*AJ'S POV*
Ilang araw na din ang nakalipas mula nung break up nila Ana at Carlo.. Kahit papaano nakakamove on na naman si Ana, pero ramdam mong malungkot pa din sya.
Sila beybs naman ayun, going strong pa din. Si Christian at Jak lambingan ever. Si Fae at JayJay naman, away bati. Si Mae at Romeo, ewan ko. Magulo silang dalawa.
Si bestfriend naman may pinoproblema ata. Lagi kasing lutang. Tapos ang lalim ng buntong hininga. Tinanong ko naman sya kung ano yun, baka sakaling makatulong ako. Pero ngingiti lang sya sa akin at sasabihing wala yun, okay lang sya. Miss kona nga si Bestfriend kasi hindi na kami masyadong ngkakasama kapag uwian.
Kung hinahanap nyo naman si Sean, wala na po sya. Kinuha sya ng mga alien mula sa planetang Mars! Haha, jowk lang. Kasi naman, ang sama kaya nya! Pinapahirapan nya ko sa paglilinis ng bahay kasi nga hindi naman daw ako nagluluto. Lahat ng sulok ng bahay nya nalinis ko na nga eh. Pati yung garden sa gilid ng bahay nila nataniman ko na ng kung ano ano. Sayang kasi, pano matatawag na garden yun kung wala man lang halaman at flowers di ba?
Sya nga pala, Ngayon ang araw na ako tuturuan ni Sean magluto. Dapat last week pa, kaya lang masyadng maraming nangyayari kaya nadelay ng nadelay.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nya. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa. Eto yung susi ng bahay nya na binigay nya sa akin nung araw na ginawa nya akong maid officially.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at tinignan kung nasaan si Sean. Nalibot ko na ang ibaba ng bahay pero wala sya doon. Umakyat ako sa itaas para icheck kung nandoon ba sya sa kwarto nya.
I knocked on his door. Pero walang response.
"Sean, are you there?" Sinigaw ko sa pintuan habang patuloy sa pag katok pero wala talaga.
I touched the knob, hindi naman pala naka lock so i opened the door and step inside.
Sus, nandito nga ang mokong na ito at tulog na tulog pa.
Lumapit ako sa kama nya para gisingin sya.
"Master! Good morning! Bangon na dyan dali!"
Aba at hindi man lang umiimik?
"Uy MASTER! GISING NA KASI!" hinila ko yung kumot na nakatalukbong sa kanya, pero wrong move! Nakatopless kasi sya! Oh em gee! Ang aking virgin eyes ay magkakasala!
"Kyaaaa! Master!!" Napasigaw ako nang hilahin nya ang kamay ko at napahiga sa tabi nya. Pero hindi lang yun! Ipinulupot nya yung braso at binti nya sa akin!
"Ang ingay mo naman Maid eh!" nakapikit nya pang sabi habang nakayakap pa din sa akin.
Yung muka ko halos madikit na sa oh so hot nyang chest! Ay erase erase.. bad yun AJ! Kasi naman to eh! Bakit natutulog ng nakahubad? Pero hindi naman totally. Naka pajama sya na pang ibaba. At bakit ang bango nya? Ang firm talaga ng muscles! Ayyy! Siomai! ako ay nagkakasala! *sampal sa sarili* >.<
Itinulak ko sya at mukang napalakas. Nahulog kasi sya dun sa kabilang side ng kama.
"Araaaay! Ano ba yan? Ang aga aga ang gulo gulo mo?" =_____=++ hala ayan nagalit na si monster Sean
"Kasi naman po 8.30 na! Kanina pa kita ginigising ayaw mong bumabgon dyan!"
"Bakit ano bang meron ngayon?" (-.-)>Kinakamot pa nya ang ulo nya at hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakalaglag nya.
"Di ba usapan natin kahapon tuturuan mo ako magluto?"
"May pinag usapan ba tayong ganun?" Tinignan nya ako ng may pagtataka.
BINABASA MO ANG
Me, My Bestfriend, and My Master (ON-HOLD)
Teen FictionSi AJ ang babaeng kuntento nang mahal nya ang bestfriend nya ng patago. She was so sure of her feelings until she met a guy that made her his maid. Nagtapat si Master na gusto nya si AJ. What if madevelop ang feelings nya sa kanyang master? Paano na...