Chapter 1

139 16 2
                                    

"Manong wala na bang ibibilis yan?" nag aalalang sabi ko sa driver ng tricycle saka ulit ako tumingin sa screen ng cellphone ko, ilang minuto nalang kasi ay mag uumpisa na yung gig ni Aero. Hindi ako pwedeng malate, dapat first song niya nandun ako!. "Iyo na sukli!" mabilis kong sabi at mabilis na tumakbo papasok ng Resto.

"Huy! Kulang bayad mo!" bahagya akong napahinto at kinagat ko ang kuko ko ng marinig ko ang sigaw nung tricycle driver. Bahala na! Importante pa ba yan! Yung mister ko mag uumpisa na. Sorry po.

Nang makapasok ako sa loob ay napasungo ako ng marinig ko ang boses ni Aero. Nag umpisa na! Huhu wala akong kwentang asawa!.

Dibale! Ayos lang yan bawi nalang ako next time.

"Welcome to my life..."

Hindi ko maitago ang ngiti ko habang nakahawak sa dibdib ko ng ngumiti siya, ang gwapo talaga sarap i-uwi.

Hindi ako makapaniwala na ang gwapong lalaking kumakanta ngayon sa harap ng maraming tao ay bestfriend ko, oo bestfriend sa ngayon pero soon magiging akin rin yan! Period!.

Una ko siyang nakilala nung niyaya ako ng mga pinsan kong manuod sa battle of the band tapos kasali siya nun. Dahil mataas ang self esteem ko ay tinambangan ko siya sa backstage saka ako nakipag kilala sakanya.

Kind, smart, talented, tall and handsome! ano pa bang kulang!? Wala na! Pag naasawa ko siya mamumuhay na ako ng masagana. Pag naasawa ko siya, magiging mabuting mamamayan ako!.

Natigilan ako sa pag d-day dream ng biglang mag vibrate sa bulsa ko yung phone ko.

"Patay" mahinang sabi ko ng mabasa ang pangalan ni Mama kaya naman ay mabilis akong lumabas sa resto para hindi niya marinig yung boses ng husband ko.

Pag kalabas ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala na roon yung tricycle na sinakyan ko kanina. "Hello Ma"

"Anak, uwi ka ba ng maaga?"

"Uhm.. Ma, may meeting kasi kami sa report namin bukas e" palusot ko

"Oh sige, anong gusto mong ulam?"

"Uhm.. Fried chicken Ma" nakangiti kong sagot

"Okay Baby, ingat ha"


"Okay Ma, babay" paalam ko saka ko pinatay ang linya. Ang sweet talaga ni Mama ko. "Ay asawa ko!" naalerto ako ng maalala kong kumakanta pala si Aero. Agad akong pumasok sa loob ng Resto.

17 palang ako at 18 plus ang pwedeng pumasok sa resto na ito, bakit ako pinapapasok? Hm.. Hihi, siyempre kilala na nila ako. Bestfriend slash asawa ko kaya yung nag sabing papasukin nila ako, malakas kasi si Aero sakanila. Nakukulitan na rin siguro saakin si Aero kada hindi ako makakaattend ng gig niya. E paano umiiyak ako sa harap niya pag may napapalagpas akong gig niya. Masakit kasi e, sobrang sayang.

"Nandito ka na naman" ginulo gulo niya ang buhok ko ng makita niya ako. Umupo siya sa tabi ko at nilapag sa tapat niya ang kanyang beer.

"Masarap ba yan?" kunot noo kong tanong sabay sungo doon sa beer

"Ito?" hinawakan niya ang beer saka ininum habang nakatingin saakin "Masarap pero bawal sayo" taas kilay niyang dugtong

"Sabi mo pag nag college na ako, pwede na" nakasungo kong sabi

"Hindi na pala pwede" sagot niya naman

"Oh, nandito pala admirer mo e" biglang sulpot ni Kuya Brandon, kabanda niya.

Adik sa 'yo, Awit sa akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon