Pinapanuod ko lang si Aero habang nag papaalam siya sa mga kabanda niya. Ang angas niya talagang tignan pag dala niya sa likod ang gitara niya. Inaabangan ko siya kasi, tuturuan na naman niya ako sa Accounting na subject ko.
Pag kalabas namin ay hinila niya ako, ako naman ay iginala ang paningin sa paligid at hinanap ang motor niya. Hanggang sa makasakay kami sa bus ay wala siyang imik.
"Nasan motor mo?" tanong ko kaya napatingin siya saakin
"Ah.. Sinangla ko"
"E!? Bakit!?"
Tinignan niya mga kasama namin sa bus saka ibinaling saakin ang tingin "Ingay mo"
"E bakit nga kasi?" nag aalalang tanong ko
"Pinambayad ko ng apartment, mababawi ko rin yun"
"Edi wala ka ng motor niyan" nakasungo kong sagot
"Malamang, kesa naman sa wala akong tirahan"
Oo nga naman.
Nang makarating kami sa apartment niya ay, inalis ko ang sapatos ko saka pumwesto sa baba ng kama, sa sahig saka inihanda ang mga gamit ko. Siya naman ay pumunta sa kabinet niya at hinubad ang damit.
Napalunok nalang ako at iniwas ang tingin sakanya. Ilang beses na niya yang ginawa sa harap ko, sanay na rin ako. We're friends walang malisya, daw tss.
"Mag shift na lang kaya ako?" malungkot kong tanong kay Aero kaya nahinto siya sa pag tuturo saakin.
"Ha?"
"Aero, wala akong magets" sagot ko at napabuntong hininga, hiniga ko ang ulo ko at ginawang unan ang dalawang braso ko. Nakadapa kami ngayon sa sahig.
Nandito na naman ako sa apartment ni Aero, napapaturo ulit ng Financial Accounting Report kasi malapit na ang semi final. Hindi na nakakakain ng utak ko lahat ng mga topic namin tapos sumasabay pa yung Law na subject rin namin. Hindi ko na kaya.
"Mahirap?" tanong niya at tumango naman ako. "Bakit, may madali bang course?"
"Wala" sagot ko
"Mas mahihirapan ka kung ganyan ka, umayos ka aralin natin itong adjusting entry--"
"Jusko Aero" pakiusap ko habang umiiling.
"Madali lang ito, sige na, pag bumagsak ka madidismaya ako sayo"
"At bakit?"
"Lagi kang nag papaturo saakin, tapos babagsak ka rin pala? Sayang effort ko"
Binangon ko ang ulo ko "Ito na nga, paano na nga ulit yan?" tanong ko na parang walang nangyari. May point naman siya, actually mas may natutunan pa ako sakanya kesa doon sa proof ko tss. Hindi lang kasi accounting ang tinuturo niya saakin, kundi tinuruan niya rin ako mag mahal. Hihi.
Dahan dahan ay mas nagegets ko ang mga topics, kasi magaling siya mag turo. Ba't 'di nalang siya mag apply sa Umiversity? Ay hindi pwede. Kasi mahirap yun lalo na kung magiging jowa ko na siya, bawal yun e.
"Galing ah"
Nginitian ko siya ng masagot ko ng tama ang pinasagot niya. Humiga siya at bumuntong hininga sabay tingin saakin.
"Bukas ulit ah"
"Pass ako"
Nawala ang ngiti ko "Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...