo. Anu na bang nangyari sa'yo ha? Late na Late ka na! Bahala ka, kakainin ko na tong niluto ni mommy! >_______<

6pm

Levi, nagpromise ka sa akin di ba? Sabi mo hindi mo ako iiwan? Sabi mo ikaw na ang friend ko? Pero nasaan ka na? T__T

7pm

Levi, iiwanan mo na din ba ako? Iniwan na ako ni Larry. Pati ba naman ikaw? T^T

8pm

Levi, dumating ka naman please. Wag mo akong iwan. Masakit ang mawalan ng kaibigan. Wag mong gawin sa akin to please.TT^TT

"AJ!"

lumingon ako sa tumawag sa akin.

"AJ anak! Nag alala kami sa'yo ng mommy mo! Anong oras na bakit hindi ka pa umuuwi?" Lumapit sa akin si daddy at niyakap ako.

Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon