Inis na inis kong inalis ang choker na pinasuot saakin ng pinsan ko. Hindi ako makahinga! Para akong tuta!.
"Bakit mo inalis!?" reklamo niya at inirapan ko naman siya
"Parang tanga, ang bantot tignan!" sagot ko naman
"Sira! fashion kasi yun"
"Fashion ng aso oo!" inis kong sagot saka ibinaling ang tingin sa stage "Hindi pa ba mag uumpisa yan!?" iritang tanong ko
"Tara sa harap!" aya niya at hinila niya ako, sumunod narin yung iba pa naming kasama.
Nandito kami ngayon sa battle of the bands, masarap manuod ng mga ganito e kasi malaya kang makakapag rock and roll, party party, maki sing along kahit na basag ang boses kasi maski ikaw hindi mo rin maririnig ang boses mo sa sobrang ingay.
Kanta dito, kanta doon, gasgas na rin lalamunan ko dahil sa kakasigaw. Hindi mo mako-consider na kanta ang gonagawa ko, sumisigaw lang ako. Medyo basag boses ko e. Medyo lang!.
"Ayoko na sumigaw" share ko lang sa pinsan ko nung matapos na yung isang banda.
"Aero band!" sigaw nung Mc kaya naman ay agad akong napatingin sa stage.
"What the f*ck!" malutong na napamura yung pinsan kong bading ng makita yung--
Wait, yah mukang tama ang hinala kong yung naka gray shirt na lalaki yung tinitilian niya. Ang gwapo kasi! My gash.
"Aaahhh!!!!" sigaw ko with wagayway pa ng dalawang kamay "Notice me senpai! I love you!" sigaw ko pa papakabog ba ako!?.
"Magandang gabi po" literal na napanganga ako dahil sa lalim ng boses niya!. Mas malalim pa sa karagatan!.
Nahinto ako kakasigaw ng makita kong ngumiti ito, napahawak ako sa dibdib.
"Insan" wala sa sarili kong nasabi pero hindi niya ako naririnig "Pag ibig na ito"
Nang mag umpisa siyang kumanta ay nakompirama ko sa sarili ko na mahal ko na siya! Oo ganun kalala! Bakit ba! Basta mahal ko na siya ng buong buo!.
Winner sila!. Halata naman!.
Nang matapos ang contest ay nag kasundo ang braincells naming mag pipinsan na mag punta sa backstage para makapag papicture kay Fafa!. Di ko pa alam pangalan niya kaya Fafa muna, pwede namang baby kung bet niya hehe. Kinikilig ako.
"T*ngina andiyan na siya" kinikilig kong sabi sa pinsan ko ng makita ko siyang papalabas habang nag pupunas ng mukha at may gitara sa likod. "Kuya!" sigaw ko sakanya.
"Huy! Gaga ang ingay mo" suway saakin ng pinsan kong bading pero di ko pinansin.
Nahinto sa pag pupunas ng mukha si Fafa ng makita niya ako sa harap niya. Tinaas nito ang dalawang kilay niya. "Po?"
"Po ka diyan, fifteen lang ako, nbsb" nakangiting sagot ko at hinamoy ko ang buhok ko.
"Fifteen?" tipid siyang ngumiti at tumango naman ako "At pine-flex mo na nbsb ka? Tsk tsk. Grabe iba na kabataan ngayon" ngumiwi siya
"Ikaw? Ilang taon ka na?"
"Hm? Guess" nakangising sabi niya at sinampay ang bimpo niya sa balikat niya saka nag pamulsa.
"Hm.. Twenty?"
"I'm twenty four"
"Twenty four!?" sabay naming sabi ng mga pinsan ko.
Binilang ko sa kamay ko ang agawat namin "15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24..." ibinalik ko ang tingin sakanya "Pwede na!"
"Anong pwede na?" kunot noo niyang tanong
"Age doen't matter, anong pangalan mo?"
"Ayoko sabihin" nanliit ang mata niya "May magagalit"
"E? May jowa ka na?" salubong na kilay kong sabi at tinaas baba niya ang dalawang kilay niya.
Ok lang yan, mag be-break pa sila'
"Anyway" pag iiba ko ng topic "I'm Gabby, your number one fan" pakilala ko at nilahad ang isang kamay
Napakamot siya sa sintido "Ok, hi young lady, I'm Aero" nakipag shake hands siya saakin. Naramdaman kong hinihila na niya ang kamay niya kaya mas hinigpitan ko ang pag kakahawak doon at bahagya naman siyang natawa.
"Uy kami rin--" siniko ko yung pinsan ko para manahimik
"Sakim ka girl?" mahina kong sinipa yung isa para matahimik na.
"I like your voice but I like you more" nakangiting sabi ko at natawa lang siya "I like your smile too hihi"
"Sana magkaroon din ako ng confidence gaya ng sayo" sagot ni Aero "Pwede ko bang kunin ang kamay ko miss?"
Binitawan ko ang kamay niya "Can I get your number?"
"Pfft--"
"Ahe ahe!" naubo yung mga pinsan ko
"My number? Ah.." nag kamot ito sa ulo "I'm sorry but... tsk. Hindi e"
Sumibangot ako "Bakit?"
"Bawal po" sagot niya at nag pamulsa ulit "Gabi na, uwi na kayo"
"Ibigay mo nalang kasi number mo kuya ng makauwi na kami" sagot ng bading kong pinsan
"Birthday ko bukas" charot "As a gift nalang oh. Bigay mo na number mo, fan mo pa naman din ako" pag pupumilit ko
"Ah.. Advance happy birthday" bati niya
"Ano bang petsa ngayon?" rinig kong tanong ng pinsna kong bading kaya siniko ko siya.
"Sige na, number mo na please..."
"Ok, akin na phone mo" nilahad niya ang kamay niya at nilagay ko naman doon ang cellphone ko. "Siguraduhin mo lang na number mo yan ah! Pag hindi lagot ka sakin may kilala akong mambabarang, si Lourdes!"
"Hehe opo... Ito na nga po.." natatawang sagot niya habang nag ta-type sa cellphone ko.
Nang maibigay niya saakin ang cellphone ko ay mabilis kong tinawagan ang number niya. Nakita ko naman siyang may dinukot sa bulsa niya.
Keypad!?.
Ibinaling niya saakin ang tingin "Ikaw 'to?" tanong niya at tumango naman ako. "See" nakangising sabi niya.
"Yiiee... Thank you, last nalang! Papicture" mabilis kong sabi at ibinigay sa pinsan ko yung cellphone ko.
"Sali naman kami!"
"Saka na kayo!" sagot ko naman sa pinsan ko at mabilis na tumabi kay Aero.
"One two three! Smile!"
--
Habang nakatingin sa picture namin ni Aero ay hindi ko namamalayang tumulo na pala ang luha ko. Nilukot ko ito at tinapon sa nag liliyab na apoy.
THANK YOU
GOD BLESS
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...