"Ano ulit sabi mo?" tanong ko sa lalaki
"Bakit? Diba pedophile yung tawag sa taong mahilig sa..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Batang kagaya mo--"
"At least may lovelife e ikaw wala!" sigaw ko sakanya at natigilan siya "Pogi kasi si Aero at malakas ang appeal kaya kahit bata adik sakanya e ikaw? Muka kang kulobot na bitter! Ampalaya!" dugtong ko pa
"Ano bang mali sa sinabi ko at inaaway mo ako?"
"Huwag mo akong gawing tanga kasi sa tono mo palang iniinsulto mo na boyfriend ko! Pakialam mo ba ha? Ah.. I see" pinag kross ko ang dalawang braso ko at tinignan siya ng pandidiring tingin "Hindi na ako mag tataka kung wala kang love life, wala kasing mag kakagusto sa kagaya mong pangit na nga ng ugali! Ampangit pa ng mukha! Haha! Muka kang takore na hindi nahugasan ng limang taon! Ampangit mo" narinig ko rin ang ibang tao na natawa.
"H-hoy--" tinuro niya ako at nakita ko si Aero na hinawi ang kamay niya.
"Tsk, 'wag mo nga siyang dinuduro" rinig kong sabi niya.
"Hindi ako pangit, pinag aagawan ako ng mga babae--"
"Babae? Baka bangaw? Mukha ka kasing tae!"
"Oh ok na ok na" natatawang awat saakin ni Aero at niyakap ang bandang tiyan ko para ilayo.
"Boo!!" kantyaw ng mga tao doon sa pangit na lalaking nabara ko. Akala niya ha.
Inamba ko sa lalaki ang kamao ko bago talikuran. Umalis kami sa stadium ng mainit ang ulo ko, feeling ko kulang pa yung panlalait ko sakanya, gusto kong laitin ang buong pag katao niya. Walang respeto ang isang yun, bastos at pangit!.
"Hindi mo nalang sana pinatulan"
Nag lalakad kami ngayon papunta sa kung saan, ewan ko ba kung saan kami pupunta, sumusunod nalang ako sakanya. Sa inis ko lutang ako.
"Patulan mo yung mga ka-level mo lang"
Inis ko siyang tinignan "Bata?" inis kong tanong
Umiling siya ng mabilis "Wala akong sinasabi, ito-- pati sakin nagagalit. Ang ibig kong sabihin yung mga kagaya mong may class, edukada, maganda, ganun"
Inirapan ko siya at pasimpleng napangiti, pinindot niya ang pisngi ko "Tse" malumanay kong sabi.
Inakbayan niya ako "Kain tayo" aya niya at tumango naman ako.
May bukas pa namang restaurant kaya doon na kami, medyo nakakaramdam ako ng pag aalala kasi mukang mahal dito. May pera naman siguro siya.
"Nga pala, mag la-laylo muna ako sa resto"
"Bakit?" takang tanong ko
"E.. Kasi, kailangan ko ng mag review"
Natigilan ako at kumunot noo "Review?"
Tipid siyang ngumiti "Mag ta-take na ako ng board exam"
Napanganga ako at tumayo saka niyakap siya sa likod. "Yiiee.."
Hinawakan niya naman ang braso ko "Wish me luck"
Hinalikan ko siya sa pisngi at nag ayos ng tayo "Sobrang proud ako sayo" sinserong sabi ko at umupo.
"Sabi ko naman sayo diba, aayusin ko lahat basta.." hinawakan niya ang kamay ko "Huwag mo akong iwan"
"Hindi 'yun mangyayari Aero" sagot ko naman at nilapag na sa table yung inorder namin.
Nang matapos naming kumain ay tumayo siya habang may hinugot sa bulsa niya. Parang kinakabahan ako kasi paano kung kulang ang pera niya, kaya naman tumayo ako para sundan siya handa naman akong gumastos e.
Pag katabi ko sakanya ay napansin niya ako.
"Thank you Sir" napatingin kami sa isnag staff at may inabot na card kay Aero. Bahagya naman akong nabigla, paano siya nag karoon ng cash card!?.
"Hm hm" sagot naman niya at ibinalik ang card sa kanyang wallet. "Tara?" aya niya at tumango naman ako.
Habang nag lalakad ay kumukuha ako ng lakas ng loob para mag tanong kung saan galing yung pera. Hanggang ngayon ay may toothpick parin sa bibig niya.
"Aero"
"Hm?"
"Kailan ka pa nag karoon ng Credit card?" tanong ko at tumingin ito saakin, inalis niya ang toothpick sa bibig niya saka tinapon kung saan.
"Kahapon inaya ako ni Mama na umuwi, sinabi ko na rin sakanila ni Papa na, mag ta-take na ako ng exam" ngumiti siya "Sobrang saya nila" napangiti ako at tumango "Hindi ko inexpect na ganun ang reaksyon nila, akala ko sesermonan ako e"
"Tapos?"
"Tinanong kung anong trabaho ko, tapos binigyan ako ng card, ilang beses ko tinanggihan kaso binigay parin"
"Edi, ok na kayo ng parents mo?" masayang sabi ko habang pumapalakpak "Sobrang saya ko" niyugyog ko ang braso niya.
Hinalikan niya ako sa noo "Buti dumating ka, kung hindi, hindi 'to mangyayari Gabby"
Nag pout ako "Anu ka ba, dahil sayo 'to lahat kasi.. Good boy ka--"
"Boy? I'm a man" inakbayan niya ako at hinalikan ulit ang noo ko. "Hay bakit ba kasi ang bata mo pa, gusto na kitang pakasalan"
"Pag 18 na ako, pakasal na tayo"
"Hindi pa pwede, pag graduate ka na"
Napairap ako sa kawalan.
Nag haharutan lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Ang hirap na naman mag babay nito kaasar.
"Bye" paalam niya sabay halik sa pisngi ko.
"Bye, I love you"
"I love you too" sagot niya
Humakbang ako paatras, hindi ko siya matalikuran, gusto ko nalang tignan muka niya nag damag. Bago ko masara ang pinto ay sumenyas na siya na aalis na siya at tumango naman ako.
Nang mawala na siya sa pwesto niya ay huminga ako ng maluwag. Natutuwa ako na bati na sila ng parents niya. Tapos soon to be CPA na rin siya, I claim it, alam kong papasa siya sa board exam dahil matalino talaga siya at maraming technique sa pag aaral na nasha-share niya rin saakin.
Pero ngayong kailangan niyang tumutok sa pag re-review baka, mabawasan ang time niya sakin. Well ok lang naman ako nalang ang gagawa ng paraan para magkaroom kami ng time sa isa't isa. Jusko ako pa ba! Dalawang taon na akong adik sa lalaking yun at habol ng habol ngayon pa ba ako bibigay dahil lang wala siyang time sakin?.
Ilang beses na akong nag confess kay Aero na gusto ko siya pero ilang beses na rin akong nareject, ang laging rason hindi kami pwede dahil sa ganun lang daw siya, walang full-time job, halos sampung taon ang agwat namin at hindi kami bagay. Kahit ganun, hindi ko siya iniwan.
At hindi hindi ko siya iiwan.
Itaga mo pa sa muka nung lalaking mukang tulok na nag insulto sa boyfriend ko tss.
THANK YOU
GOD BLESS
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...