Kabanata 1

485 22 1
                                    

Niean

    Ikinumpas ko ang aking mga mga kamay sa hangin at mabilis na lumikha orasyon.Unti-unting lumiwanag ang aking gawing harapan habang may namumuong mga butil ng enerhiya rito.Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa maabot nito ang sukdulang sukat.Wala na akong inaksayang oras pa at kaagad itong pinakawalan sa halimaw na kasalukuyang umaatake sa akin.

Kasabay nang pagpapakawala ng aking mahika ay kaagad akong sumirko sa ere at mabilis na hinugot mula sa aking tagiliran ang mahabang punyal.Yumanig ang buong palibot ng tuluyang maminsala ang aking mahika habang ako naman ay sunod na itinarak ang nasa kamay na punyal sa lalamunan nang papatakas na demonyong nagkatawang tao.

Sabay kaming bumagsak sa lupa ng naturang demonyo subalit sa pagkakataong ito ay nasa ayos ang pagkalapag ko.Umalingawngaw ang katahimikan sa paligid.Isang tanda na tapos na ang labang ito.Tumayo ako habang nanatiling nasa aking kamay ang mahabang punyal na may mga bakas pa ng kakaibang dugo mula sa demonyong aking napaslang.

Isang mahabang buntong-hininga ang siyang aking pinakawalan bago tuluyang maglaho ang mga labi ng mga demonyo sa aking mga paningin habang naiwan naman mula rito ang kanilang mga butil ng enerhiya na siyang tunay kong sadya kung bakit ko sila pinaslang.Maliban sa katotohanang hindi naaayon na manatili sa lupa ang mga demonyo,mayroon sa katawan ng mga demonyo ang mapapakibangan ko.Iyon ay ang kanilang mga butil ng enerhiya na pinagmumulan ng kanilang buhay at kapangyarihan.

Marahan kong ikinumpas sa hangin ang aking kamay at unti-unting lumipad patungo sa aking direksyon ang nagliliwanag na mga butil ng enerhiya na nakuha ko mula sa dalawang demonyong aking nakalaban.Pansamantala ko muna itong pinagmasdan bago tuluyang isinilid sa aking sisidlan.Nakalima ako ng butil ng enerhiya ngayong gabi.Marami-rami na rin ito bilang handog ko sa aming binabantayang banal na bagay mula sa nakaraan doon sa aming templo.

Ang pangalan ko'y Niean,isa akong mamamatay-demonyo.Iyon ang aking kinagisnang buhay,iyon ang dahilan kung bakit ano nanatiling buhay pa hanggang ngayon.

Lumaki ako sa isang templo dito sa Lungsod ng Kadadu na nasa pagitan ng pinakamatayog na bundok at langit.Musmos pa ako nang magawi sa lugar na iyon.Wala na akong mga magulang kaya inampon ako ng pinuno roon.Mula pagkabata ay sinasanay ako ng pinuno sa larangan ng paggamit ng mahika at pakikipaglaban.Magagamit ko raw iyon sa pagdating ng araw kung saan mangyayari ang matagal na binabantayan ng mga pinuno.

Pinagsisilbihan ko ang Diyos ng Buwan na si Bulan.Ayon sa mga kuwentong aking nababasa mula sa mga matatandang aklat dito sa templo,si Bulan ay mayroong katangi-tanging kagandahan na mismong ang Diyos ng Kailaliman na si Sidapa ay nagawa nitong mabihag.Minsan ng bumaba si Bulan dito sa lupa upang bigyang handog ang mga tao ng mga kagamitang aming magagamit upang maitaboy ang matagal ng kaaway ng mga tao.

Ang Bakunawa.

Ito ay isang uri ng sinaunang halimaw na siyang nasa likod kung bakit nag-iisa na lamang ang buwan na makikita sa kalangitan.Ayon sa alamat,nilikha ni Bathala ang sansinukob na mayroong pitong buwan na magsisilbing liwanag sa pitong gabi ng karimlan.Subalit ang Bakunawa ay nabighani sa kariktan nito kaya umahon ito sa Kailaliman at ang pagkahumaling nito sa buwan ay siyang nag-udyok sa kaniya upang lamunin ang mga ito.Dahil sa pangyayaring iyon,ang mga tao ay humingi ng tulong sa kay Bathala subalit wala itong ginawa upang matulungan sila,bagkus pinayuhan lamang sila na lumikha ng samu't-saring tunog upang maagaw ang pansin ng Bakunawa at muli itong bumalik sa kailaliman.Sa paraang iyon ay nagtagumpay sila subalit hindi iyon panghabang-buhay sapagkat iyon ay pansamantala lamang.

Ang Bakunawa ay walang hanggan ang buhay.Ito ay mabubuhay at mabubuhay sa mahabang panahon.

At ito ang kinatatakutan namin,ang muling pagbangon ng Bakunawa.

Tahimik kong binabagtas ang mahabang hagdan patungo sa kinalalagyan ng gintong instrumentong plawta.Ang naturang bagay ay nagtataglay ng makapangyarihang mahika na panlaban sa Bakunawa subalit sa pagdaan ng mga taon ay tila unti-unti na itong nawawalan ng kapangyarihan.At ang nakikita na lang namin na paraan upang muling makamit nito ang tinataglay nitong kapangyarihan ay handugan ng butil ng enerhiya mula sa mga demonyong malayang nabubuhay sa mundo't kumakalat nang kasamaan.

Umipon ako ng sapat na lakas sa aking kamay bago tuluyang itinulak ang malaking tarangkahan papasok sa bahagi ng templo kung saan naroroon ang kinalalagyan ng plawta.Agad na bumungad sa akin ang naturang bagay na nababalutan ng kakaibang kinang.Binuksan ko ang aking sisidlan kung saan unti-unting nagsiliparan ang mga butil ng enerhiya patungo sa plawta't nakiisa sa kinang na inilalabas nito.Isang tanda na nadadaragdagan na naman ito ng kapangyarihan.

Nanatili muna ako ng ilang sandali sa loob ng naturang silid bago sinimulang ihakbang ang mga paa palabas.Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas nang bigla na lamang yumanig ang buong paligid.Hindi lang basta pangkaraniwang pagyanig bagkus ito'y napakalakas na halos gumuho ang mga haligi ng templo.

Mabilis na kumilos ang aking mga kamay at kaagad na nagsambit ng orasyan.Kumalat ang gintong liwanag sa paligid at nagpormang kahon sa pagitan ko at ng gintong instrumento.

Tumagal ng ilang sandali ang pagyanig na iyon hanggang sa unti-unting bumalik sa dati ang lahat.May mga pinsalang natamo ang templo subalit nanatiling nasa ligtas na kalagayan ang plawta.

Ano ang pangyayaring iyon?.Ngayon lamang may nangyaring ganoong kalakas na lindol dito sa Kadadu.Naagaw ang atensyon ko nang marinig ko ang sunod-sunod na mga yabag papalapit sa aking kinaroroonan.Bumungad sa akin ang nababahalang mga mukha ng aking mga kasamahan at ni Pinunong Amok subalit kaagad na lumiwanag iyon nang mapansin ang aking pagkakakilanlan.

" mabuti't naririto ka nang maganap ang malakas na pagyanig ng buong lupain Niean " sambit ni Pinunong Amok.Unti-unti kong ibinaba ang aking kamay kasabay nito ang dahan-dahang pagkawala ng mahika sa paligid.Lumapit ako rito at nagbigay-galang.

" nagkataon lamang na kakatapos ko lang ialay ang aking nakuhang butil ng enerhiya sa gintong instrumento " pahayag ko.Sandaling binigyang senyas ni Pinunong Amok ang mga kasamahan na gawin ang kanilang mga tungkulin upang mapanatiling ligtas ang plawta.

" samahan ako sa paglalakad Niean " kaswal na alok ni Pinunong Amok sa akin.Tanging pagtango lang naman ang naging tugon ko rito.

*****

" bakit nangyari ang ganoong kalakas na pagyanig sa kalupaan gayong hindi naman ito nangyari sa ating lugar ilang daang taon na rin ang nakararaan " tanong ko sa pinuno habang naglalakad sa kahabaan ng konkretong daan ng templo.Kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito waring napasailalim ito sa matinding kaisipan.

" pinuno? " tawag ko sa atensyon nito.

" ano iyon? " aniya ng makabalik sa sariling ulirat.Tama nga ang hinala kong malalim ang iniisip nito.

" ang sabi ko po bakit bigla na lamang nangyari ang pagyanig na iyon gayong ang ating lugar ay wala namang naitatalang ganoong kaganapan ilang daang taon na rin ang nakararaan " pag-ulit ko sa naunang pahayag.Bahagyang tumigil ang pinuno at tiningnan ako.Waring nagtataka kung bakit iyon ang aking naging tanong sa kaniya.

" sapagkat ang mundo ay hindi permanente Niean,hindi ibig sabihin na walang nangyayaring kalamidad sa ating lupain ay panghabang-buhay na iyon,ang mundo ay nagbabago,ang panahon,oras,tao...lahat na nilikha ay nagbabago " aniya.Wala akong nagawa sa naging tugon ni Pinunong Amok kung hindi ang mas lalong maguluhan.Hindi ko talaga siya maunawaan.Ang kaniyang kaisipan ay tila hindi angkop para sa akin na pangkaraniwan lamang.

Sinabayan ko na lamang ito sa kaniyang paglalakad.Kanina ko pa napapansin na tila mayroon talagang iniisip si Pinunong Amok,marahil may kaugnayan iyon sa kaganapan kanina.Minsan na rin namang sumagi sa aking isipan na may tinatagong misteryo ang nangyaring kaganapan kanina.Madalas kong gugulin ang aking oras sa silid-aklatan nitong templo at madalas kong basahin ay ang kasaysayan nitong Lungsod ng Kadadu.Ganoon din madalas ang ginagawa ko sa pampublikong aklatan kung saan nahihilig kong basahin ang mga talaan ng iba't-ibang sangay ng pamahalaan na bukas para sa kaalaman ng mga nasasakupan nito.

At ang nangyaring lindol ay isang misteryong nais kong malaman kung bakit ito nangyari sa aming lugar na ayon naman sa nababasa ko ay wala namang naitalang ganoong pangyayari sa kasaysayan ng Lungsod ng Kadadu.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon